Linggo, Marso 3, 2013

Ang Katatagang-Loob sa Pilosopiyang Pilipino ng Pagiging Matatag at Matibay sa Konsepto ni Joseph Anthony Narciso Z. Tiangco


UNANG KABANATA
PANIMULA
A.     Larangang Ginagalawan ng Pag-aaral
1)      Pinanggalingan ng Pag-aaral
Ang buhay ng tao ay kaakibat ng mga pangyayari at karanasang nagbibigay-kulay at kabuluhan sa kanya. Ang mga karanasang ito, mabuti man o masama ay maaring nagpatibay o nagpahina sa kanya. Ayon sa ibang pagkakuro ang mga ito ay pagsubok lamang. Ang bawat pagsubok na ito ay hamon sa ating katatagan. Ang mga Pilipino ay may lahing matatag at magiting. Sa simula pa lamang, ito na ang pagtingin ni Dr. Jose Rizal sa kanyang sariling pinanggalingan kaya nga naihambing niya ang pagiging matatag ng Pilipino sa tulay ng barkas, sa Binundok (N.M.T., Kabanata 8) na sa kabila ng maraming bagyo at unos ay nakatayo at nagagamit pa rin, guyundin, sagana ang Pilipino sa kasabihang “kung may hirap may ginhawa” at pag may tiyaga may nilaga” na naging gabay niya sa kanyang pakikitalad sa mundo. Ang mga pagsubok na dumarating kung minsan ay nagiging dahilan ng pagkahina ng loob ngunit ayon sa isang kasabihan “hindi mahalaga kung ilang beses kang nadapa, ang mahalaga bumangon ka uli sa iyong pagkadapa” (“it doesn’t matter how many times you fall, what matter is that you rise again every time you fall”). [1]Ang mga Pilipino ay hindi nalalayo sa usaping ito dahil ang Pilipinas at ang mga Pilipino ay patuloy na humaharap sa hindi mapagtagumpayang mga problema nito. “Ngunit sa kabila ng lahat ang mga Pilipino ay itinuturing pa ring pinakamasayahing tao sa buong mundo, mas pinipili ng Pilipino ang maging masayahin kahit nasa gitna siya ng kahirapan”.[2]Kaya ng Pilipino na panatilihin ang kanyang pagtitimpi at pagtititis sa kabila ng kasawian at kaya pa rin niyang tumayo at humarap sa mga pagsubok. Ang Pilipino madalas ay inihahalintulad o inihahambing sa puno ng kawayan sapagkat yumuyuko at umaayon siya sa bugso ng hangin. Di sumasalungat kundi nagpupugay, upang di mabakli ang sariling tangkay, ibig sabihin nito, ang tao ay kayang humarap sa mga pagsubok na hindi nasasaktan, kayang bumangon na hindi lumalaban.
Ang isa pa sa mga maipagmamalaking katangian ng Pilipino ay ang pagkakaroon niya ng Katatagang-Loob. Sa pag-aaral ni Joseph Anthony Narciso Z. Tiangco sa kanyang isinulat na “Understanding the Filipino Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob and its phenomenological consideration, mababatid dito na ang Pilipino, sa lahat ng mga pagsubok na nararanasan niya ay kayang humarap sa mga hirap at sakit anupat siya’y magbabangon at muling magsisimula. Makikita ito sa isang taong may gustong abutin ang ninanais o pangarap, dahil sa pagnanais o pangarap ay nagkakaroon ng pagtitiyaga sa nais abutin kahit ano pa man ang mangyari, kayang magsakripisyo, kayang mag-alay ng sarili, at ialay ang lahat matupad lang ang ninanais dahil hindi giginhawa ang isang tao kung hindi siya magtitiis at magsisikap. Napapaloob dito ang katangian ng Pilipino ang Katatagang-loob at umaakto sa Pilosopiya ng pagiging matatag at matibay. [3]Ang pagiging matatag at matibay o Resilience ay mula sa salitang Latin resilientia (from the verb Resilire, to spring Back), ibig sabihin ang Pilipino sa bawat pagsubok na kanyang nararanasan ay hindi tumitigil sa laban, madaling makaahon sa mga pagsubok, ang magandang halimbawa dito ay ang mga Pilipinong OFW, (Overseas Filipino worker) may iba man na nakakukuha ng mga magagandang trabaho, mayroon ding mga Pilipino na nakakukuha nga ng trabaho ngunit mga pagsubok muna ang pinagdaanan. Mahirap ang mamuhay sa ibang bansa at makipagsapalaran ngunit kinakailangan magsakripisyo para sa pamilya. Kahit anong hanapbuhay ay kanyang papasukin, kailangang lumaban sa lahat ng mga pagsubok. Katulad ng mga Pilipinong atleta, mga pagsubok muna ang kanilang pagdadaanan bago magtagumpay sa laban. Katangiang Pilipino na kailangan panatilihin ang Katatagang-Loob. Walang dahilan para sumuko at hindi solusyon ang pagpapakamatay. Kung ang tao ay kayang humarap sa lahat ng pagsubok ibig-sabihin hindi ito nangangahulugang kasiyahan na niya ang problema, anupa’t maraming kasabihan at paniniwala ang Pilipino katulad nang lahat ng suliranin ay may katapat na kalutasan.  “Ito ang kahulugan ng buhay ng tao parang isang gulong, kung minsan ay nasa ilalim sa susunod ay nasa ibabaw naman”.[4]
Ang pag-unawa sa konsepto ng Katatagang-Loob ay isang suliranin sa pagpapakahulugan ng mga salita. Ang salitang Katatagang-Loob ay binubuo ng dalawang salita-tatag at loob. Ang dalawa ay magkaiba ng kahulugan ngunit masasagot sa semantikong pananaliksik. Ang katatagang-Loob ay iba sa kahulugan ng Lakas ng Loob ngunit may mga iskolar na nagsasabi na ang Katatagang-Loob at Lakas ng Loob ay magkatulad lamang ng pagpapakahulugan. [5]Ngunit ang Katatagang-Loob ay hindi gumagamit ng Lakas at kapangyarihan samakatwid ang ibig sabihin ng Katatagang-Loob sa madaling salita ay pagkamatatag, matibay, sa lahat ng pagsubok at kasawian na hindi ginagamitan ng lakas at kapangyarihan. Pilosopiyang Pilipino ng kaelastikuhan, (Filipino Philosophy of Resiliency) ang kabuuang kahulugan nito (Kaelastikuhan) ay ang pagbalik sa normal, ibig sabihin sa anumang mga bagay, sa mga nararanasang mga pagsubok ay may kakayahan na ibalik ng isang tao ang kanyang sarili sa kabila ng nangyari, halimbawa sa pagkakamali ng isang tao, minsan ang tinitingnan lang ng tao ay ang kamalian na kanyang nagawa at dahilan na ito ng pagsuko ngunit sa kaisipang ito ng kaelastikuhan walang dahilan para sumuko, samakatwid, may kakayahan ang lahat na maging matatag at ipagpatuloy ang buhay.
2)      Dahilan ng Pag-aaral
Ang dahilan ng pag-aaral na ito ay isang pagtatalakay at pag-unawa sa konsepto ni Tiangco ng katatagang-loob na magpapaalala sa mga Pilipino na ang paksang ito ay hindi lang basta paksa kundi ito ay isang pagdaliri patungkol rin sa katangian ng mga Pilipino na sa bawat pagsubok na nararanasan niya ay kaya pa rin niyang lumaban sa mga paghihirap sa buhay. Ang mahalagang kailangan lang niya ay ang maging matatag at matibay sa lahat ng mga problemang mararanasan.
Ang tagapananaliksik ay gustong palawakin ang pag-aaral na ito sa tatlong kadahilanan:
1.      Naniniwala ang tagapananaliksik na magiging makatotohanan ang pag-aaral na ito kung
kasabay sa paggawa nito ay ang kanyang mga karanasan sa buhay. Kaugnay dito ay ang kanyang pagkahubog sa buhay na kanyang at tinahak kung paano rin siya humaharap sa mga pagsubok na dumarating sa kanyang buhay. Sa pamamagitan ng karanasan ng tagapanaliksik ay makabubuo siya ng mga kongkretong kaisipan hinggil sa panahon batay sa kanyang mga naging karanasan.
2.      Ang Pilipino ay may sariling Pilosopiya, samakatwid naniniwala ang tagapanaliksik na ang bawat Pilipino ay may sari-sariling Pilosopiya sa buhay. Ang mga naging karanasan niya ay nakapagtuturo sa kanya at ang mga ito ay nagbibigay sa kanya ng karunungan at kaliwanagan sa buhay na hindi natin alam ay ang ating karanasan.
3.      Minarapat at pinagsikapan ng tagapanaliksik ang hamong sa pagsulat ng paksa tungkol sa mga Pilipino ay nararapat lang na wikang Filipino ang gamitin. Bukod sa mayroon tayong  katangi-tanging panuntunan sa buhay na sa ibang lahi ay mas mabibigyang linaw kung sa sariling wika ito babasahin dahil mas makabuluhan ang paglalagay sa konteksto ng pag-aaral na ito kung sariling pilosopiya at sariling wika ang gagamitin dahil hindi lang sa pagiging matatag at matibay ang matatalakay dito kundi kasami rin ang pagka-Pilipino, ito ay tungkol sa mga Pilipino kaya’t makikita at mapapatunayan kung gaano talaga katatag at katibay ang mga Pilipino sa iba’t-ibang aspeto o pagsubok sa buhay.
Minabuti ng tagapanaliksik na pag-isipan sa makabagong paraan kung ano ang maari niyang maiambag sa mga Pilipino ng kanyang karanasan, ang sariling Pilosopiya ng Pilipino at ang paggamit ng sariling wika.
3)      Kahalagahan ng Pag-aaral
Kung minsan ang tao ay nabibigo sa kanyang pangarap, sa kanyang ninanais, at sa kanyang gustong makamit. Sa pag-aaral na ito, hinihimuk ang lahat na maging matatag sa bawat pagsubok na ating mararanasan upang mapagtagumpayanan ang lahat ng paghihirap at makamit ang katiwasayan at ginhawa, ito ang bunga ng ating pagpupunyagi sa buhay. Ang mga problema na hinaharap ngayon sa Pilipinas at ng mga Pilipino ay pagsubok, mga suliranin na kaakibat ng ating paglangoy sa dagat ng buhay. Ang mga pagsubok na ito ay nagpapalago at nagpapatibay sa tao.
B.     Paglalahad ng Suliranin
1.      Pangkalahatang Pahayag ng Suliranin
Ang tesis na ito ay ang pag-unawa sa pilosopiya ng Pilipino ng Pagiging matatag at matibay at paglalahad ng isang katangian ng mga Pilipino, ang katatagang-loob upang mabigyang linaw ang isinulat ni Joseph Anthony Narciso Z. Tiangco sa paksang pinag-aaralan dito. Ang unang pangunahing suliranin sa pag-aaral na ito ay unawain ang konsepto ng Katatagang-loob gayundin ang konsepto ng pilosopiyang Pilipino ng Pagiging matatag at matibay. Susuriin ng tagapanaliksik ang konsepto ng pinag-aaralan gamit ang iba’t ibang uri ng pag-aaral at pag-analisa tulad ng panlipunan at kasaysayang pag-analisa.
Ang tagapanaliksik ay magsusuri sa katangiang ito gamit ang pag-unawa at pagsaliksik sa katangian ng mga Pilipino ang Katatagang-loob sa iba’t-ibang konteksto ng pagsusuri na siyang magbibigay linaw sa pinag-aaralang paksa.
Magiging batayan ng tagapanaliksik ang mga pangyayari sa buhay ng Pilipino upang maging makabuluhan ang pag-aaral na ito at makaambag sa kaalaman ng bawat Pilipino.

2.      Mga Tanging Tanong ng Pag-aaral
Sa pag-aaral na ito, ang tagapanaliksik ay nais ilahad ang mga sumusunod na mga katanungan:
  1. Sino si Joseph Anthony Narciso Z. Tiangco? Ano ang kanyang Konsepto ng Katatagang-Loob sa Pilosopiyang Pilipino ng pagiging Matatag at Matibay o Kaelastikuhan? Si Joseph Anthony Narciso Z. Tiangco ay hindi kilala o tinatangkilik ng marami bilang isang Pilosopo pero siya ay nananatiling buhay hanggang ngayon kung kaya’t ang tagapananaliksik ay kikilalanin muna si J. A. N. Z. Tiangco ang kanyang talambuhay at ang kanyang mga nasulat at nagawa at kasama na ang kanyang paraan ng pamimilosopiya at ang kanyang pilosopiya. Pag-aaralan ng tagapananaliksik ang kanyang konsepto ng Katatagang-Loob at ang pagsusuri sa pamamagitan ng semantikong pananaliksik ng salita at kung ano ang kaugnayan nito sa Pilosopiyang Pilipino ng kaelastikuhan at ang katuturan ng kaelastikuhan.
  2. Ano ang Pilosopiyang Pilipino ng Pagiging Matatag at Matibay (Resilience)? Bibigyang kahulugan ng tagapanaliksik ang pilosopiyang ito sa pamamagitan ng pagunawa at pagintindi sa iba’t – ibang paraan kung paano nabuo and konseptong ito at mabigyang ng pagpapaliwanag ang tungkol sa pilosopiya ng Pilipino partikular sa Pilosopiya ng pagiging matatag at matibay.
  1. Ano ang Katatagang-loob sa mga Pilipino? Ang katatagang-loob ay isang katangian ng mga Pilipino, ilalahad dito na ang mga Pilipino ay may katangiang ito at magpapaalala rin sa mga Pilipino sa katangian ng katatagang-loob na dapat maging matatag at matibay sa lahat ng mga pagsubok sa buhay.
d.      Anong klaseng pag-aaral ang isinasagawa sa konsepto ng Katatagang-loob at Pilosopiyang Pilipino ng Pagiging Matatag at Mattibay? Ang tanong na ito ay ang siyang bahagi sa paglalahad ng naunawaan ng tagapanaliksik sa pinag-aaralang paksa.
  1. Ano ang naiambag at ano ang pwedeng maiambag sa Konsepto ng Katatagang-Loob sa mga Pilipino? Bilang pandag-dag sa kahalaagahan ng katangiang ito, ang tagapananaliksik ay uungkatin ang mga pangyayarti noon na magbibigay halimbawa sa katatagang-loob na meron ang mga Pilipino. Sa bahaging ito ang tagapananaliksik ay mag kakaroon ng paglalagom na ang Konseptong ito na ang Katatagang-Loob ay makaaambag sa mga Pilipino sa kanilang mga pagsubok na nararanasan Katatagang – Loob and kailangan.
3.      Lawak at Takda ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pagsusuri at paglalahad ng konsepto ni Joseph Anthony Narciso Z. Tiangco na Katatagang-Loob sa pilosopiyang Pilipino ng pagiging matatag at matibay. Susuriin at ilalahad dito ang kanyang konsepto sa ibat’-ibang pamamaraan.
Ang pag-aaral ding ito, higit sa lahat ay ang pamimilosopiya sa konsepto ng Katatagang-Loob sa Pilosopiyang Pilipino ng Kaelastikuhan, ang pagbibigay kahulugan nito (ang Katatagang-Loob) sa semantikong pananaliksik upang lubos na maintindihan ang paggamit ng salita at maipaliwanag sa pag-aaral ng iba’t ibang konteksto ng Katatagang-Loob at ang Kaelastikuhan (Resiliency) pagiging matatag at matibay.
Malinaw sa isip ng tagapanaliksik na ang pag-aaral na ito ay isang paglalahad sa konsepto ni Tiangco at pagbibigay halaga sa katangian ng mga Pilipino ang Katatang-Loob sa Pilosopiyang Pilipino ng kaelastikuhan at gayundin ang pagbibigay ng mga layunin nito na makaaambag sa mga Pilipino. Ito ay tanging pag-ambag lang sa naarok na ideya ng tagapanaliksik sa pamamagitan ng kanyang mga obserbasyon at karanasan sa buhay.
Walang kinalaman dito ang paglalahad ng iba pang uri ng Katatagang-Loob ngunit maaaring gamitin ito bilang isang halimbawa sa pag-aaral na ito sapagkat malawak ang pag-aaral ng katangian ng Katatagang-Loob, maraming uri ang kaugnay dito. Ang tanging suliranin ay ang pagpapalawak sa konsepto ng Katatagang-loob bilang isang Pilosopiya ng Pilipino ng pagiging matatag at matibay.


