PAMAGAT:
ANG KATATAGANG-LOOB SA PILOSOPIYANG PILIPINO NG PAGIGING MATATAG AT MATIBAY (RESILIENCE) SA KONSEPTO NI
ANTHONY NARCISO Z. TIANGCO
UNANG
KABANATA
PANIMULA
A.
Larangang Ginagalawan ng Pag-aaral
1)
Pinanggalingan ng Pag-aaral
Ang buhay ng tao ay
kaakibat ng mga pangyayari at karanasang nagbibigay-kulay at kabuluhan sa
kanya. Ang mga karanasang ito, mabuti man o masama ay maaring nagpatibay o
nagpahina sa kanya. Ayon sa ibang pagkakuro ang mga ito ay pagsubok lamang. Ang
bawat pagsubok na ito ay hamon sa ating katatagan. Ang mga Pilipino ay may
lahing matatag at magiting. Sa simula pa lamang, ito na ang pagtingin ni Dr.
Jose Rizal sa kanyang sariling pinanggalingan kaya nga naihambing niya ang
pagiging matatag ng Pilipino sa tulay ng barkas, sa Binundok (N.M.T., Kabanata
8) na sa kabila ng maraming bagyo at unos ay nakatayo at nagagamit pa rin,
guyundin, sagana ang Pilipino sa kasabihang “kung may hirap may ginhawa” at pag
may tiyaga may nilaga” na naging gabay niya sa kanyang pakikitalad sa mundo.
Ang mga pagsubok na dumarating kung minsan ay nagiging dahilan ng pagkahina ng
loob ngunit ayon sa isang kasabihan “hindi mahalaga kung ilang beses kang
nadapa, ang mahalaga bumangon ka uli sa iyong pagkadapa” (“it doesn’t matter how many times you fall, what matter is that you
rise again every time you fall”). [1]Ang mga
Pilipino ay hindi nalalayo sa usaping ito dahil ang Pilipinas at ang mga
Pilipino ay patuloy na humaharap sa hindi mapagtagumpayang mga problema nito. “Ngunit
sa kabila ng lahat ang mga Pilipino ay itinuturing pa ring pinakamasayahing tao
sa buong mundo, mas pinipili ng Pilipino ang maging masayahin kahit nasa gitna
siya ng kahirapan”.[2]Kaya
ng Pilipino na panatilihin ang kanyang pagtitimpi at pagtititis sa kabila ng
kasawian at kaya pa rin niyang tumayo at humarap sa mga pagsubok. Ang Pilipino
madalas ay inihahalintulad o inihahambing sa puno ng kawayan sapagkat yumuyuko
at umaayon siya sa bugso ng hangin. Di sumasalungat kundi nagpupugay, upang di
mabakli ang sariling tangkay, ibig sabihin nito, ang tao ay kayang humarap sa
mga pagsubok na hindi nasasaktan, kayang bumangon na hindi lumalaban.
Ang isa
pa sa mga maipagmamalaking katangian ng Pilipino ay ang pagkakaroon niya ng
Katatagang-Loob. Sa pag-aaral ni Joseph Anthony Narciso Z. Tiangco sa kanyang
isinulat na “Understanding the Filipino
Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob and its phenomenological
consideration, mababatid dito na ang Pilipino, sa lahat ng mga pagsubok na
nararanasan niya ay kayang humarap sa mga hirap at sakit anupat siya’y
magbabangon at muling magsisimula. Makikita ito sa isang taong may gustong
abutin ang ninanais o pangarap, dahil sa pagnanais o pangarap ay nagkakaroon ng
pagtitiyaga sa nais abutin kahit ano pa man ang mangyari, kayang magsakripisyo,
kayang mag-alay ng sarili, at ialay ang lahat matupad lang ang ninanais dahil
hindi giginhawa ang isang tao kung hindi siya magtitiis at magsisikap.