4.      Layunin ng Pag-aaral
Sa pag-aaral na ito naniniwala ang mananaliksik na makaaambag ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na layunin:
a)      Makaaambag ang pag-aaral na ito sa paghimok sa mga Pilipino na maging matatag sa lahat ng mga pagsubok. Naniniwala ang tagapanaliksik na ang Pilipino ay may katangian ng Katatagang-Loob, nais lang niyang panatilihin ang katangian ng Katatagang-Loob sa pagkat ang Pilipino ay nahaharap sa mga pagsubok na minsan ay hindi inaasahan.
b)      Ang makaambag sa pamamaraan ng pamimilosopiya ng mga Pilipino na ang Pilipino ang may sariling pilisopiyang ginagamit.
K.    Pagsusuri sa mga Kaugnay na Panitikan
a)      Ang “A Concept of Resilience: A Functional Account”na isinulat ni Gardar Anarson ay isang Diyornal ng paaralang Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay tumatalakay sa konsepto ng Resilience o matatag at matibay (Kaelastikuhan sa literal na pagsasalin sa Filipino). Tinalakay dito ang maikling kasaysayan ng Resiliency na makatutulong sa pagpapaliwanag sa pag-aaral na ito. Sinabi ni Gardar Anarson dito na ang Resiliency ay isang pag-aaral na kaugnay ang pag-aaral sa buhay ng tao (Psychologicaly and socially), ekolohiya, sa komunidad at sa lipunan na ang normal na paggalaw ng ating buhay sa oras ng mga kahirapan at pagsubok ay isang Resiliency. Ang akdang ito ay makatutulong sa pagbibigay-kahulugan ng Resiliency o Matatag at Matibay (Kaelastikuhan).
b)      Ang Katatagan ng Kalooban ay isang proyekto sa edukasyon sa pagpapahalaga IV, modyul blg. 12. Sa pamunuan ng Bureau of Secondary Education, Department of Education. Ito ay isang pagsusuri kaugnay sa paglalahad ng mga iba’t ibang kwento at mga halimbawa ng Katatagang-Loob. Isang pagtuklas upang sagutan ang mga inihandang mga tanong na ukol sa pag-aaral sa Katatagang-Loob.
k.      Ang Katatagang-loob ay isang artikulo na nakuha sa Internet (http://bucaio.blogspot.com/2011/10/katatagan-ng-loob.html). Batay o ayon sa nagsulat “This trait was specifically attributed to Overseas Filipino Workers (OFW), who have to leave their families and brave the unknown in foreign shores to heal, nurture, teach and build for other people. But following this was the discussion that katatagan ng loob is something that is learned by every Filipino growing up in the country, who cannot help but become hardy as he faces one natural calamity after another”. Makatutulong ito sa pagbibigay halimbawa sa pag-aaral na ito.
d.      Ang “Katatagan ng Loob ng Magulang” na isinulat ni Larry R. Lawrence. Ang artikulong ito ay naglalahad ng pagbibigay alituntunin sa mga magulang sabi pa niya “Ang talagang kailangan ng daigdig ay katatagan ng kalooban ng magulang mula sa mga ama at ina na hindi takot magsalita at manindigan”.
D.    Pamamaraan
Malinaw sa pag-aaral ng tagapanliksik na ito ay limitado lamang sa pag-uunawa at pag-aaral ni Tiangco sa Katatagang-Loob at kaugnay ang Pilosopiyang Plilipno ng Pagiging matatag at matibay sa pagintindi nito.
Apat na pamamaraan ang magiging kasangkapan ng pananaliksik sa pag-aaral na ito: 1.) Paglalahad; 2.) Pagunawa at Pagsusuri; 3.) Pananaliksik.
Sa Paglalahad ay ilalahad ng tagapanaliksik ang lahat ng mga suliranin ng pag-aaral na ito upang mabigyang linaw at maipaliwanag sa bawat paksa. Ang Pag-unawa at Pagsusuri ay malaking bahagi na gagawin ng tagapanaliksik sapagkat kinakailangang unawain ang bawat paksa na pinag-aaralan dito. At ang panghuli ay ang Pananaliksik, dito ay magkakalap ang tagapanaliksik ng mga impormasyon tungkol sa pinag-aaral upang makakuha ng mga iba pang impormasyon.
Ang tagapanaliksik ay magsasagawa ng paglalahad sa pagpresenta ng buhay ni Tiangco bilang isang Pilosopo sa pag-aaral na ito at bibigyang kahulugan ang konsepto ng Katatagang-loob bilang isang panimulang suliranin sa pag-aaral na ito, para sa pagpapalawak ng kahulugan ng Katatagang-Loob sa pamamagitan ng kanyang konsepto at ideya. Ang tagapanaliksik ay gagamit ng mga aklat na matatagpuan sa OLAS Library. Pagkukunan rin ng mga importanteng impormasyon sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod mga artikulo, mga diyornal at mga dokumento. Ang internet ay malaki rin ang maitutulong dahil pagkukunan ito ng mga paliwanag at mga ginagamit na mga salita upang maipaliwanag at masagutan ang mga suliranin sa pag-aaral na ito. Ang pakikipagpanayam at pakikipag-usap ay lubos na makakatulong sa pag-aaral na ito. Dagdag dito ay gagamit din ng tagapanaliksik sa Pilosopiyang pamamaraan o ibang pananaw ng ibang pilosopo, at sa Sikolohiyang pag-aaral dahil kukuha ang tagapanaliksik ng mga pananaw na kaugnay sa pinag-aaralan katulad ng semantikong pananaliksik, empirical study, at iba pa.
E.     Banghay ng mga Kabanata
Ang tagapanaliksik ay naglaan ng anim kabanata sa pag-aaral na ito. Ang unang kabanata ay kapapalooban ang Panimula, Larangang Ginagalawan ng Pag-aaral, Paglalahad ng Suliranin, Pagsusuri sa mga Kaugnay na Panitikan, Pamamaraan at ang Banghay ng mga Kabanata.Sa Larangang Ginagalawan ng Pag-aaral ay kasama dito ay ang Pinanggalingan ng Pag-aaral, Dahilan ng Pag-aaral at ang Kahalagahan ng Pag-aaral.Sa pag-aaral ng Suliranin naman ay may apat (4) na ilalahad, ito ay ang mga sumusunod: Pangkalahatang Pahayag ng Suliranin, Mga Tanging Tanong ng Pag-aaral, Lawak at Takda ng Pag-aaral at Layunin ng Pag-aaral.
Sa Pangalawang Kabanata, inilahad ng tagapanaliksik ang pangunahing pagsusuri sa pag-aaral na ito ang paglalahad ng tagapananaliksik sa ginamit niyang pilosopo, ang talambuhay ni Joseph Anthony Narciso Z. Tiangco bilang isang pilosopo na gagamitin ng tagapananaliksik, at ang pamamaraan ng kanyang pamimilosopiya at ang paglalahad ng kanyang konsepto ng Katatagang-Loob sa Pilosopiyang Pilipino ng Kaelastikuhan na napili ng tagapanaliksik bilang isang suliranin sa pag-aaral na ito.
Ang Ikatlong kabanata hinggil sa pilosopiya ng Pilipino ng pagiging matatag at matibay (resilient) sa paraan ng pag-intindi ng konsepto, ang paggamit ng konsepto sa iba’t-ibang konteksto at ibang paglalahad tungkol sa pagiging matatag at matibay.
Ang ika apat na kabanata ay ang pagsang-ayon ng tagapananaliksik na ang katatagang-loob ay isang katangian ng mga Pilipino bunga ng kanyang iba’t ibang karanasan.
Ang ika liamang kabanata ay ang siyang kabuuan na pag-unawa ng tagapananaliksik sa konsepto ng pag-aaral gamit ang pag-aanalisa bilang eksperyensiyal na pag-aaral o sa Phenominolohiyang pag-aaral (experiential study).
Ang ikaanim at panghuling kabanata ay ang karagdagang paglalahad na ang katatagang-loob loob noon ay makikita sa mga santo, bayani at iba pa, (at mabibigyang halaga rin ito at makaka-ambag sa mga pangyayari ngayon sa buhay ng mga Pilipino). Kabilang din dito ang paglalagon at konklusyon ng tagapananaliksik na ang konseptong ito ay makatutulong sa mga Pilipino sa kanilang patuloy na paglangoy sa dagat ng buhay.

IKALAWANG KABANATA
ANG KATATAGANG – LOOB SA KONSEPTO NI
JOSEPH ANTHONY NARCISO Z. TIANGCO
A.     Ang buhay ni Joseph Anthony Narciso Z. Tiangco
Si Joseph Anthony Narciso Z. Tiangco ay taga Kaohsiung, Taiwan. Ipinanganak siya noong ika labin dalawa (12) ng Nobyembre. Nagtapos siya ng Bachelor of Arts in Psychology at Bachelor of Secondary Education in Guidance and counselling, Master of Science in Guidance and Counselling at nakapagtapos at nakamit ang pagkadoktorado sa Pilosopiya.
Nagturo siya ng mahigit   labin limang taon sa iba’t ibang lebel mula sa kindergarten hanggang sa postgraduate. Siya ay nagturo rin sa mga kursong General Psychology, Counselling Techniques, Method of Research, Basic Statistics, Advance Statistic, Linguistic, Bilingual Education, Language and Culture, Philosophy of Religion, Philosophy, Theories of Personalities, Program Planning Development and Evaluation, and Organizational Development.
Ang diciplina sa Pilosopiya at sikolohiya partikular sa bahagi ng Language development, bilingualism, method research, psychology and spirituality, postmodernism, counselling and psychotheraphy at community psychology ay ng kanyang ginustong pinag-aaralan at itinuturo.
Siya ay mula sa Unibersidad ng De la Salle kinikilala niya ang kanyang sarili bilang isang Lasallian at binibigyang diin niya bilang isang guro ang Transformative learning ng mga mag-aaralsa kanyang pagtuturo. Naniniwala siya na ang mag-aaral ay kailangang makaranas ng mga pagsubok sa pag-aaral ng mga gawain na kasama ang iba’t-ibang emosyon dahil ang mag-aaral ay may kakayahang sumuong sa mga pagsubok sa pamamagitan ng “Experience transformation” na nagdadala sa mga mag-aaral sa mga pagsubok na kanilang kahaharapin, positibo man o negatibo. Ang hamon o pagsubok na kanyang binubuo sa kanyang mga kursong tinututro ay minsan isang Problem-based/Challenged-based project, dahil ayaw niyang makilala at maging pamilyar lang ang mga studyante sa mga konsepto at ideya sa halip gusto niyang matuto sila sa pamamagitan ng pagkilala sa kanilang mga talento at kasanayan at sa gayon mapalago ang kanilang mga ugali at sariling pagtanaw sa buhay at hanapbuhay ito ay isang hamon at inspirasyon na normal lang na pangyayari na nagdadala ng impormasyon sa bawat isa.
Si Tiangco ay hindi pa kilala bilang isang Pilosopo ng karamihan at siya ay bagong Pilosopo na itinuturing, kaya’t wala pang mga sumusulat tungkol sa kanyang mga impormasyon at Pilosopiya sa buhay, kaunti pa lang ang kanyang mga nasusulat at isa na rito ay ang pag-aaral niya sa pag-unawa sa Pilosopiyang Pilipino ng pagiging matatag at matibay.[6]


B.     Ang konsepto ng Katatagang – Loob
Ang konseptong ito ay unang napatunayan sa mga kwento at mga karanasan ng mga Pilipino sa kanyang pakikipamuhay at pagharap sa mga hirap at pagsubok ng buhay. Ang Pilipinas ay dumaan sa maraming panahon ng pakikibaka, mula noong panahong bago dumating ang mga Kastila hanggang sa kasalukuyan. Sa bawat kabiguan o kalungkutan na kanyang naranasan, sandali lang ang kanyang pagdadalamhati, pagkatapos noon, magpapatuloy ang buhay. Kaya nga tinawag siyang “the great survivor”.  Ang Katatagang–Loob ay isang katangian na taglay ng mga Pilipino na sapamamagitan ng pagkaranas ng kahirapan at pagsubok sa buhay Katatagang – Loob ang kailangan at higit pa na mauunawaan ang konseptong ito kung uunawain ang kahulugan ng salitang Katatagang – Loob.
1)      Ang Semantikong Pananaliksik
Ang semantikong pananaliksik ay isang paraan ng pag-unawa sa kahulugan ng salita ating mababatid na ang salitang Katatagang – Loob ay nabubuo ng dalawang salitang Katatagan at ang Loob. Upang lubos namaintindihan ang kabuuang kahulugan ng salitang Katatagang – Loob ginamit ng tagapanaliksik itong paraan ng pag-unawa na siyang ginamit rin ng may akda sa konseptong ito ng Katatagang – Loob upang maunawaan ang bawat bahagi ng salita, ito ang pangunahing paraan upang maintindihan ang suliranin sapag-aaral naito.
1.1.Ang Pag-unawa sa Salitang Katatagan
Ang salitang Katatagan ay mula sa salitang-ugat na tatag isang pang-uri na ang ibig sabihin ay matibay o nauukol sa isang bagay na kahit anong sunugin ay di masisira o matitibag at kung mangyari mang masira o bumagsak, makababangon muli. Ang salitang katatagan (resilience in English) ay isang pangalan. Ito ay kakayahan na makabangon nang mabilis mula sa mga sakit, pagbabago o masamang kapansanan. Sa pag-uri-ito ay nangangahulugan ng “pagiging matatag” (resilience in English). Kung pandiwa naman ang gamit nito ang kahulugan ng magtayo, magbangon ang itatag ay mangangahulugan na itatayo o muling itatag o muling ibangon, samadaling salita ang itatag bilang isang pandiwa ay isang kilos upang itayo o itatag muli ang nasira[7]. Ang bumubuo ngayon sa ating isipan kung ating paghahambingin ang pang-uri at ang pandiwa ay isang malabo pang balangkas upang maintindihan ang salitang Katatagan sapagkat isang magkaiba o magkasalungat nasalita kung ating ikukumpara ang dalawa, ang salitang tatag at itatag kaya kung ating ipagpapatuloy kung sa pang-uri naman ng Matatag o Katatagan nangangahulugan ito bilang isang matibay o pagkamatibay (Durability or endurances). Ngunit kung ang tibay naman ang ating pag-uusapan isang matuwid na bagay rin ito upang maintindihan natin ng tama dahil sa kontexto ng Matatag at Katatagan ay hindi ang ibig sabihin nito ay malakas na pwersa o kapangyarihan ngunit pagginamit natin ang ang malakas sa ibang konteksto halimbawa sa isang tao na kayang magbuhat ng dalawang sakong bigas maaaring magamit o gamitin ang salitang tibay sa kontekstong ito bilang isang malakas na tao na nagbubuhat ng dalawang sakong bigas subalit kung sa kontekstong Matatag at Katatagan ito ay tibay at pagkatibay (endurance or durability) lang na iba sa kahulugan sa nabanggit na halimbawa. Kung minsan marami ang nag-aakala na ang Katatagang – Loob at Lakas ng Loob ay magkapareho ng kahulugan o pwedeng magkapalit ng paggamit nito ngunit gustong liwanagin ni Tiangco na magkaiba ang kanilang kahulugan kahit na ang salitang tibay at lakas ay may tiyak na pagkapareho, gusto niyang bigyang diin na huwag gamitin ito sapangkalahatan bilang isang magkatulad ng kahulugan (intirely identical in meaning) na katulad ng hinalimbawa sa taas sa kontextong paggamit ng tibay na pweding gamitin sa iba’t-ibang kontexto, naka dependi ito sa paggamit sa istruktura ng pangungusap.[8]
1.2.Ang Pag-unawa sa salitang Loob
Ang salitang Loob ay isang malawak na konsepto na maaaring tingnan sa magkaibang pananaw. Ito ay dahil maraming pagpapakahulugan at ginagamit sa iba’t ibang konteksto sa wikang Filipino. Sa Filipino, ang ang salitang Loob ay walang tiyak at kongkretong kahulugan sapagkat ang original na salita ang Loob ay isang pangngalan (noun) at mabibigyan lang ng kahulugan o ng ibang kahulugan ang salitang Loob kung gagamitin ito sa mga tayutay (figure of speech) o matalinghagang salita dahil ang salitang Loob kadalasan ay ginagamit sa iba’t ibang pagpapakahulugan maaari rin itong gamitin bilang isang pang-abay. Ang “Loob” ay maari ring gamitin ng pang-ukol-sa, kaya magiging “sa loob”-katumbas sa Ingles ng “inside-na nangangahulugang bagay o sino man na nasa loob ng isang lugar o lalagyan. Ang “sa loob” ay isa ring pang-abay kung tumutukoy sa isang lugar na kulob. Ito rin ay isang pang-uri, kung ginagamit sa paglalarawan. Ang salitang “tatag kapag itinambal sa “loob” ay nagging “katatagang-loob” na nagpapakahulugan na ang “tatag” ay nanggagaling sa “loob” ng tao.
Ayon kay De Mesa ang Loob ay Ubod ng pagkatao, kung saan naka-ugat ang tunay na halaga ng isang tao. Ipinapakita ng bawat aspeto ng pagkatao ay nagmumula at dumadaloy sa Loob. Ang Loob Ay siyang salalayan ng bawat damadamin, ideya at pagkilos kung saan ang angking katangian at kakayahan bilang dimensiyon ng kanyang pagkatao katulad ng damdamin, kaisipan, panininndigan, pagkatao at pakikipag-kapwa ay nagtatagpo.[9]



A.      Inner self
B.       Oval: LOOB
Core of one’s personhood
C.       Where the true worth of a person lies.
D.      Organizing center of humanity reality.
E.       Substratum of ideas, feelings, and behaviors.[10]

At ang konseptong ito ay bahagyang tinututulan ni tiangco sapagkat para sa kanya naniniwala siya sa haka ni Ileto sa salitang Loob bilang kalooban ng sarili (inner self) ngunit si Ileto ay iba ang kanyang sentro ng pinag aaralan na kung saan pinag-aaralan niya ang buhay ng mga nasyonalista katulad ni Macario Sakay, Andres Bonifacio at ibang katipuneros[11], subalit walang pagkaka-iba kung parehong pinag-aaralan ang salitang Loob kahit sa iba’t-ibang kontexto ito gagamitin ngunit kung ibang-uri naman mahirap tukuyin ang kahulugan nito kung hindi maintindihan ang kasalungat ng salitang Loob ang salitang labas ito ay ibang pamamaraan naman ng pag-aaral ng kontexto ng salita ngunit ang dalawa ay may relasyon naman kung ating susuriin dahil nakikita ang pagkatao sa isang tao kung ano ang kanyang ipinapakita niya sa Labas niyang anyo (paglalarawan sa katawan) katulad nalang ng pinag-aaralan sa suliraning ito ang katatagan, makikita lang natin ito sa panlabas na anyo ng isang Pilipino at sa iba’t-ibang kontexto kaya nakakabuo ng konsepto, sa madaling salita ang Loob at Labas ay nagbibigay ng magkaibang kahulugan ngunit nasa pareho sila pwedeng gamitin upang mabigyang kahulugan ang salitang Loob.[12]
2)      Ang Kahulugan ng Katatagang–Loob
Kung ang katatagan ay hindi nangangailangan ng lakas ayon sa kahulugan nito at depende sa kontexto nito at ang Loob ay ang siyang nagbibigay ng ibang kahulugan nito, ano ngayon ang kahulugan ng Katatagang-loog? Sa madaling salita ang Katatagang-loob ay ang pagiging matatag at matibay[13] sa oras ng mga problema at pagsubok sa buhay at sa pagbibigay halaga nito ito ay ang katangian na hindi na ngangailangan nang pagsuko sa mga hamon sa buhay sa magandang paraan, ang hindi paggamit ng lakas tulad ng nabanggit sa kahulugan ng Katatagang-loob, ang paglaban na hindi nangangailangan ng lakas tulad sa halimbawa ng kawayan na yumuyuko at umaayon lang sa bugso ng hangin upang hindi mabakli ang tangkay. Samakatwid ang Katatagang-loob ay hindi lamang nagbibigay kahulugan tungkol sa pagiging matatag at matibay sa oras ng kahirapan ngunit ito ay nagpapalago ng pasensiya at kawalang karahasan.

IKATLONG KABANATA
ANG PAGUNAWA SA PILOSOPIYANG PILIPINO
NG PAGIGING MATATAG AT MATIBAY (RESILIENCY)
A.     Ang Konsepto ng Resilience o Pagiging Matatag at Matibay
Ang Pilosopiya ng Pagiging Matatag at Matibay ay isang Pilosopiya na naging isang buong konsepto dahil sa karanasan ng tao ang pagiging masigasig ng bawat isa sa pagharap sa kahirapan ng buhay na siyang bumubuo ng pagkatao natin, ang pagiging matatag at matibay. Ang pagiging Matatag at Matibay ng bawat isa ay isang Katatagang-loob na masasabi sapagkat taglay nito ay ang pagiging mapagpunyagi, matiyaga at mapagsumikap. “Sa prinsipiyong ito ng pagsusumikap ng mga Pilipino ito ay upang matalos ang tanging lihim ng kanyang katatagan sa paggawa”,[14]“ito rin ang bahagyang sinasabi sa pilosopiya ng paggawa ng Pilipino na sa paggawa ay kaugnay ang pagsusumikap at pagtitiyaga. Ang tiyaga at mapagsumikap ang siyang makatatapos ng kanyang Gawain at magtatagumpay sa kanyang mithiin sa buhay”[15].
Ang pagiging matatag at matibay ay ang kakayahang palaguin, panatilihin o pagbabalik sa anumang pagka-bigo sa buhay dahil kung minsan ang tao ay pag nabigo nagiging dahilan ito ng pagkahina. Ang paggamit sa konsepto ng pagiging matatag at matibay ay kadalasan ginagamit sa pagbalik normal nito sa dating anyo ibig-sabihin ang sinasabi ni J.A.N. Tiangco ay sa panahon ng kahirapan tayo ay dapat maging matatag at matibay.
“Ang salitang Resilience o pagiging matatag at matibay ay galing sa salitang latin na resilientia (from the verb Resilience to spring back.)”[16]Sa pag-aaral ni Tiangco ginamit niya ito sa katumbas na salita ang Katatagang-loob at ang ibig sabihin niya dito ng “Resilience ay pagiging matatag at maatibay bilang katumbas salitang Katatagang-loob.”[17] Ang pagiging matatag at matibay o Resilience ay hindi literal na pagkakahulugan ni Tiangco na ayon sa pinanggalingan ng kahulugan sa makatwid ang ibig sabihin niya dito ay ang “pagbalik normal mula sa pagkabigo, pagkadapa o ano pa man na nagiging sanhi ng pagkatalo sa sarili na muling bumangon at nagsimulang muli”[18] at ito ang pagiging matatag at matibay at ang ibig sabihin may Katatagang-loob na angkin.
Ang pagiging matatag at matibay ginamit na sa iba’t ibang konteksto ng pag-aaral at sa iba’t ibang pananaw katulad ng sekolohiya, sa kalikasan, pagsubok, problema, sakuna at iba’t ibang aspeto ng buhay na siyang bumubuo sa konsepto ng pagiging matatag at matibay.
“Noong ika labin pitong siglo ang resilience o pagiging matataag at matibay ay siya nang ginagamit sa konteksto tungkol sa mga matitigas na bagay katulad ng metal at ibang mga bagay ng pag-iyong galawin ay bumabalik ito sa natural at original na anyo o hugis.”[19]
(Early investigations of severely disordered patients were focused primarily on understanding maladaptive behavior, and the subset of patients who showed relatively adaptive patterns were considered atypical and afforded little attention. By the 1970s, researchers had discovered that schizophrenics with the least severe courses of illness were characterized by a premorbid history of relative competence at work, social relations, marriage, and capacity to fulfill responsibil. In parallel fashion, studies of children of schizophrenic mothers played a crucial role in the emergence of childhood resilience as a major theoretical and empirical topic.)[20]

 “Kung ang resilience o pagiging matatag at matibay ay patungkol sa tinatawag na “functional systems” (no-technical sense” ang salitang Resilience ay ginagamit bilang isang Metaphorical (a figure of speech wherein one word is employed for another) o matalinghagang salita.”[21]Ang pag-aaral sa konsepto ng pagiging matatag at matibay ay mayroong literal at metaphorical na diwa o pagpapakahulugan at sa pag-aaral na ito bibigyang pagpapakahulugan ang metaphorical na kung saan ang pagpapakahulugan niton g pagiging matatag at matibay ay hindi sa literal na pagpapakahulugan ng konsepto samakatwid ang ibig sabihin dito ng resilience ay ang katulad na nababanggit ang pagiging matatag at matibay at hindi sa literal na kahulugan nito. Sa mga karanasan ng tao nakikita ang mga ito at dito nga nagsimula ang konseptong ito na siyang pagpapatunay na ang pagiging matatag at matibay ay ang katangian na mayroon ang mga Pilipino ang Katatagang-loob sa katumbas na salita nito. Sa pag-aaral ng konseptong ito ang Pilipino ay ang siyang paksang pinag-aaralan dito na siyang gawing patunay na ito ay makakatulong sa mga Pilipino sa oras ng mga pagsubok, problema at iba pang kalunos-lunos sa buhay ng isang tao. Sa panahon ngayon lingid sa kaisipan ng tao na patuloy pa rin na nakakaranas ng mga problema sa buhay, mga suliranin na dapat ayusin sapagkat kaakibat ito ng pakikibaka sa araw-araw na pamumuhay. Sa konseptong ito dito maipapaliwanag kung gaano katatag at katibay ang mga Pilipino.
“Ang resilience o pagiging matatag at matibay ay ang kakayahang panatilihin o ibalik sa normal sa mga pangyayari sa buhay katulad ng pagkabigo at ito ay ang tinatawag na “Normal Functional”.[22]
B.     Paraan ng Pag-intindi sa Konsepto ng Pagiging Matatag at Matibay
1)      Ang Kasaysayang Pag-susuri (Historical Analysis)
Sa nabangit na konsepto ng pagiging matatag at matibay noong ika labing pitong siglo ang salitang Resilience o Paging Matatag at Matibay ay kanila ng ginagamit sa kontexto ng mga bagay na kayang bumalik sa orihinal na anyo nito pagkatapos balikuko-in katulad ng metal, mga bagay o material.
Ang kasaysayang pag-analisa ay ang paggamit sa nakaraang pangyayari na siyang pinanggalingan sa kung ano ang pinag-aaralan. Ang pag-intindi sa konsepto ng pagiging matatag at matibay ay matutukoy lamang kung babanggitin ang kasaysayan nito o nakaraang pangyayari lalong lalo na sa kasaysayan ng bansang Pilipinas. Ang Pilipino simula pa lamang mula sa pagka-diskobre ng mga dayuhang kastila ay subok na sa mga suliranin sa buhay sapagkat naniniwala sila na ito ay kaakibat ng buhay ng taao na siyang nagpapatibay sa kalooban nito. Ang mga pagsubok ay ang siyang nagpapanatili sa tao na lumaban o labanan ang mga ito subalit hindi maiiwasan na maaaring matalo sa pinaglalabanan kaya’t kungang isang tao ay may katatagan at matibay na kalooban anupa’t siya ay may kakayahang bumangon sa mga natalong laban sa buhay.
Sa panahon ng pananakop ng mga kastila ibang-iba ang kahalagahan ng konseptong ito ng pagiging matatag at matibay sa konteksto ng labanan, dahil sa panahong ito ay ang pakikipag digmaan ng mga Pilipino sa mga Kastila na siyang dulot ng mga patayan ngunit ang konseptong ito ng pagiging matatag at matibay ay ang katumabas ng lakas sa konteksto ng labanan, dahil kailangang maging malakas upang lumaban sa mga mananakop na mga Kastila at ang pagiging matatag at matibay ay nangangahulugan ng karahasan na kinakailangan lumaban sa digmaan, ngunit ang kahalagahan na pweding idulot nito ay anh paglaban ng mga Pilipino sa kanilang bayan na siyang bumuo ng pagiging matatag matibay at nabago ito sa panahon na mismo nang sila ay nasakop at nagging alila at nagkaroon ng malaking pagbabago ngunit ito ang siyang nagpatatag at nagpatibay ng kalooban ng mga Pilipino.
Ang pagiging matatag at matibay ng mga Pilipino noon ay dahilan kung bakit nakamit ang kalayaan ng Pilipinas, sa kanilang pagtitimpi ay lumaban sila ng may katatagan at tibay ng kalooban mula sa pagkaalila na hanggang sa makamit ang kalayaan ng bansa. Ang pagiging matatag at matibay kung bakit nakamit ang kalayaan ng mga Pilipino ay dahil hindi lamang sa isa kundi sa pagtutulungan ng bawat isa, ang mga Pilipino ay likas sa mga kaugalian, negatibo man o positibo.
2)      Ang Panlipunang Pagsusuri (Social Analysis)
Mababatid na ang Pilipinas at ang mga Pilipino ay patuloy pa rin sa kayang laban sa buhay at patuloy na nakakaranas ng mga paghihirap, subalit nasusubukan ang katatagan ng tao kung paano niya harapin ang mga ito sa kanyang buhay. Ang Pilipinas ay mayaman sa mga kwentong nagpapaantig ng puso ng iba o nabibigay sigla sa iba at ito ang mga kwento ng mga taong may matatag at matibay na kalooban o katatagang-loob at isa na pweding bigyang diin dito bilang isang halimbawa ay ang mga Overseas Filipino Worker (OFW).
(This trait was specifically attributed to Overseas Filipino Workers (OFW’s), who has to leave their families and brave the unknown in foreign shores to heal, nurture, teach and build for other people. But following this was the discussion that katatagan ng loob is something that is learned by every Filipino growing up in the country, who cannot help but become hardy as he faces one natural calamity after another.)[23]