Napapaloob dito ang katangian ng Pilipino ang Katatagang-loob at umaakto sa
Pilosopiya ng pagiging matatag at matibay. [3]Ang
pagiging matatag at matibay o Resilience ay
mula sa salitang Latin resilientia (from
the verb Resilire, to spring Back), ibig sabihin ang Pilipino sa bawat
pagsubok na kanyang nararanasan ay hindi tumitigil sa laban, madaling makaahon
sa mga pagsubok, ang magandang halimbawa dito ay ang mga Pilipinong OFW,
(Overseas Filipino worker) may iba man na nakakukuha ng mga magagandang
trabaho, mayroon ding mga Pilipino na nakakukuha nga ng trabaho ngunit mga
pagsubok muna ang pinagdaanan. Mahirap ang mamuhay sa ibang bansa at
makipagsapalaran ngunit kinakailangan magsakripisyo para sa pamilya. Kahit
anong hanapbuhay ay kanyang papasukin, kailangang lumaban sa lahat ng mga
pagsubok. Katulad ng mga Pilipinong atleta, mga pagsubok muna ang kanilang
pagdadaanan bago magtagumpay sa laban. Katangiang Pilipino na kailangan
panatilihin ang Katatagang-Loob. Walang dahilan para sumuko at hindi solusyon
ang pagpapakamatay. Kung ang tao ay kayang humarap sa lahat ng pagsubok
ibig-sabihin hindi ito nangangahulugang kasiyahan na niya ang problema, anupa’t
maraming kasabihan at paniniwala ang Pilipino katulad nang lahat ng suliranin
ay may katapat na kalutasan. “Ito ang kahulugan ng buhay ng tao parang isang
gulong, kung minsan ay nasa ilalim sa susunod ay nasa ibabaw naman”.[4]
Ang
pag-unawa sa konsepto ng Katatagang-Loob ay isang suliranin sa pagpapakahulugan
ng mga salita. Ang salitang Katatagang-Loob ay binubuo ng dalawang salita-tatag
at loob. Ang dalawa ay magkaiba ng kahulugan ngunit masasagot sa semantikong
pananaliksik. Ang katatagang-Loob ay iba sa kahulugan ng Lakas ng Loob ngunit
may mga iskolar na nagsasabi na ang Katatagang-Loob at Lakas ng Loob ay
magkatulad lamang ng pagpapakahulugan. [5]Ngunit ang
Katatagang-Loob ay hindi gumagamit ng Lakas at kapangyarihan samakatwid ang
ibig sabihin ng Katatagang-Loob sa madaling salita ay pagkamatatag, matibay, sa
lahat ng pagsubok at kasawian na hindi ginagamitan ng lakas at kapangyarihan.
Pilosopiyang Pilipino ng kaelastikuhan, (Filipino
Philosophy of Resiliency) ang kabuuang kahulugan nito (Kaelastikuhan) ay ang pagbalik sa normal, ibig sabihin sa anumang
mga bagay, sa mga nararanasang mga pagsubok ay may kakayahan na ibalik ng isang
tao ang kanyang sarili sa kabila ng nangyari, halimbawa sa pagkakamali ng isang
tao, minsan ang tinitingnan lang ng tao ay ang kamalian na kanyang nagawa at
dahilan na ito ng pagsuko ngunit sa kaisipang ito ng kaelastikuhan walang
dahilan para sumuko, samakatwid, may kakayahan ang lahat na maging matatag at
ipagpatuloy ang buhay.
2)
Dahilan ng Pag-aaral
Ang dahilan ng pag-aaral na ito ay isang pagtatalakay at pag-unawa sa konsepto
ni Tiangco ng katatagang-loob na magpapaalala sa mga Pilipino na ang paksang
ito ay hindi lang basta paksa kundi ito ay isang pagdaliri patungkol rin sa
katangian ng mga Pilipino na sa bawat pagsubok na nararanasan niya ay kaya pa
rin niyang lumaban sa mga paghihirap sa buhay. Ang mahalagang kailangan lang
niya ay ang maging matatag at matibay sa lahat ng mga problemang mararanasan.