Mahalagang banggitin ang mga Pilipinong ito sapagkat sila ang nagbibigay o dahilan ng patuloy na pagtaas ng dolyar sa bansa na isang malaking ambag sa paglago ng ekonomiya, sila ang mga nagpupunyagi at nagsususumikap na makipamuhay na malayo sa kanilang mga pamilya upang ma ibsan man lang ang kahirapan  kaahit papaano. Sa una pa lamang makikita na ang pagiging matatag at matibay ng mga ito sapagkat kinakailangan nilang gawin ito para sa pamilya at ito ang ating makikita sa ating lipunan na siyang ilalahad sa kaugnayan ng kapwa o pilosopiya ng Tayo at pagiging matatag at matibay.
Isa na mapapansin sa ating lipunan ngayon ay ng pagtaas ng mga walang tiyak na trabaho o walang tiyak na pinagkukunan ng pangaraw-araw na gastusin. “Ang kwento ng isang Ina na may walong (8) anak na nagtatarabaho sa paglalaba ng labing dalawang (12) oras sa isang araw para lamang masigurong may makakain ang kanyang mga anak”. [24]Siya ay nakapagtapos lamang ng elemetarya at ang kanyang asawa ay natatrabaho lamang sa mga kalye nagbibinta ng isda (street vendor) at walang sariling bahay, ngunit nagsisikap na magtrabaho para sa mga anak na masiguro lang na makapagtapos ng kanilang pag-aaral.[25] Sa kabila ng kanilang kalagayan, sa hirap ng buhay isang katatagang-loob ang makikita sa pamilyang ito, nagtitiis sa hirap, sa init upang mapag-aral ang mga anak at ito ang nagpapatunay na ang pagiging matatag at matibay ay isang katangian ng mga Pilipino. Ang Panlipunang pag-analisa ay ang pagtanaw sa mga makabuluhang pangyayari ngayon na natatamasa ng mga Pilipino upang mailarawan na ang Pilipino na kahit anumang hirap ang danasin ay nananatiling may katatagan at tibay ang loob dahil malakas ang paniniwala ng mga ito na may pag-asang darating sa buhay basta’t maypananalig sa sarili na malalampasan ang lahat ng hirap at sakit.
K. Ang Konsepto ng Pagiging Matatag at Matibay sa iba’t ibang Kontexto
1)      Ang Pagiging Matatag at Matibay (Resilience) sa Kalikasan
(Resilience in ecological systems is not easily observed, and there seems at present to be no agreed relationship, for example, between the diversity of ecosystems and their resilience (Pimm, 1984; Naemm et al., 1994; Tilman, 1997). Thus many tropical terrestrial ecosystems have stable and diverse populations but are relatively low in resilience, while similar ecosystems in temperate regions with apparently low diversity can exhibit greater resilience.)[26]
Sa konteksto ng pag-aaral sa kalikasan (Ecology) ng pagiging matatag at matibay ay ang itnatawag ni Holling na “ecosystem resilience” na katumbas sa kanyang tinatawag ng “equilibrium resilience”. Ang “equilibrium resilience” ay ang sukat sa lakas ng kalikasan sa agarang pagbalik nito sa “equilibrium” kasunod ang tinatawag na perturbation.[27]
(Equilibrium is a mechanical system is at equilibrium if the forces acting on it are in balance. For example, when a body floats, the force of gravity is balanced by the buoyant force due to displacement of the liquid. The "balance of nature'' (Pimm 1991) is an extension of this idea to the natural world. The concept usually refers to steady flows of energy and materials, rather than to a system whose components do not change.)[28]

Sa pagkakaintindi naman ni Schoons ay binibigyang diin niya ang pagbabahagi sa “operational definition ng resilience na iba naman sa kahulugan ni Holling ng “ecosystem resilience”, na ang resilience ang kahulugan nito ay batay sa kung gaano ang sukat nito at ito ay iba sa kahulugan ng konseptual (conceptual definition) na ang ibig niyang sabihin dito ay “descriptive at possibly explicative”, ito ay ang dapat na makuha sa kahulugan ng konsepto.
(Resilience is an emergent property of ecosystems and is related to self-organized behavior of those ecosystems over time. In this sense, self-organization is the interaction between structure and process that leads to system development, regardless of initial conditions. Self-organization also implies that for certain scale ranges, structure and process are not easily separable and interact in an organic way to generate emergent patterns. The adaptive cycle or four-phase model of Holling describes how patterns and processes change over time in many ecosystems, especially those with disturbance regimes.)[29]

Dahil sa pagbabago ng mundo at pagbabago ng klima at ng kalikasan o kapaligiran, sabi ni Holling ang resilience ay may kinalaman sa pagpupumilit (persistence) sa kaugnayan ng sitema (system) at ang sukatan ng kakayahan ng sistemang ito ay ang i-absorb ang pagbabago ng klima sa bansa na pilit na nananatili.[30] Ang paggamit ni Holling at Schoon sa konsepto ng resilience sa konteksto ng Ekolohiya ay isang teknikong paglalarawan. At dagdag dito sa pag-aaral rin ni Lance H. Gunderson sabi niya:
(Ecological resilience was defined as the amount of disturbance that an ecosystem could withstand without changing self-organized processes and structures (defined as alternative stable states). Other authors consider resilience as a return time to a stable state following a perturbation. A new term, adaptive capacity, is introduced to describe the processes that modify ecological resilience. Two definitions recognize the presence of multiple stable states (or stability domains), and hence resilience is the property that mediates transition among these states. Transitions among stable states have been described for many ecosystems, including semi-arid rangelands, lakes, coral reefs, and forests. In these systems, ecological resilience is maintained by keystone structuring processes across a number of scales, sources of renewal and reformation, and functional biodiversity. In practice, maintaining a capacity for renewal in a dynamic environment provides an ecological buffer that protects the system from the failure of management actions that are taken based upon incomplete understanding, and it allows managers to affordably learn and change.)[31]

Sa paglalarawan ng isang pag-aaral ang kalikasan at ang lipunan ay may kaugnayan na sinasabi ng isang pag-aaral
(The concept of resilience is clearly related to other configurations of environment society relationships such as vulnerability and criticality, some of which have an explicit spatial dimension to these social processes. Analysis of vulnerability as a social phenomenon also has a long tradition within cultural geography and the critical questions of food security and famine. It is related to the study of criticality (a concept applied spatially at different scales) and to security.) [32]
2)      Ang Pagiging Matatag at Matibay sa mga Sakuna
Anumang pangyayaring lumikha ng kapahamakan; kasawiang-palad na hindi inaasahang mangyayari ay ang tinatawag na sakuna. Ang buhay ng tao limitado lamang dito sa mundo, sa pakikibaka niya araw-araw may mga bagay na hindi namamalayan at hindi napapansin ng tao sapagkat hindi lahat ng bagay ay hawak niya kaya’t pag may dumarating na sakuna ito ay bagay na hindi nalalaman ng tao at higit sa lahat hindi napipigilan. Ang pagiging matatag at matibay ay pinagmumulan ng mga paghihirap sa buhay kaya’t nabuo ang konseptong ito.
Maraming pangyayari na ang naganap sa bansang Pilipinas na hindi inaasahan ng lahat dahil walang nag-aakala niton a darating maging sinong tao man sa mundo ay hindi alam ang kaisipan na mayroon ang mundo, may mga haka-haka ngunit ito ay haka lamang hindi tiyak at hindi sigurado. Sa mga bagay na ito walng kapangyarihan ang tao na bumuo ng higit sa lahat.
Kung minsan ay may bumubuo na kaisipan sa mga Pilipino na kaya nagkakaroon ng sakuna ay dahil gumaganti na raw ang mundo sa mga ginagawang hindi kanais-nais ng tao o hindi ayon sa mundo na nakakasira dito at hindi nakakabuti sa lahat. Kung sa pag-iisip na ito ay sinasabi ng kasabihan “huwag mong salungatin ang agos ng ilog upang hindi ka nito gantihan”. Sa mga sakunang nararanasan ang kahaagahan ng pagiging matatag at matibay ay hindi pagsuko ng sarili dahil may katatagang-loob at ang kabutihan na nadudulot nito ay kapayapaan hindi lang sa kapwa kundi pati sa sarili.
Ang sakuna ay katumbas nito ay ang pagsubok, pag may sakuna may pagsubok kaya’t nararapat na handa palagi ang sarili sa anumang mangyari upang harapin na may tatag at tibay ang mga ito sapagkat sabi ni Tianggco, metaphorically, ang hangin, ilog at bagyo na bilang halimbawang metaphorical ay nangangahulugan ay ang pagsubok na kinahaharap ng mga Pilipino ibig sabihin niya “itong pagsubok na ito ay galing sa natural na processo ng kalikasan (nature), sa madaling salita, ang mga problema, kahirapan, pagtitiis na nararanasan ay isang natural ding mukha (natural features) ng mundo at hindi kailangan ikasama sa kasalungatan ng buhay”.[33]Ito ba ay nangangahulugan na ang mga Pilipino ay isang “absurb man” na tinutukoy ni ni Albert Camus? ang sagot ni Tiangco dito ay marahil oo sa kabilang punto at hindi sa ibang kadahilanan. Kung oo, ayon naman kay Elwood, siya ay makapagdesisyon na tanggapin na pasanin ang mundo sa pamamagitan ng kanyang lakas na walang kasiyahan at sa puntong ito gusto niyang bigyang diin ang aspeto sa paglalarawan ng lakas (strength) sa pamamagitan ng pagsasanay sa pagtanggap at hindi pagtutol sa haka ng pangtanggi sa pag-asa at tanaw sa buhay na walang kasiyahan.[34]
Ang sakuna ay malabong hindi mangyayari sa isang bansa kaya’t hangga’t hindi pa ito dumarating ay dapat iniisip na ang maging kahinatnan nito kung sakaling mangyari ang mga bagay na hindi kanais-nais. Ang paghahanda sa sarili ay isang paraan upang mapagtagumapayan ang anumang mangyari, mas mahalaga ang buhay kaysa sa ibang mga bagay at ang pagiging matatag at matibay ay ang siyang paraan upang harapin ang mga ito.
Unexpected events show up everywhere in our lives, in our corporate life and in our other lives as well. The future will continue to involve the unexpected. Since unexpected events will crop up in the context of what we expect, they will be easy to miss until they have escalated into a more advanced stage. This means it makes sense to develop capabilities to cope with surprises and bounce back from them.[35]

3)      Ang Pagiging Matatag at Matibay sa Sikolohiyang Pananaw (Psychology)
(Emerging from the field of developmental psychology, studies on resiliency attempted to explore why some individuals from high-risk or adverse backgrounds seemed to thrive while others failed. It is also characterized resiliency as the ability to bounce, rebound, or recover. Resiliency is associated with a reduction of negative and undesirable behavior and the exhibition of healthy or productive behavior, even under difficult circumstances. There is actually no universal definition of resiliency. However, there is an existing central notion that resiliency concern successful coping with or overcoming risk and adversity or the developments of competence in the face of sever stress and hardship.)[36]
Isa sa nagbigay ng malaking ambag sa pagbibigay direksiyon ng Sikolohiyang Pilipino ay si Virgilio Enriquez, isang dating propessor sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa mga naisulat niya mararamdaman ang panawagan na na angkop na pamamaraan ng tagapanaliksik upang Makita ang diwa ng mga Pilipino sa pag-aaral na ito.
Ang tao ang siyang puno at dulo ng lahat ng taalakayan sa sikolohiya. Makatotohanan ang winika ni Sokrates (469-399 B.lk) na ang pangunahing katunggkulang ng tao ay ang alamin ang kanyang sarili. Ang sanhi ng maraming pagkakamali sa buhay, ayon sa kanya, ay ang kakulangan ng ating pagkakilala sa tunay na kalagayan ng tao[37]. Inaasahan niya na maraming suliranin ang malulutas sa sandaling mabigyan natin ng sapat na pansin ang bagay na ito, subali ito ay kanyang isang teorya lamang ni Socrates hindi parin natin makakaligtaan na aang buhay ay kaakibat nito ay ang mga suliranin sa buhay, mga pangyayari at karanasang nagbibigay kulay at kabuluhan sa kany, kaya’t kung sa sekolohiyang pananaw, ang tao ay siyang sentro ng pinag-aaralan.
Sa Sikolohiyang pananaw kung sa kaso ng ng matinding pagkagulat (Shock), Truama, o Kahirapan (adversities) na siyang sinasabi na mga mananaliksik tungkol dito ay:
Psychological research on posttraumatic disorder has emphasized the deleterious effects of crisis on individuals. Norris and colleagues, empirical review of 160 studies on disaster determined the potential range and magnitude of a disaster’s effect on mental health and the experiential, demographic, and psychosocial factors influencing the most affected victims. Other scholars have examined death and dying, terminal illness, trauma, or life-threatening events to uncover the positive psychological effects and benefits of individual trauma and victimization.[38]
Ang pananaw ng mga Sikolohista dito ay pagbabalik sa normal na galaw ng isang bata na nakaranas ng pagka-truama o anu paman na nangangailangan ng pagalalay upang bumalik uli sa dati nitong normal na galaw at pag-iisap at higit na makakatulong dito ay ang tinatawag nilang organizational resilience na ang ibig sabihin ng mga sikolohista dito ay,
Developing the concept of organizational resilience manifest in systems that experience set backs and where trauma touches individual organizational members, this study contributes in an important way to understanding mechanisms organizations and their members display and develop through a crisis event. This work articulates the capacity of connections that enable individuals and organizations to overcome, to pass through difficulty, and to adapt to untoward events.[39]

ito ay pag-aaral na makaka-balik lamang ang isang bata sa kanyang normal na pag-iisip kung mapapahalagahan ito sa pakikihalo-bilo niya sa ibang tao.
Social Competence includes any prosocial behavior, including empathy and caring, a sense of humor, responsiveness, the ability to communicate well with others, and other behaviors which allow the child to develop positive relationships and friendships.[40]

 Ang pananaw na ito ng mga Sikolohista ay bahagyang makikita rin natin sa mga Pilipino na kahit anumang pinagdaanan nila sa buhay ay madaling mapagtagumpayan ang mga ito at nagpapatunay na may Katatagang-Loob ang mga ito.
An individual’s self-esteem is an important facet in time of stress and adversity fir it acts a buffer for the negative or harmful effect during stressful situations. It is something what an individual can rely as cognitive resources that enable him to deal with unsatisfactory circumstances, thus, this related to the concept of resiliency. Literature about the concept of resiliency advocates that both the parents’ concerted efforts to get support from their social network (relatives, friend, community, etc.) and at the same time, developing their children’s self-esteem and self-confidence are beneficial in promoting the child’s health and well-being and the whole society as well. The individual’s self-esteem is crucial when he or she is faced with adversity and will affect in a way his or her resilience, or the ability to bounce back from adversity or crises.[41]
D. Ang mga Kaugnay ng Pagiging Matatag at Matibay
1)      Pagiging Matatag at Matibay o Resilience ay Katumbas sa salitang Katatagang-loob
Ang Pilosopiya ng mga Pilipino ay isang produkto ng kultura at kasaysayan sapagkat ayon kay Gripaldo ang Pilosopiya ng mga Pilipino sa kasaysayang pagiisip ay naka-ugat na sa kanilang mga karanasan lalong-lalo na sa mga tao na nakaranas ng kolonyalismo at Neo-Kolonyalismo. Ang pagiging matatag at matibay ay katumbas sa salitang Katatagang-Loob sapagkat kung ating mababatid ito ay binibigyang kahulagan sa pagiging matatag at matibay na may kaugnay sa kahulugan ng Katatagang-Loob ito ay ang pagiging matatag at matibay o resilience ay ang kakayahang ibalik ang sarili mula sa mga pangyayaring hindi kanais-nais na sinasabi rin ng Katatagang-Loob na sa oras ng mga kahirapan sa buhay may kaugaliang pagiging matatag at matibay at ang kahalagahan na nagagawa nito sa iba ay pagiging matatag at matibay na kalooban na walang karahasan.
2)      Tiyaga o Pagiging Matatag at Matibay
Ito ang kabuluhan ng buhay ng mga Pilipino na hindi nauubusan ng tiyaga at katatagan sa kabila ng mga paghihirap o pagsubok at ito ay dahil sa kanyang pagiging Matatag at Matibay. “Ang pigiging Matatag at Matibay, gayun pa man ay may tinatawag na Saturation Point”[42] at kung ito ay maabot siya ay magsisimulang ng may kagitingan at katapangan sa kanyang kalayaan at karapatan. At kung meroon mang tagumapay sa pangkabuhayan (economis achievement) sa bansa, ito ay nararapat lang na ibigay natin ang karangalan sa mga Pilipinong nagging Matatag at Matibay dahil sa kanyang pagtitiyaga ang mga manggagawang Pilipino na siyang nagtitiyagang magtrabaho para tayo umunlad sa ating pangkabuhayan. Ang pagiging Matatag at Matibay o Tiyaga ay dahilan kung bakit ang Pilipino ay Malakas sa kahit na anumang pagsubok ay nalalagpasan nito ang mga hirap, kayang lagpasan nito ang katiwalian at hindi sapat at malinaw na mga kolonyalista sa bansa noong panahon ng pananakop. Subalit wala silang magandang komunikasyon sa bawat isa, samakatwid walang nagging tugmang layunin ang nabuo sa panahong ito sapagkat dahil tinuruan nila ang mga Pilipino na kanilang layuni an gang Panginoon at ang kapangyarihan ay nasa mga prayle lamang. “Ang mga Amerikano naman tinuro nila kung paano kumanta ng “God bless America”. Ngunit ang tiyaga ng mga Pilipino ay dahilan ng kanilang pagtayo sa sariling mga paa, ang mag-isip at magsalita ng may kalayaan o malaya”. [43]Ang totoong kayamanan ng mga Pilipino ay ang katangian ng bawat isa, talento, karunungan, ugali, hilig at mga kahalagahan (values) na hindi nawala kailan man. Nangangahulugan lang na ang mga Pilipino sa panahon ng pananakop ay nakayanan nilang maging matatag at matibay dahil sa pagtatayiga sapagkat mayroon silang natatagong kayamanan sa kanilang sarili.
Kaakibat ng tiyaga at pagsusumikap ang Katatagang-loob sa paggawa. “Ang hindi makipagsapalaran”, sabi ng mga tagalong, “ay hindi makatatawid sa karagatan”. Umano, hindi mayayari ang anumang gawa kung hindi lalakipan ng lakas-loob. At wala naming mahirap na gawa kapag gagaanin sa tiyaga. Tungkol dito, sabi ng mga Ilokano, “Awan ti rigat a di malasat” (walang hirap na di malulusutan o mapagtatagumpayan). Angkop dito ang palasak na kawikaang Tagalog, “Walang matimtimang Birhin sa matigsang manalangin”. Kaya sabi rin ng mga Boholano, “Ang tawong taas ug paciencia, dili malagmit ma disgracia” (ang taong matiyag ay hindi mahirap mabigo.) ibig sabihin, kapag matiyaga ang tao’y may kaukulang gantimpalang kanyang mapapala.[44]
3)      Ang Pilosopiya ng “Tayo” sa Pagiging Matatag at matibay
Ang Pilosopiya ng tayo ay nasa kaugalian ng mga Pilipino. Kung ang mga taga kanluranin ay nauukol sa kanila ang sari-sariling mga karapatan sa kanilang sariling habol sa kasiyahan ay nakabatay kung paano sila mag-isip sa tun-tunin ng kanilang pag-iisip. Isa sa sentro ng problema ay nakabatay kung paano gampanan o gawin ang pansariling karapatan sa kabutihan ng lahat (common good) [45]. Kung ang mga kanluranin ay pukos sa pagpapahalaga sa sarili (individualism) kumpara sa mga Pilipino ay may kahalagahan sila ng pakikipag-kapwa tao o (communitarism) ang pagtutulungan ng bawat isa dahil ang kaligayahan para sa kanila ay ang pagtulong o tulongan ang kapwa bilang isang kumunidad[46]. Ang kapwa bilang pinagmulan ng pagiging matatag at matibay ay sa kanila nagmumula ang lakas kung ang iba (others) may pagmamahal katulad ng mga magulang, kamag-anak, kababayan at higit sa lahat ang relasyon ng ina at ang anak[47]. Dito marahil kumukuha ng katatagang-loob ang sarili sa kapwa sapagkat nagbabahagi ang kapwa sa iba at kahalagahan ng meron ang mga Pilipino ay hindi sila sari-sarili (individualistic) may kaugalian sila ng pakikipag-kapwa na siyang sinasabi rin ng pilosopiya ng tayo kumpara sa mga taga kanluranin na siyang nagpapatatag at nagpapatibay sa kanila.
“Studies on family adversity, stress, and coping explians that social support serves both as a protective factor or the role of adjustment in facilitating the family’s ability to maintain its functioning in the face of risk and adversities; and as a recovery factor which also serves as adoptation, promoting the famil’s ability to bounce back and adpat to family crisis.”[48]
Ang pagtutulungan sa oras ng mga pagsubok ay makikita ang kaugaliang ito ng mga Pilipino sapagkat dito nagmumula ang pagpapahalaga ng tao sa kapwa ang pagdamay sa oras ng kagipitan.
(Indeed, to his capacity to overcome himself and rise to his finest hour in times of the greatest peril, showing courage beyond the call of self-preservation, showing bayanihan beyond the call of self-sacrifice).[49]




IKA APAT NA KABANATA
KATATAGANG-LOOB: ISANG KATANGIAN NG MGA PILIPINO
A.     Ang Pilipino sa Oras ng mga Unos
Ang isang katotohanan sa buhay ng tao na hindi matatakasan ay makikita sa pagsapit ng mga kalamidad o unos. Ang mga kalamidad at unos na ito ay mga pangyayari na minsan hindi inaasahan ngunit sa ganitong kalagayan makikita ang nakakamanghang pagtutulungan sa mga Pilipino. Ilang mga pangyayari na ang sumubok sa bansa subalit makikita pa rin natin na ang Pilipino ay nakatayo pa rin  at makikitang masisinag ang katatagan nila dahil nagkakaisa sila sa panahon ng kahirapan. Ang katatagang-loob na siyang katangian ng mga Pilipino ay makikita natin sa mga panahong ito, ang Pilipino sa oras ng mga unos ay mas lalong nasusubukan sa pagharap nito. Noong ika-26 ng Setyembre (26) taong 2009, ang Pilipinas ay nakaranas ng isang kalonus-lunos na pangyayari, ang hagupit ng bagyong Ondoy na siyang dahilan ng pagkawala ng  maraming buhay, marami sa mga Pilipino ang nagluksa, mapahirap man o mayaman, walang pinili ang hagupit ng matiniding hangin at ulan ng bagyong Ondoy maraming nasirang mga bahay at establisamyento. Umapaw ang mga dalupang tubig na dahilan ng pagkalunod ng marami. Hindi natin matatakasan ito sapagkat tayo ay malapit sa dagat-Pasipiko na kung saan nanggagaling ang mga bagyo. Bawat taon, mga 20 bagyo ang pumapasok sa bansa. Katulad rin sa pagdating ng bagyong si Pedring, marami ang nasalanta. Malaking bahagi ng Maynila ay nilamon ng malalaking alon na nanggaling sa dagat, marami ang muling nakaranas ng kamatayan sa pamilya, pagkawala ng kabuhayan at pagkawasak ng mga tahanan at gusali ngunit ang lungkot ay sandali lang. Buhay rin ang nasira dahil dito at mga puno na nilamon rin dahil sa matinding hangin, kung kaya’t makakatulong nga sa mga Pilipino na ang pagiging matatag at matibaay nito ay hindi ka talaga makararanas ng matinding pagkalungkot sa pangyayari kung taglay niya ang katatagan ng loob.
 “Ang lokasyon ng Pilipinas ay nasa tinatawag na Ring of Fire”[50] na kung saan minsan nakararanas ang bansa ng malalakas na paglindol na kahit gaanoman kalaki at katibay ng mga istruktura ay naguguho rin. Maging ang mga moderno at sopistikadong makinarya at kasangkapan para dito ay hidi kayang makaalam ng ganitong mga kaganapan”.
Ito ang mga pangyayari na nakapalibot sa atin, ngunit ano nga ba ang magagawa ng mga Pilipino kundi harapin ang mga ito dahil ang mga Pilipino sa kabila ng mga pagsubok may kakayahang lumaban sa mga pasakit ng buhay. Ayon nga sa isang kasabihan “try and try until you die”, subukang lumaban sa mga unos ng buhay, ito ay kaakibat ngt ating paglalakbay tungo sa hinaharap, hanga’t kaya pa ay labanan ito sapagkat angkin ng lahat ang katatagan at pagiging matibay.
B.     Ang Pilipino sa Pananalangin
Ang mga Pilipino ay may ugaling maka-Diyos, at madasalin sila. Naniniwala sila “na ang pagdarasal, pagrorosaryo at pananampalataya sa mga santo at santa ay kasama sa kanilang buhay bilang mga anak ng Diyos”. [51]Ang mga ito ay sa kasaysayan ng bansa ay impluwensiya ng mga Espanyol na siyang nagdala ng Katolisismo sa bansa. Sa ginawang pagsasaliksik nina Dante L. Barcelona, Alvin S. de Guzman, Emiliano Q. Ibera III mga mag-aaral ng Inter-Congretional Theological Center (ICTC) tungkol sa Tiis, Tiyaga, at awa ng Diyos na kung saan sa pakikipagtalakayan o pakikipag-usap nila sa iilang dukhang Pilipino ay ganito ang kanilang sinasabi:
-                      Kung minsan ay binibigyan tayo ng karamdaman o pagkagutom, ipinahihiwatig lang sa atin na lumapit tayo sa Kanya at huwag tayong makalimot sa Kanya, lagi nating alalahanin na may Panginoon na kumikilos sa atin.”
-                      “Magtiis lang tayo at ibibigay naman ng Panginoon ang ating kahilingan.”
-                      “OO, may kagipitan at kahirapan sa buhay pero Siya ang gagawa ng kalutasan.”
-                      “Umiiyak na lumapit ako sa kanya at ibinuhos ang aking problema.”
-                      “Pag may problema nanalangin sa Ama na nawa’y malutas ang aking problema.[52]