Ang tagapananaliksik ay gustong palawakin ang pag-aaral na ito sa
tatlong kadahilanan:
1.
Naniniwala
ang tagapananaliksik na magiging makatotohanan ang pag-aaral na ito kung
kasabay sa paggawa nito ay ang kanyang mga karanasan sa buhay. Kaugnay dito ay ang kanyang pagkahubog sa buhay
na kanyang at tinahak kung paano rin siya humaharap sa mga pagsubok na
dumarating sa kanyang buhay. Sa pamamagitan ng karanasan ng tagapanaliksik ay
makabubuo siya ng mga kongkretong kaisipan hinggil sa panahon batay sa kanyang
mga naging karanasan.
2.
Ang
Pilipino ay may sariling Pilosopiya, samakatwid naniniwala ang tagapanaliksik
na ang bawat Pilipino ay may sari-sariling Pilosopiya sa buhay. Ang mga naging
karanasan niya ay nakapagtuturo sa kanya at ang mga ito ay nagbibigay sa kanya
ng karunungan at kaliwanagan sa buhay na hindi natin alam ay ang ating
karanasan.
3.
Minarapat
at pinagsikapan ng tagapanaliksik ang hamong sa pagsulat ng paksa tungkol sa
mga Pilipino ay nararapat lang na wikang Filipino ang gamitin. Bukod sa mayroon
tayong katangi-tanging panuntunan sa
buhay na sa ibang lahi ay mas mabibigyang linaw kung sa sariling wika ito
babasahin dahil mas makabuluhan ang paglalagay sa konteksto ng pag-aaral na ito
kung sariling pilosopiya at sariling wika ang gagamitin dahil hindi lang sa
pagiging matatag at matibay ang matatalakay dito kundi kasami rin ang
pagka-Pilipino, ito ay tungkol sa mga Pilipino kaya’t makikita at mapapatunayan
kung gaano talaga katatag at katibay ang mga Pilipino sa iba’t-ibang aspeto o
pagsubok sa buhay.
Minabuti
ng tagapanaliksik na pag-isipan sa makabagong paraan kung ano ang maari niyang
maiambag sa mga Pilipino ng kanyang karanasan, ang sariling Pilosopiya ng
Pilipino at ang paggamit ng sariling wika.
3)
Kahalagahan ng Pag-aaral
Kung minsan ang tao ay nabibigo sa kanyang pangarap, sa kanyang
ninanais, at sa kanyang gustong makamit. Sa pag-aaral na ito, hinihimuk ang
lahat na maging matatag sa bawat pagsubok na ating mararanasan upang
mapagtagumpayanan ang lahat ng paghihirap at makamit ang katiwasayan at
ginhawa, ito ang bunga ng ating pagpupunyagi sa buhay. Ang mga problema na
hinaharap ngayon sa Pilipinas at ng mga Pilipino ay pagsubok, mga suliranin na
kaakibat ng ating paglangoy sa dagat ng buhay. Ang mga pagsubok na ito ay
nagpapalago at nagpapatibay sa tao.
B.
Paglalahad ng Suliranin
1.
Pangkalahatang Pahayag ng Suliranin
Ang tesis
na ito ay ang pag-unawa sa pilosopiya ng Pilipino ng Pagiging matatag at
matibay at paglalahad ng isang katangian ng mga Pilipino, ang katatagang-loob
upang mabigyang linaw ang isinulat ni Joseph Anthony Narciso Z. Tiangco sa
paksang pinag-aaralan dito. Ang unang pangunahing suliranin sa pag-aaral na ito
ay unawain ang konsepto ng Katatagang-loob gayundin ang konsepto ng
pilosopiyang Pilipino ng Pagiging matatag at matibay. Susuriin ng
tagapanaliksik ang konsepto ng pinag-aaralan gamit ang iba’t ibang uri ng
pag-aaral at pag-analisa.
Ang
tagapanaliksik ay magsusuri sa katangiang ito gamit ang pag-unawa at
pagsaliksik sa katangian ng mga Pilipino ang Katatagang-loob sa iba’t-ibang
konteksto ng pagsusuri na siyang magbibigay linaw sa pinag-aaralang paksa.
Magiging
batayan ng tagapanaliksik ang mga pangyayari sa buhay ng Pilipino upang maging
makabuluhan ang pag-aaral na ito at makaambag sa kaalaman ng bawat Pilipino.
2.
Mga Tanging Tanong ng Pag-aaral
Sa pag-aaral na ito, ang tagapanaliksik ay nais ilahad ang mga sumusunod
na mga katanungan:
- Sino si Joseph Anthony Narciso Z. Tiangco? Ano
ang kanyang Konsepto ng Katatagang-Loob sa Pilosopiyang Pilipino ng
pagiging Matatag at Matibay o Kaelastikuhan? Si Joseph Anthony Narciso Z. Tiangco ay hindi
kilala o tinatangkilik ng marami bilang isang Pilosopo pero siya ay
nananatiling buhay hanggang ngayon kung kaya’t ang tagapananaliksik ay
kikilalanin muna si J. A. N. Z. Tiangco ang kanyang talambuhay at ang kanyang
mga nasulat at nagawa at kasama na ang kanyang paraan ng pamimilosopiya at
ang kanyang pilosopiya. Pag-aaralanng tagapananaliksik ang kanyang
konsepto ng Katatagang-Loob at ang pagsusuri sa pamamagitan ng semantikong
pananaliksik ng salita at kung ano ang kaugnayan nito sa Pilosopiyang
Pilipino ng kaelastikuhan at ang katuturan ng kaelastikuhan.
- Ano ang Pilosopiyang Pilipino ng Pagiging
Matatag at Matibay (Resilience)? Bibigyang kahulugan ng tagapanaliksik ang
pilosopiyang ito sa pamamagitan ng pagunawa at pagintindi sa iba’t – ibang
paraan kung paano nabuo and konseptong ito at mabigyang ng pagpapaliwanag
ang tungkol sa pilosopiya ng Pilipino partikular sa Pilosopiya ng pagiging
matatag at matibay.
- Ano
ang Katatagang-loob sa mga Pilipino? Ang katatagang-loob ay isang katangian ng mga
Pilipino, ilalahad dito na ang mga Pilipino ay may katangiang ito at
magpapaalala rin sa mga Pilipino sa katangian ng katatagang-loob na dapat
maging matatag at matibay sa lahat ng mga pagsubok sa buhay.
d. Anong
klaseng pag-aaral ang isinasagawa sa konsepto ng Katatagang-loob at
Pilosopiyang Pilipino ng Pagiging Matatag at Mattibay? Ang tanong na ito ay ang siyang bahagi sa paglalahad ng naunawaan ng
tagapanaliksik sa pinag-aaralang paksa.
- Ano
ang naiambag at ano ang pwedeng maiambag sa Konsepto ng Katatagang-Loob sa
mga Pilipino? Bilang
pandag-dag sa kahalaagahan ng katangiang ito, ang tagapananaliksik ay
uungkatin ang mga pangyayarti noon na magbibigay halimbawa sa
katatagang-loob na meron ang mga Pilipino. Sa bahaging ito ang
tagapananaliksik ay mag kakaroon ng paglalagom na ang Konseptong ito na
ang Katatagang-Loob ay makaaambag sa mga Pilipino sa kanilang mga pagsubok
na nararanasan Katatagang – Loob and kailangan.
3.