Ang mga indibidwal na pahayag ito na sa kanilang pakikipagusap ay magpapaliwanag kung gaano ang kanilang paniniwala na gumagalaw ang Diyos kahit sa kanilang buhay at sa gitna ng kahirapan o paghihirap hindi sila nawawalan ng pag-asa sapagkat naka angkla ang kanilang paniniwala na ang Diyos ang tutulong sa kanila sa pamamagitan ng pagdarasal. Ang pinagkukunan nila ng katatagang-loob ay ang pananalig sa Diyos kaya’t sabi ng mga katagalogan “Mapait ang magtiis ngunit ang bunga’y Matamis”, ito ang bunga ng kanilang mga pagdarasal kung minsan ay hindi natutupad ngunit naniniwala sila na darating din ito sa kanila, sa pamamagitan ng pananampalataya ay nagkakaroon ng katatagan ng loob kung kaya’t sila ay daop ang kamay sa pagdarasal sa Panginoon na siyang nagbibigay ng biyaya sa araw-araw na pakikibaka natin.
Kung minsan may mga pangyayari sa buhay ng tao na nasa punto na hindi rin alam ang gagawin at hindi na alam ang kapupuntahan ngunit sa loob niya gusto niyang may madamayan, may mga ganito talaga sa buhay ng isang tao na nangyayari at kadaalasan sa kwento ay ang pagbabalik-loob sa Diyos isang malaking pagbabago sa buhay na minsan lang mangyari. Mula sa pagkabigo muling nakabangon ang Pilipino dahil sa paniniwalang tutulungan siya ng Diyos, isang katatagang-loob ang nabubuo sa kanyang sarili dahil sa kanyang paniniwala at pananampalataya.
Ang pananampalataya at pagkatao ay may kaugnayan. Ang pananampalataya sa kapangyarihan ng pagsunod sa mga utos ng Diyos ay mapapatatag sa pagkatao sa oras ng agarang pangangailangan. Ang gayong uri ng pagkatao ay hindi nahuhubog sa oras ng malaking hamon o tukso. Ang pananamapalataya sa mga tunay na alituntunin ay nagpapatatag; ang matibay na pagkatao ay pagpapalawak sa kakahayan at tiwala na harapin ang mga pagsubok sa buhay. Sa pagtatag ng pagkatao lalong magagamit ang kapangyarihan ng pananampalataya. Matutuklasan kung paano pinatatatag ng pananampalataya at pagkatao ang isa’t isa. “Ang pagkatao ay matiyagang nabubuo sa pamumuhay ng alituntunin, doktrina at pagsunod.” [53]
Sabi ni Pangulong Hugh B. Brown: “Sa buhay, ang mga dakila at espirituwal na pagpapahalaga ay makakamtan lamang ng tao sa pamamagitan ng pananampalataya.”[54] Hindi mabubuhay ang tao kung walang pananampalataya dahil sa pakikipagsapalaran sa buhay, ang mismong problema ay ang pagpapatatag sa pagkatao na hindi produkto ng katwiran kundi pananamplataya sa mga huwaran at debosyon sa mga ito na niya kaakibat na sakripisyo.
Malaki ang pananalig ng Pilipino sa Diyos. Ang pakiwari niya’y hindi siya maliligaw ng landas kapag siya’y mananalig sa kanya. Halimbawa’y sinasabi ng mga Tagalog, “Walang kay Bathala nanalig na sumasapanganib”. Sinasang-ayunan ito ng mga Boholano, “Ang tawo nga dunay devocion sa cadaut dili mo oyon. Macadaog sia guihapon cay dunay panabiang nga Diossuon”. (Hindi magtatagumpay ang kasamaan sa isang taong taimtim ang paananalangin niya sa Diyos.) Alalaong baga, naniniwala ang Pilipino na kapag ang tao’y nananalig sa Bathala ay hindi siya pinabaabaayaan ng huli. Ganito ang pangangatwiran ng mga Boholano, “Ang butang nga dili hikitan ug dili hidung-an sa tawo, sa langit hikitan ug habaloan”. (Ang mga bagay na di-nakikita at di naririnig ng tao’y nakikita’t naririnig ng langit.) Kaya “Ang tawo nga makiangayon,” sabi nila, sa Diyos pag caloyan”. (Ang taong mabait ay pagpapalain ng Diyos.) Subalit hindi lahat ay ipinauubaya ng Pilipino ang kanyang pananagutan sa Diyo. Tahasang inaamin niya na ang paggawa ay ssiyang puspusang pananagutan ng tao at hindi siya dapat umasa na lamang sa awa ng Panginoon. Ang kanyang tiwala at pananalig sa Panginoon ang nagbibigay sa kanya ng Lakas-loob na gumawa.[55]

            Ang mga Pilipino ay malapit ang loob sa Diyos sa pagkat naniniwal sila na sa pananalangin sa Diyos ay nagbibigay sa kanila ng Katatagang-Loob kung kaya’t nananatili silang matatag at matibay dahil sa kanilang paniniwala na tutulungan sila ng Diyos. “Tiyaga, suwerte at awa ng Panginoon ay ang dahilan kung bakit ang mga Pilipino ay patuloy na bumabango sa mga pagsubok dahil sila ay naniniwala na lahat ay gawa ng Panginoon, kaya’t ang lahat na gawa Niya ay nararapat lang nababalik sa kanya”. Ayon nga sa kasabihan ng mga Pilipino “nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa” at “ang maging malapit sa Diyos ay malapit sa biyaya.”[56]
K.    Ang Pilipino sa mga Pagsubok
Ang mga problema o mga kasawian, kung ituturing ng mga Pilipino ay isang pagsubok lamang kaya’t patuloy ang laban ng kanilang buhay anu man ang mangyari.
Sa gitna ng pagsubok may dalawang mahalagang bagay ang nararapat na isaisip: una ang kalinawan ng kaisipan at ikalawa ay ang katatagan ng kalooban. Ayon sa mga pag-aaral, iba’t iba ang pagharap ng tao sa pagsubok at mga suliranin. Ito ay dahil sa iba’t iba ang pananaw at antas ng kamalayan at lalim ng pagdama sa mga ito. May mga taong madaling sumuko sa kanilang buhay samantalang mayroon namang marunong humarap sa buhay. Nasa pagtingin at pagpasya kung paano malulutas at haharapin ang mga suliranin at pasubok. Maaaring itulad sa pagsusuot ng sunglasses na may itim na lens. Kapag pinili ito tiyak na ang lahat ay madilim at walang makikitang liwanag at pag-asa. Ngunit kung susubukin magsuot ng isang maliwanag na salamin, tiyak makakakita ng liwanag. Ganito rin ang pagsubok, makikita at matutuklasan pa ang kahalagahan ng buhay sa gitna ng mga ito. Normal ang makaranas ng pagkatakot at pag-aalaala sa gitna ng pagsubok. Ngunit mahalagang maging matatag at matibay ang kalooban sa pagharap ng mga ito.
The Filipino is able to take in the slings and arrows of outrageous fortune because that is his natural lot in life. He is poor, he is abject, he has nothing. He has learned to fend off the slings and arrows of outrageous fortune because those slings and arrows have been coming at him every day of his life. Practice makes perfect, a lifetime of handling adversity makes for skill and ability.[57]







IKA LIMANG KABANATA
ANG PAG-AARAL SA PILOSOPIYANG PILIPINO NG PAGIGING MATATAG AT MATIBAY O KATATAGANG-LOOB

A.     Penominolohiyang Pag-aaral (Phenomenological Study)
                                                                     
“Dahil walang umiiral na pagaaral sa tinawag ng Filipino Legal Philosophy at dahil ang pinagtutuunan ng pansin ng lahat ay ang isip kanluranin, ito ay kinakailangan na maipalaiwanag  sa pamamagitan ng penomenolohikong pagsusuri o pag-aaral”[58]sa paksang ito upang mabigyang linaw ang pagaanalisang pamamaraan sa konsepto ng Katatagang-Loob sa mga Pilipino at ang Pilosopiyang Pilipino ng Paagiging matatag at matibay. Dahil sa maraming mga klase ng pagpapaliwanag sa “penomenolohiyang”[59] pag-aaral at ginamit sa iba’t ibang pamamaraan nais ng tagapanaliksik na gamitin ang pagpapaliwanag bilang isang “eksperiential”[60](Experiential) o karanasan (Experience) na pagpapaliwanag sa pag-aaral ng karanasan ng mga Pilipino sa bawat pagsubok ng kanilang nararanasan sa buhay basi sa mga pangyayari noon at ang kasalukuyang na nangyayari ngayon sa Pilipinas sa kanilang patuloy na pagpapahalaga sa katangian ng Katatagang-Loob. Kaugnay dito upang maaruk ng bawat Pilipino ang kaaisipan  na ang Pilipino ay may sariling Pilosopiya at ito ay ang karanasan ng bawat isa na binibigyang halaga ni Timbreza na siyang nagsasabi na ang Pilipino ay may pilosopiya.
Dahil lahat ng tao ay may natatanging karanasan sa buhay at ang karansang ito ang siyang batayan ng kanilang pandaig-digang pananaw. Ang kanilang pandaigdigang pananaw rin ang siyang bumubuo sa kanilang pilosopiya. Kung ang pilosopiya ay nag-uumpisa at nag-uugat sa karansan at nagtatapos din ito sa karanasan, at lagging hinahanap ang tanging kabuluhan ng buhay sa lingid ng bawat karanasan, nangangahulugan na mayroon din naming karanasang Pilipino. Hindi lamang ang mga dayuhan-ang mga griyego, Amerikano, Intsik o Kastila ang may karanasan. Ang lahing kayumangi ay may natatanging karanasan din na singyaman at singdakila ng karanasan ng ibang mga lahi. Isang pa, kung ang pilosopiya ay nababatay sa mga pandaigdigang pananaw na aangat sa tunay na karanasan sa buhay, pinatutunayan niton a mayroong pilosopiyang Pilipino sapagkat mayroon din naming natatangi’t katutubong pag-iisip at mga pandaigdigang pananaw ng mga Pilipino na batay sa likas nilang karanasan sa buhay.[61]

Nakikita ng tagapanaliksik na maaangat ang konsepto ng Katatagang-Loob sa pilosopiyang Pilipino  ng pagiging matatag at matibay sa pamamaraan ng pag-aaral na ito at dahil dito ang kaisipang Pilipino sa pag-aaral na ito ay tunay na isang natatagi’t katutubong kaisipan upang magkaroon tayo ng sariling pilosopiya batay sa mga karanasan. “Kung batay sa karanasan ang pilosopiya ng isang tao o isang bansa tulad ng sinasabi ng mga penomenologo, at nandoon na ang karanasang binubuhay ng tao, di ang pilosopiya ay walang iba kundi ang eksplikasyon ng mga nakakubli sa karanasan. Ang pilosopiyang Pilipino ay walang iba kundi ang pagbibigkas ng mga kahulugang na nakakubli sa ating karanasang Pilipino.”[62]Ang paghahanap ng Pilipino ng weltanschauung ay isang karunungan na dapat muna niyang maransan upang maintindihan ang kahalagahan ng buhay, ang karanasan ang siyang nagbibigay liwanag sa kaisipan.
“Ang buhay ng tao ay puno ng karanasan” [63]at sa mga karanasang ito ay marami ang pagsubok at paghihirap sa buhay na sumusubok sa pagkatao at dito kinakailangang unawain ang kabuluhan o kahalagahan ng paghihirap sa buhay.
(Understanding suffering, both as a concept and lived human experience, has long been a contentious issue and concern. It almost seems to go hand in hand that the frailty of the human condition is to suffer. And for those who have grown weary of existence as brought about by the experience of suffering, contemplation on self-annihilation is a usual recourse. Others go beyond ideation succumbing to suicide as a means of extinguishing the fiery burn that most who have had suffered usually experience.)[64]

Ang mga paghihirap na ito ay ang mga naranasan ng bawat tao at ito ang mga karanasan din ng mga Pilipino noon man at ngayon na siyang tinawag na pagsubok sa buhay at itinuturing na kaakibat sa buhay ng bawat Pilipino.
            Ano ang Katatagang-Loob sa mga Pilipino? Masasabi bang may Katatagang-Loob ang mga Pilipino? Ito ay marahil nakaugat o nananalaytay na sa kalooban ng mga Pilipino sapagkat ito ay isang katutubong paguugali na masasabing namana ng mga Pilipino sa mga sinaunang mga Pilipino, ngunit ano ang Katatagang-Loob ng mga Pilipino ngayon? Ang pagharap sa mga pagsubok sa buhay ay nangangailangan ba ng Katatagang-Loob? Kailangang isaisip muna natin na lahat ng mga Pilipino ay may pagsubok na kinahaharap sa buhay at lahat ng mga Pilipino ay may karanasan. Kung ating titingnan ang karanasan ay ang pagsubok ng mga Pilipino o paghihirap sa ibang konteksto, ang karanasang ito ng mga Pilipino ay di iba sa kanila sapagkat hanggang ngayon pati ang bansa ay humaharap sa mga pagsubok. Lahat ng mga pagsubok ay may kaugnay sa sarili na siyang aayos at gagawa ng paraan sa anumang pagsubok na ito, ang sarili ang siyang sulosyon upang maayos ito at ang pagkaugnay sa sarili na gawan ng paraan ang pagsubok upang mapagtagumapayan ito ay ang karanasan ng tao na siya ring dahilan ng pagkakaroon niya ng kaisipan upang gawin ito, ibig sabihin nagagawa niya ito dahil alam niya kung paano at dito ay natututo ang tao na harapin ang pagsubok.
Ang pagsasabi ng kaya ko ito! ay ang isang positibong katangian ng mga Pililipino na siyang humihimok sa kanyang sarili na labanan ang pagsubok dahil kaya ko ito at dito lumalabas ang katangian ng Pilipino na Bahala na[65] na meron ding positibong patutunguhan, na ibig sabihin may tiwala ka sa iyong sarili kaya Bahala na paniniwala sa sarili na matatagumpayan ang ano mang laban sa buhay. Itong dalawang katangian ng Pilipino na may ambag sa pagiging matatag at matibay ng mga Pilipino o Katatagang-Loob sapagkat ang pagsasabi ng Kaya ko ito ay may elemento na nanggagaling sa kalooban ng tao, naniniwala siya sa kanyang sarili na kakayanin niya, halimbawa, ang mga Pilipinong atleta, ang pagsali sa isang laro ay nangangailangan ng paniniwala sa sarili sa pagsasabi ng kaya ko ito at ito ang sinasabi nating positibong pagiisip at hindi sa pagbabasakaling manalo at katulad din sa pagsinasabi ang Bahala na na isang paniniwala sa sarili na mayroong pagasa na matatamo. Ang kahalagahan ng pagsasabing kaya ko ito at bahala na ay parehong elemento na nanggagaling sa sarili ito ay sa pamamagitan ng karanasan kaya nasasabi ang mga ito at may elementong nagtutuklak sa sarili upang sabihin ito. Ang pagpapatatag ng sarili ay ang paghihimok sa sarili na may kakayahan ka, ang pagsasabi ng mga positibong mga bagay ay nagpapaluwag sa sarili upang magawa ang bagay na gusto mong makamit kaya’t sa pagharap ng mga problema o pagsubok ito ay makakayanang harapin dahil sa paniniwala sa sairili na kaya ko ito. Ang taong may kaloobang ganito ay may paniniwala sa kanyang sarili.
Ang Katatagang-Loob ay mauunawaan sa konteksto ng paghihirap at pagsubok at dito mababatay natin ang mga katangian ng mga Pilipino na sa panahon ng mga ganitong karanasan ay makikita ang paniniwala ng mga Pilipino ay nagiging malakas. Ang kanyang pagiging matatag at matibay ay paniniwala sa kanyang sarili na nagpapatag at napapatibay gayundin sa kanyang pagsasabing kaya ko ito, salitang may laman na nagpapahiwatig sa kanyang katatagan na nanggagaling sa loob.