Lawak at Takda ng Pag-aaral
Ang
pag-aaral na ito ay tungkol sa pagsusuri at paglalahad ng konsepto ni Joseph
Anthony Narciso Z. Tiangco na Katatagang-Loob sa pilosopiyang Pilipino ng
pagiging matatag at matibay. Susuriin at ilalahad dito ang kanyang konsepto sa
ibat’-ibang pamamaraan.
Ang
pag-aaral ding ito, higit sa lahat ay ang pamimilosopiya sa konsepto ng
Katatagang-Loob sa Pilosopiyang Pilipino ng Kaelastikuhan, ang pagbibigay
kahulugan nito (ang Katatagang-Loob) sa semantikong pananaliksik upang lubos na
maintindihan ang paggamit ng salita at maipaliwanag sa pag-aaral ng iba’t ibang
konteksto ng Katatagang-Loob at ang Kaelastikuhan (Resiliency) pagiging matatag
at matibay.
Malinaw
sa isip ng tagapanaliksik na ang pag-aaral na ito ay isang paglalahad sa
konsepto ni Tiangco at pagbibigay halaga sa katangian ng mga Pilipino ang
Katatang-Loob sa Pilosopiyang Pilipino ng kaelastikuhan at gayundin ang
pagbibigay ng mga layunin nito na makaaambag sa mga Pilipino. Ito ay tanging
pag-ambag lang sa naarok na ideya ng tagapanaliksik sa pamamagitan ng kanyang
mga obserbasyon at karanasan sa buhay.
Walang
kinalaman dito ang paglalahad ng iba pang uri ng Katatagang-Loob ngunit
maaaring gamitin ito bilang isang halimbawa sa pag-aaral na ito sapagkat
malawak ang pag-aaral ng katangian ng Katatagang-Loob, maraming uri ang kaugnay
dito. Ang tanging suliranin ay ang pagpapalawak sa konsepto ng Katatagang-loob
bilang isang Pilosopiya ng Pilipino ng pagiging matatag at matibay.
4.
Layunin ng Pag-aaral
Sa
pag-aaral na ito naniniwala ang mananaliksik na makaaambag ito sa pamamagitan
ng mga sumusunod na layunin:
a)
Makaaambag
ang pag-aaral na ito sa paghimok sa mga Pilipino na maging matatag sa lahat ng
mga pagsubok. Naniniwala ang tagapanaliksik na ang Pilipino ay may katangian ng
Katatagang-Loob, nais lang niyang panatilihin ang katangian ng Katatagang-Loob
sa pagkat ang Pilipino ay nahaharap sa mga pagsubok na minsan ay hindi
inaasahan.
b)
Ang
makaambag sa pamamaraan ng pamimilosopiya ng mga Pilipino na ang Pilipino ang
may sariling pilisopiyang ginagamit.
K.
Pagsusuri sa mga Kaugnay na Panitikan
a)
Ang “A Concept of Resilience: A Functional
Account”na isinulat ni Gardar Anarson ay isang Diyornal ng paaralang
Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay tumatalakay sa konsepto ng Resilience o matatag at matibay
(Kaelastikuhan sa literal na pagsasalin sa Filipino). Tinalakay dito ang
maikling kasaysayan ng Resiliency na
makatutulong sa pagpapaliwanag sa pag-aaral na ito. Sinabi ni Gardar Anarson
dito na ang Resiliency ay isang
pag-aaral na kaugnay ang pag-aaral sa buhay ng tao (Psychologicaly and
socially), ekolohiya, sa komunidad at sa lipunan na ang normal na paggalaw ng
ating buhay sa oras ng mga kahirapan at pagsubok ay isang Resiliency. Ang akdang ito ay makatutulong sa pagbibigay-kahulugan
ng Resiliency o Matatag at Matibay
(Kaelastikuhan).
b)
Ang Katatagan ng Kalooban ay isang proyekto
sa edukasyon sa pagpapahalaga IV, modyul blg. 12. Sa pamunuan ng Bureau of
Secondary Education, Department of Education. Ito ay isang pagsusuri kaugnay sa
paglalahad ng mga iba’t ibang kwento at mga halimbawa ng Katatagang-Loob. Isang
pagtuklas upang sagutan ang mga inihandang mga tanong na ukol sa pag-aaral sa
Katatagang-Loob.
k.