IKA ANIM NA KABANATA
ANG MARKA NG KATATAGANG-LOOB SA IBA’T IBANG
KONTEKSTO
A.     Ang Katatagang-Loob Noon
1)      Sa mga Santo
Si San Pedro Calungsod na kababago lang naging santo ng simbahan ay isang martir sapagkat siya ay naging matatag at matibay sa kanyang pananampalataya, hanggang kamatayan. Ang martir ay Santong may matatag at matibay na kalooban sa pagharap sa mga pasakit na kanilang natatamo. Ang buhay ng isang misyonaryo, katulad ni Pedro ay dapat laging handa ang sarili sa lahat ng mangyayari. “Si Pedro, kasama si Padre Diego, ay sinugod at pinagsasaktan, malaki ang pagkakataon ni Pedrong tumakas ngunit hindi niya pinabayaang mag-isa si Padre Diego na kasalukuyang sinasaktan na rin ng mga sumugod, naging matatag si Pedro hanggang sa huling hininga niya.”[66]
Gayundin si Santa Clara sinundan niya ang yapak ni San Francisco de Asis sa kabila ng hindi pagtutol ng kanyang mga magulang na pumasok siya sa pamumuhay relihiyoso, siya ay tumakas at tuluyang pumasok siya sa pagkarelihiyoso. Dahil sa kanyang paniniwala at pananampalataya naging matatag at matibay siya at sinunod ang kalooban para sa kanyang ninanais sa buhay. Ang mithiing maaging relihiyoso ay nagtulak sa kanya upang magpatuloy at pangatawaan anumang hirap ang kanyang kaharapin.
Ang mga Santo ng simbahan ay itinuturing na mga idolo sa pagiging malapit sa Diyos. Sila ay ideniklara ng Santo Papa na maging ganap na Santo ng simbahan ang pagpili sa kanila ay batay sa kanilang karakter upang maging huwaran rin sa ibang mananampalataya at kaugnay dito ay ang kanilang Pananampalataya (Faith) Pag-asa (Hope) at Pagmamahal (Love) at dahil dito makikita sa bawat santo ang Katatagang-Loob.
2)      Sa mga Bayani
Ang mga bayaning[67] Pilipino na kilalang mga dakila sa bansa sa iba’t ibang larangan ng kanilang kahusayan sa pakikibaka para sa bansa ay isang Katatagang-Loob. Ang isa sa mga bayaning nagtataglay ng walang kapara na Katatagang-Loobay si Dr. Jose P. Rizal. Pinatunayan ni Dr. Jose Rizal na sa kabila ng kanyang paghihirap mula sa mga Espanyol patuloy pa rin siyang nanindigan sa kanyang pinaglalaban hanggang sa mahatulan siya ng kamatayan. Hindi man siya namatay na kagaya ng iba iba na lumaban sa pamamagitan ng armas o pag-aalsa lumaban naman siya sa pamamagitan  ng panitik. Walang takot na inilantad niya ang mga katiwalian sa panmahalaan, ang mga isyung panlipunan, pang-edukasyon at panrelihiyon na naging sanhi ng matagal na pagkaalipin n gating bayan. Ang katapangan at katatagan na ipinakitang ito ni Dr. Jose Rizal ay nag-udyok sa ibang mga Pilipino na maging matatag at matibay rin na harapin ang mga pang-aapi ng mga Esdpanyol hanggang sa makamit ang kalayaan ng bansa.
Nakilala rin ang kagitingan ni Lapu-Lapu upang pigilan ang pangkat ni Magellan na masakop ang Mindanao at ang mga naninirahan noon Pilipinas. Ito ang unang karanasan na bumungad sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang karanasang ito ay nagbunga ng digmaan sa panig ng pangkat ni Magellan at ni Lapu-lapu. Dahil dito nabuhay ang  pananindigan at katatagan ng mga Pilipino sa pagharap sa mga pangyayaring nagdudulot ng kalungkutan, kapamahakan at kasawian. Ang Katatagang-Loob ayon,  kay Tiangco ay tumutukoy rin o kaugnay sa kawalang-karahasan, kahinahunan, kakalmahan, determinasyon, bahala na, pagsusumikap na may parehong negatibo at positibo ang taglay na kahalagahang pag-uugali ng mga Pilipino na nalinag sa mga ito. Anumang hirap ang kanilang naranasan noon ay bunga ng kanilang pagiging matatag at matibay kung bakit sa haba ng panahon ng pananakop ay hindi huminto o tumigil ang mga Pilipino na lumaban sa kanilang karapatan na pinaglalaban sa buhay. Isa lang naman ang kanilang ipinaglaban noon ang makamit ang kanilang kalayaan, ang pagiging malaya sa sariling bansa kaya’t ang mga naging matatag at matibay dahil sa kanilang determinasyong ipaglaban ito ay nagbunga ng tagumpay.
Marami sa mga bayaning Pilipino na nakalibing ngayon sa libingan ng mga bayani ay nagpapahiwatig lang  na ang Pilipino ay may matatag at matibay na kalooban sapagkat dahil sa dami nila na naging bayani sa bansa nangangahulugan rin lang na ang bansang Pilipinas ay likas na may Katatagang-Loob. Ito ay kailangan ngayon sa buhay ng tao katulad ng mga bayani na naging matatag at matibay sa laban ng kanilang buhay. Ang Katatagang-Loob ng mga bayani ay pang-kabutihan o ang pag-aalay ng sarili para sa kapakanan ng ibang tao dahil mahalaga rin sa mga Pilipino ang pakikipagtulungan sa kapwa na may kagandahang-loob. Ito ay tunay na matatawag rin na kabayanihan dahil sa pagiging mabuti at mapaglingkod niya sa iba.
Ang Katatagang-Loob ng mga bayaning Pilipino ay isang kadakilaan sapagkat ilan lamang sa mundong ito ang may ganitong kalooban.  Tunay na sila ay mga huwaran ng bansa na nararapat sundan ang mga yapak. Ang Katatagang-Loob na taglay nila ay may angking kahalagahan at dapat panatilihin ng mga Pilipino sa kanilang sarili bilang isang katangiang katutubo sa atin.
3)      Sa Panahon ng Digmaan at Pananakop
Ang pandaigdigang digmaan ay isa sa pinakamadugong karanasan ng mga Pilipino na kasulat na sa kasaysayan ng bansang Pilipinas at sa kaisipan ng mga Pilipino na siyang nagpapaalala sa pagharap ng bansa sa paghihirap at pagdurusa noon at hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang suluk ng mundo. Masalimuot na karanasan ang dinanas ng mga Pilipino noon at sa halip na mamuhay na ng mapayapa ay hindi nakamit ng mga Pilipino ito sapagkat mahina pa ang bansang Pilipinas sanhi ng sa pakikipagdigmaan ibig. Walang panlaban ang bansang Pilipinas sa mga malalaking bansang may mga armas. Ano ba ang laban ng mga itak at bolo ng mga Pilipino sa mga aramas na pandigma ng mga kalaban? Hindi pantay o patas ang labanan noon subalit ang mga Pilipino ay lumaban pa rin, kahit na sa kakulangan ng kanilang mga gamit pandigmaan o armas, ninais pa rin nila na lumaban at mapagtagumpayan ito. Ibang laban ang humamon ng kanilang kalooban noon at dito mauunawaan kung bakit ang Pilosopong si Karl Marx ay nagnais na magkaroon ng rebolusyon at magkaroon ng isang kumunistang pamahalaan sapagkat sa ganitong pamamaraan lang maaaring magkaroon ng pagkapantay-pantay sa lipunan, walang mababa o mahirap at walang mataas o mayaman. Sa hindi pagkapantay-pantay ng tao noong panahon ng digmaan at pananakop sa Pilipinas hindi rin pantay-pantay ang pagkakaroon ng karapatan sapagkat mas lamang pa rin ang may hawak sa kapangyarihan subalit hindi man nagkaroon ng pagkapantay-pantay dito makikita ang matiyagang pagsusumikap upang maging maligaya sa buhay sa kabila ng hindi pagkapantay-pantay sa lipunan. Ang hindi pagkakaunawaan ay siyang sanhi ng digmaan ay siya ring sumubok sa katatagan ng mga Pilipino. Ito ay bahagi lang ng pagsubok sa buhay ng isang tao at sa mga Pilipino noon, ang digmaan at pananakop na siyang nagkulong at nagpababa ng dignidad ng mga Pilipino ay siya ring dahilan ng pagiging matatag at matibay nila. Ang pagiging matatag at matibay ng tao ay nasusubukan sa ganitong pangyayari sa buhay dahil nais ng tao na may matatag na kalooban upang malabanan niya na ang mga pagsubok sa buhay. Nais din ng tao na mabuhay at mamatay nang mapayapa kaya’t sa panahon ng digmaan isa lang ang pinaglalaban ng mga Pilipino ang makamit ang kalayaan at mamuhay sa kapayapaan. Ang pag-uunawaan, pagkakaisa at katatagan ng mga Pilipino ay bumuo ng pwersang lumaban sa mga mananakop.
Sa digmaan ay walang hindi nasasawing buhay, sa bawat putok, buhay ang nagiging kapalit ngunit ang mga Pilipino ay naniniwala sa, “ang kamatayan ay siyang tunay na sukatan ng pagkapantay-pantay, walang mataas o mababa, mayaman o mahirap kapag kamatayan ang pinag-uusapan, sino’t ano ka man sa kabaong ka lamang”.[68]
B.     Ang Katatagang-Loob Ngayon
1)      Sa Paghihirap o Kahirapan
Sa panahon ngayon mas lalong dumarami ang mga pamilyang mahihirap at ito ang suliranin ng bansa na dapat pagtuunan ng pansin ng mga lider ng bansa. Ang suliraning ito ay kagyat na nangangahulugan ng  solusyon upang maiahon ang mga mahihirap na pamilya sa bansa. Maraming bagay ang pwedeng pagtuunan ng pansin dito hinggil sa pagiging matatag at matibay ng mga Pilipino. Ang kahirapan ng mga Pilipino ay nagtutulak sa kanila na magsumikap at maging matatag sa buhay sapagkat kung hindi sila magsusumikap mananatili silang mahirap ngunit kung siya ay may kasipagan at may katatagan sa pagharap sa mga hirap ng buhay, ang kahirapan ay hindi malabong mapagtagumpayanan niya. Ito ang dahilan na siyang napapatatag at nagpapatibay sa kalooban ng mga Pilipino na kahit “anung hirap ng buhay ay naniniwala pa rin siyang may pag-asang darating sa kanya”[69]iba ang Pilosopiya ng buhay ng mga Pilipino sapagkat ito ang kanilang kinagisnan. Noon pa man mahirap na ang bansa at ngayon patuloy at pilit pa rin siyang lumalaban upang malagpasan kahirapan. Ayon kay Timbreza:
Isa sa mga kawiling-wiling katangian ng Pilipino ay ang pagkamatiisin. Siya’y matiisin kahit na sa mga kamay ng mga mang-aapi at manlulupig. Kaya niyang pasanin ang anumang hirap at pasakit na idinudulot ng tadhana. Dala ito ng kanyang pagkamahinahon, pagsusumikap at pagtitiyagang nakatuon sa kanyang layunin sa buhay.[70]

“Ang konseptong pangkahirapan para sa mga Pilipino ay kaakibat ng kaginhawaan,”[71] ngunit papaano nila ito nagagawa. Hindi nakapagtataka na ang mga Pilipino ay matiyagang nagsusumikap sapagkat ang bawat pagsubok sa buhay ay tiyaga lang ang kailangan dahil “hindi maaaring pawang sarap at tuwa, tagumpay at ligaya ang laging tinatamasa ng tao,”[72]ang tao ay dapat dumaan rin sa anumang hirap ng buhay bago niya makamit at mapagtagumpayan ang mga layunin niya sa buhay. Ang paghihirap o kahirapan ngayon ay nangangailangan ng matatag at matibay na kalooban upang patuloy na lumaban sa hamon ng buhay na siyang sinasabi ng mga Ilokano “Awan ti rigat a di malasa’t” (walang hirap na di maliligtasan)”[73]
Hindi giginhawa ang tao kung hindi siya maghihirap. Ang buhay ng tao ay palaging hinuhubog ng mga magkakatambal na sangkap ng kalikasaan, gaya ng saklap at sarap, pait at tamis, init at lamig, lungkot at galak, atb. Dahil dito, kinakailangan ang maghirap upang mapagtanto ang tanging sarap at ginhawa ng karanasang-tao. Kailangan tikman ang pait upang malaman ang kahalagahan ng tamis. Kailangang maranasan din ang hapdi ng lungkot upang lalong matalos ang kasiyahang dulot ng ligaya’t galak. Angkop din dito ang kasabihang Tagalog, “ang taong nasanay uminom ng luha, sa sangmundong dusa’y hindi luluha”. Ibig sabihin, kung naging bahagi na ng iyong karanasan ang paghihirap, hindi ka na maninibago kung makararanas ka pa ng paghihirap sa hinaharap”.[74]

Ang kahirapan ay ang bunga o kagagawan ng mga taong gahaman sa kapangyarihan at kayamanan at ito ang sanhi ng kanilang pagmamalabis sa paggawa ng kasamaan sa kapwa at ito ang mga punlang kanilang itinanim na lumaki, ayon nga sa kasabihan “kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin”.
            Ayon sa kanta ni Leo Valdez: “Sa buhay ay may kalungkutan. At mayroon namang kaligayahan. Paglipas ng dilim sisikat ang araw, upang magsimula ang bagong buhay.” Sa pagkat “Sa daigdig ang buhay ay ganyan. Mayroong ligaya at lumbay. May ngayon at may nakaraan. May nakaraan at may kinabukasan”.[75]Ang paghihirap ay kapalit ng kaligayahan kaya’t ang taong may matatag at matibay na kalooban na harapin ang mga kahirapan sa buhay ay makakakamit ng kaligayahang naghihintay.