Ang Katatagang-loob ay isang artikulo na
nakuha sa Internet (http://bucaio.blogspot.com/2011/10/katatagan-ng-loob.html).
Batay o ayon sa nagsulat “This trait was
specifically attributed to Overseas Filipino Workers (OFW), who have to leave
their families and brave the unknown in foreign shores to heal, nurture, teach
and build for other people. But following this was the discussion that katatagan ng loob is something that
is learned by every Filipino growing up in the country, who cannot help but
become hardy as he faces one natural calamity after another”. Makatutulong
ito sa pagbibigay halimbawa sa pag-aaral na ito.
d.
Ang “Katatagan ng Loob ng Magulang” na
isinulat ni Larry R. Lawrence. Ang artikulong ito ay naglalahad ng pagbibigay
alituntunin sa mga magulang sabi pa niya “Ang talagang kailangan ng daigdig ay
katatagan ng kalooban ng magulang mula sa mga ama at ina na hindi takot
magsalita at manindigan”.
D.
Pamamaraan
Malinaw
sa pag-aaral ng tagapanliksik na ito ay limitado lamang sa pag-uunawa at pag-aaral
ni Tiangco sa Katatagang-Loob at kaugnay ang Pilosopiyang Plilipno ng Pagiging
matatag at matibay sa pagintindi nito.
Apat na
pamamaraan ang magiging kasangkapan ng pananaliksik sa pag-aaral na ito: 1.)
Paglalahad; 2.) Pagunawa at Pagsusuri; 3.) Pananaliksik.
Sa Paglalahad ay ilalahad ng
tagapanaliksik ang lahat ng mga suliranin ng pag-aaral na ito upang mabigyang
linaw at maipaliwanag sa bawat paksa. Ang Pag-unawa
at Pagsusuri ay malaking bahagi na
gagawin ng tagapanaliksik sapagkat kinakailangang unawain ang bawat paksa na
pinag-aaralan dito. At ang panghuli ay ang Pananaliksik,
dito ay magkakalap ang tagapanaliksik ng mga impormasyon tungkol sa pinag-aaral
upang makakuha ng mga iba pang impormasyon.
Ang
tagapanaliksik ay magsasagawa ng paglalahad sa pagpresenta ng buhay ni Tiangco
bilang isang Pilosopo sa pag-aaral na ito at bibigyang kahulugan ang konsepto
ng Katatagang-loob bilang isang panimulang suliranin sa pag-aaral na ito, para
sa pagpapalawak ng kahulugan ng Katatagang-Loob sa pamamagitan ng kanyang
konsepto at ideya. Ang tagapanaliksik ay gagamit ng mga aklat na matatagpuan sa
OLAS Library. Pagkukunan rin ng mga importanteng impormasyon sa pag-aaral na
ito, ang mga sumusunod mga artikulo, mga diyornal at mga dokumento. Ang
internet ay malaki rin ang maitutulong dahil pagkukunan ito ng mga paliwanag at
mga ginagamit na mga salita upang maipaliwanag at masagutan ang mga suliranin
sa pag-aaral na ito. Ang pakikipagpanayam at pakikipag-usap ay lubos na
makakatulong sa pag-aaral na ito. Dagdag dito ay gagamit din ng tagapanaliksik
sa Pilosopiyang pamamaraan o ibang pananaw ng ibang pilosopo, at sa
Sikolohiyang pag-aaral dahil kukuha ang tagapanaliksik ng mga pananaw na
kaugnay sa pinag-aaralan katulad ng semantikong pananaliksik, empirical study,
at iba pa.
E.
Banghay ng mga Kabanata
Ang
tagapanaliksik ay naglaan ng anim kabanata sa pag-aaral na ito. Ang unang
kabanata ay kapapalooban ang Panimula,
Larangang Ginagalawan ng Pag-aaral,
Paglalahad ng Suliranin, Pagsusuri sa mga Kaugnay na Panitikan, Pamamaraan at
ang Banghay ng mga Kabanata.Sa
Larangang Ginagalawan ng Pag-aaral ay kasama dito ay ang Pinanggalingan ng Pag-aaral, Dahilan ng Pag-aaral at ang Kahalagahan ng Pag-aaral.Sa pag-aaral
ng Suliranin naman ay may apat (4) na ilalahad, ito ay ang mga sumusunod: Pangkalahatang Pahayag ng Suliranin, Mga
Tanging Tanong ng Pag-aaral, Lawak at Takda ng Pag-aaral at Layunin ng
Pag-aaral.
Sa
Pangalawang Kabanata, inilahad ng tagapanaliksik ang pangunahing pagsusuri sa
pag-aaral na ito ang paglalahad ng tagapananaliksik sa ginamit niyang pilosopo,
ang talambuhay ni Joseph Anthony Narciso Z. Tiangco bilang isang pilosopo na
gagamitin ng tagapananaliksik, at ang pamamaraan ng kanyang pamimilosopiya at
ang paglalahad ng kanyang konsepto ng Katatagang-Loob sa Pilosopiyang Pilipino
ng Kaelastikuhan na napili ng tagapanaliksik bilang isang suliranin sa
pag-aaral na ito.
Ang Ikatlong kabanata hinggil sa pilosopiya ng Pilipino ng pagiging
matatag at matibay (resilient) sa paraan ng pag-intindi ng konsepto, ang
paggamit ng konsepto sa iba’t-ibang konteksto at ibang paglalahad tungkol sa
pagiging matatag at matibay.
Ang ika
apat na kabanata ay ang pagsang-ayon ng tagapananaliksik na ang katatagang-loob
ay isang katangian ng mga Pilipino bunga ng kanyang iba’t ibang karanasan.
Ang ika
liamang kabanata ay ang siyang kabuuan na pag-unawa ng tagapananaliksik sa
konsepto ng pag-aaral gamit ang pag-aanalisa bilang eksperyensiyal na pag-aaral
o sa Phenominolohiyang pag-aaral (experiential study).
Ang ikaanim at panghuling kabanata ay ang karagdagang paglalahad na ang
katatagang-loob loob noon ay makikita sa mga santo, bayani at iba pa, (at
mabibigyang halaga rin ito at makaka-ambag sa mga pangyayari ngayon sa buhay ng
mga Pilipino). Kabilang din dito ang paglalagon at konklusyon ng
tagapananaliksik na ang konseptong ito ay makatutulong sa mga Pilipino sa
kanilang patuloy na paglangoy sa dagat ng buhay.
[1]
Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, isinalin ni Rolando M. Gripaldo,
“Pilipino Cultural Traits” Understanding
the Filipino Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob and its Phenomenological
Considerations, 2005, Chapter
III.
[2]
Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, isinalin ni Rolando M. Gripaldo,
“Pilipino Cultural Traits” Understanding
the Filipino Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob and its Phenomenological
Considerations, 2005, Chapter III
[3]Tingnan ang
sulat ni Anarson, Gardon, “The Concept of Resiliency: A Functional Account”, University of
Philippines Manila, 2009, p. 112.
[4]
Tingnan ang isinulat ni Timbreza,
Florentino T., “Pilosopiyang Pilipino,
Rex Book Store, 1982, Pg. 17
[5]
Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, isinalin ni Rolando M. Gripaldo,
“Pilipino Cultural Traits” Understanding
the Filipino Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob and its Phenomenological
Considerations, 2005, Chapter III