2)      Sa Pag-aaral
Isa sa binibigyang halaga ngayon sa buhay ng mga Pilipino ay ang makapag-aral upang masolusyonan “ang kahirapan” na siyang sinasabi ni Sec. Jesli Lapus, “Edukasyon ang Solusyon” sapagkat sa panahon ngayon, kinakailangan na makapag-aral upang makakuha ng trabahong makaaanggat sa buhay ng mga Pilipino. Maraming paaralan n ang Pilipinas ngunit mas marami pa rin ang hindi nakapag-aaral. Ang DEMAND ng mga Paaralan ngayon sa Pilipinas ay napakataas na pilit na ipinasusunod sa mga estudyante dahil may pamantayan itong gustong pantayan kaya’t ang mga estudyanting hindi kaya ang mga DEMAND nila ay todo kayod at doble ang trabahong ginagawa upang makapag-aral. Ito ang hamon sa mga mag-aaral sa Pilipinas ngayon ngunit higit naman na lumalaban ang mga ito kahit pa sa dami ng mga kakailanganin sa pag-aaral, kailangan nila ng malakas na kalooban lalong-lalo na sa pag-aaral sapagkat ito ang tagumpay na hindi makukuha ng iba sa kanya ang makapagtapos sa pag-aaral.
Ang karanasan ng mga Pilipino sa pag-aaral ay nagbibigay sa kanila ng kaalaman at siyang nagbibigay kaliwanagan sa mga nangyayari sa kanilang buhay sa pagkat ang tao ay mahuhubaran lang ng kanyang pagkawalang-malay sa mga pangyayari kung maaabot niya ang kaliwanagan sa pag-aaral kaya’t kinakailangan din ng tao ang mag-aaral dahil hindi lahat ng bagaay ay kanyang nalalaman, kailangan niyang makapag-aral upang malaman ang kanyang kahusayan at sa kadahilanang ito kaya’t ang mga Pilipino ay nagsusumikap ng mag-aral upang maarok ang sulosyon ng kanyang buhay, ang pagnanais na maabot ang pangarap at sa pagnanais na ito dito nagiging matatag at matibay ang mga Pilipino upang maabot niya ang kanyang gusto.
Ang mga pagsubok ng mga mag-aaral ay ang nagpapalago ng kanilang kaalaman at pagpapahalaga sa pag-aaral dito makikita na ang taong may pagmamahal sa kanyang ginagawa, kung ito ay nagsisikap upang makamit ang ninanais at dahil din dito makikita ang taong may pagpapahalaga sa pag-aaral kung ito ay may matatag at matibay na kalooban sapagkat pinapahalagahan nito ang kanyang gingawa kung nananatili siyang matatag at matibay sa kabila ng maraaming DEMAND sa pagaaral dahil ito ay ang daan tungo sa tagumpay sa buhay kinakailangang maghirap upang matikman ang ginhawa.
3)      Sa Trabaho o Pamumuhay
Sa araw-araw na pakikibaka ng mga Pilipino sa buong araw nito ay ginugugugol niya sa kaniyang trabaho o pamumuhay kinakailangang magtrabaho araw-araw upang kumita. Ang pamumuhay o trabaho ng mga Pilipino ay parang “PALITAW” lumobog at lumilitaw, ibig sabihin walang permaninting trabaho o pamumuhay ang mga ito, kung minsan ay wala at minsan meron at isa sa halimbawa dito ay ang mga nasa tinatawag na “Contractualization” na mga trabahador, ito ay ang mga trabahador na hindi permanite ang trabaho, hindi regular ang trabaho, kumikita lang ng sapat at walang sapat na benepisyong nakukuha. At ang iba sa mga Pilipino ay ganitong uri ng pamumuhay o trabaho ang kinukuha sapagkat kinakailangan maghanap-buhay upang umunlad sa buhay at dito makikita na ang Pilipino ay may pagpapahalaga sa paggawa, “pinapahalagahn ng Pilipino ang paggawa”.[76]
Siya’y naniniwala na dito naakasalalay ang kanyang kaunlaran at kaligayahan. Halimbawa, sinasabi ng mga Ilokano, “Ti tao a di mabain a mangged, biagna ti nakired”. (Ang taong di nahihiyang maghanapbuhay ay gagaling ang buhay.) Na siyang sinasang-ayunan din ng mga Ilonggo, “Ang tao nga nagapangabudlay, maka-agum gid sang kalipay”. (Ang taong naghahanapuhay ay siyang makakaatamo ng ligaya.) Gayundin sa mga Boholano,  “ang mag cogue, maca aqui”. (Ang magtrabaho ay siyang makatatamo ng ligya.) Maliwanag na ang paggawa paras a Pilipino ay siyang paraan upang makamit ng tao ang kanyang mithiin sa buhay. Tulad nga ng kasabihang Tagalog, “Ang ligaya’y bulaklak ng pagtitiis.[77]

Kaya’t kahit anumang uri ng trabaho, ang mga Pilipino ay matiyagang kumakayod araw-araw upang kumita, dahil “naniniwal ang Pilipino na sa pamamagitan ng paggawa lamang maisasakatuparan ang layunin sa buhay.”[78]
Para sa mga Pilipino ang paggawa ay may malaking kinalaman sa ikabubuti ng tao. Iniuugnay niya ito sa sariling kaunlaran, kahusayan ng buhay, kaligayan at tagumpay. Nakakalamang ang taong masipag at marunong gumawa. Pinahahalagahan niya ang kaagapan, tiyaga, kasiapagan, at katatagang-loob. Binibigyang-diin niya ang gawa.[79]

Ang pagunlad sa buhay ay dahil sa pagsusumikap ng tao sa kanyang sarili at ito ay ang katangian ng Katatagang-Loob sa kanya na taglay niya upang umunlad sapagkat ito’y nangangahulugan na kahit saang lugar ka mapunta ay kayang harapin ang mga pagsubok na nakapalibot sa kanya. Ito ang kailangan ng tao ngayon ang maging matatag at matibay sa lahat ng oras upang handang harapin ang lahat ng pasanin sa buhay. Ang trabaho o pamumuhay kaakibat lamang sa buhay sapagkat kung hindi ka mamumuhay ay hindi ka mabubuhay, nagsisimula ang lahat sa maliit habang pinatatatag ito pinatitibay upang lumaki, katulad ng puno habang lumalaki ay lumalago ito.
K.  Paglalagom
Ang pag-aaral ng Katatagang-Loob sa pilosopiyang Pilipino ng pagiging matatag at matibay ng tagapananaliksik ay isang paglalahad pagunawa pagsusuri panaliksik ang kabuuang pagkakaroon ng pamamaraan ng pag-aaral sa unang kabanata and tagapanaliksik ay naglahad ng mga suliranin sa pag-aaral na ito ang pagbuo ng buong daloy ng pag-aaral na ito.
Sa pangalawang kabanata naman ay inilahad ng tagapanaliksik ang kanyang ginamit na Pilosopo sa pag-aaral na ito at pati na rin ang kanyang konsepto na pinaliwanag ng tagapanaliksik ang Katatagang-Loob gamit ang semantikong pananaliksik nang maintindihan ang kabuoang kahulugan nito at sa pamamagitan nito ay makakabuo ng kahulugan ng Katatagang-Loob.
Ang ikatlong kanabanata naman ay ang pag-aanalisa ng tagapanaliksik sa paksang ginamit at paglalahad ng mga suliranin upang mabigyang diin kung ano ang pinag-aaralan sa paksang ito na siyang pag-unawa sa Pilosopiyang Pilipino ng pagiging matatag at matibay ito ay ang pag-unawa sa iba’t ibang kontexto ng pag-aaral.
Ang ika apat na kabanata ay isang dag-dag na pag-aanalisa na sinang-ayunan ng tagapanaliksik sa Katatagang-Loob bilang isang katangian ng mga Pilipino, aang nilalaman nito ay ang mismong karanasan na nangyayari sa Pilipinas na siyang masasabi na ang katangiang Katatagang-Loob ay angkin ng mga Pilipino sa oras ng unos, sa pananalangin at pagsubok.
Sa ika limang kabanata na siyang pag-aaral ayon sa pagbubuklod ng konsepto ng kanyang Pilosopo at ang kanyang na unawaan sa paksang ito. Ito ay ang pag-aaral ng tagapanaliksik sa kanyang pagkaintindi ukol sa pinag-aaralang paksa.
Isinasaad ng konsepto ng Katatagang-Loob na sa lahat na nangyayaring paghihirap, pagsubok na nararanasan ng mga Pilipino ay pagiging matatag at matibay ang kailangan. Umano ang mga pagsubok, paghihirap at iba pa ay kaakibat ng buhay ng tao kaya’t hindi maiiwasan ang mga ito sapagkat ito ang nakapalibot sa buhay ng tao sa kanyang mundong ginagalawan. Sinasabi ni Tiangco anumang pangyayari sa buhay ay may kakayahan ang lahat na bumangon uli at magsimula ng panibago at ito ang Pilosopiya ng pagiging matatag at matibay ang kakayahang makabalik sa normal. Ang pagiging matatag at matibay ay kaugnay ng tiyaga sapagkat dito nakikita ang pagiging matatag at matibay ng mga Pilipino sa pagsusumikap niya sa araw-araw na pakikibaka sa pagharap ng mga pagsubok sa buhay at ito ang katangian nila na dapat panatilihin sa panahon ngayon.

D.  Konklusyon
“Kapag ang isang tao ay nag kamit ng katatagang loob at katapangan, mundo man ay kaya niyang harapin at hawakan”
-Joselito Espino

Ang Katatagan ng kalooban ay ang kailangan ng mga Pilipino ngayon, na makakatulong sa kanila. Ang mga Pilipino ay may katangian ng pagiging matatag at matibay at ito ay nananalaytay sa kanila. “Ang pinakamasakit na karanasan ng tao ngayon ay ang pagkabigo” [80]ngunit ito ang nagpapalago ng pagkatao at dito nakikita ang pagiging matatag at matibay nito sa pagharap ng mga pagsubok at pagkabigo niya. Ang katangian ng Pilipino ang katatagang-Loob ay makakaambag sa bawat Pilipino kung ito ay kanilang papalaguin sa pagharap sa mga hamon sa buhay. Nakita ng tagapanaliksik sa kanyang pagsusuri at pagunawa sa mga karanasan ng mga Pilipino na ganito talaga ang buhay laging merong kasalungkat na matatawag dahil kung may hirap may sarap, pag may lungkot may ligaya at iba pa, laging may kaakibat ito na kailangan harapin kung ang ligaya ay may kadahilanan at pinanggalingan ganun din ang kalungkutan na nararanasan na ssiyang
Sa pamamaraan ng semantikong pag-analisa sa salitang Katatagang-Loob ay nakita natin ang kahulugan nito, ang mga terminong ginamit sa pagunawa ng salitang katatagang-Loob sa pamamagitan ng pagunawa sa salitang Katatagan at Loob at dito nabigyang linaw ang kahulugan ng Katatagang-Loob at Lakas ng Loob na sinasabi ni Tiangco na dapat hindi natin tingnan ito bilang katumbas na kahulugan at ito ay nangangahulugan sa iba’t ibang paggamit ng salita. Ang Katatagan na siyang katangian ng isang Pilipino isang katutubong kultura na namana ng isang Pilipino kaya’t nananalaytay ito sa bawat isa bilang isang Pilipino na may Katatagan. Ang Loob na siyang Pinag-aaralan sa iba’t ibang kontexto ay may iba’t ibang kahulugan sa pagkat hindi ito mabibigyang kahulugan kung hindi ito gagamitin sa mga tayutay (Figure of Speech). Sa makatwid sa paggamit natin ng Semantikong pananaliksik ay nabigyang kahulugan ang katatagang-loob sa tiyak at kontexto ng pinag-aaralan sa paksang ito.
Ang Resilience[81] na siyang nilapat sa wikang talagalog na Pagiging Matatag at Matibay na ginamit sa iba’t ibang kontexto sa pagaaral na ito sapagkat ito ay nangangahulugan ng kakayahang pagbangon sa anumang mga hirap at pagsubok at ito ay nangangahulugan ng pagiging matatag at matibay at ito ay nakita natin ang iba’t ibang gamit ng Pilosopiyang ito sa mga karanasan ng mga Pilipino, samakatwid, ang Pilosopiya ng Pilipino ay ang mga karanasan ng bawat isa na siyang nagbibigay sa kanila ng iba’t ibang pananaw sa mga nangyayari sa daigdig dahil ang Pilosopiya ay nagsisimula sa karanasan na humuhugis sa kanilang kaisipan.
“Sa modernong panahon hindi na natin kailangan ng karahasan”[82] upang labanan ang kahirapan at paghihirap sa halip ay katatagan ang ating kailangan, tayo ay sumusunod na sa pagbabago ng mundo at sa pagbabagong ito mas lalong umaangat ang kaisipan ng bawat tao dahilan rin ng pangaagat ng iba’t ibang mga pagbabago na ating nakikita sa ating paligid ngayon. Lahat ng ito ay gawa ng tao, lahat ng mga pangyayari sa mundo ay may kinalaman ang tao ngunit hindi lahat ng mga ito ay kayang sulosyonan ng tao may mga bagay na hindi hawak at kayang kontrolin nito kaya’t sa pag-aaral na ito hinihimok ang lahat na sa bawat pagbabago sa mundo ang sarili ay dapat na baguhin rin na makakatulong sa iba sa maayos na paraan. Ang Pilipino ay patuloy sa papupunyagi na umasinso ngunit ang mga pagsubok ay hindi nawawala sa pangarap na pangaangat nito kaakibat palagi ang hirap sa sarap subalit kung lahat ay magsisikap walang imposible dito. Ang mga Pilipino sa mga panahon na humaharap sa mga pagsubok katatagang-loob ang kailangan, samakatwid ito ang kailangan ng lahat upang mapagtagumayan ang mga pagsubok na nakapalibot sa ating buhay.




BIBLIOGRAPHY
Primary Sources:
Tiangco, Joseph Anthony Narciso Z., “Convergence Bteween Filipino Philosophy
and Taoism on the Value of Reselience: Katatagang-Loob ang the way of the Tao”
Tiangco, Joseph Anthony Narciso Z., edited, by Gripaldo, Rolando M., “Pilipino
Cultural Traits” Understanding the Filipino Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob and its Phenomenological Considerations, 2005.
Secondary Sources:
Andres, Tomas D., “Understanding Values”, New day Publisher, 1980
Andres, Tomas Quintin D. at Ilad-Andres, Pilar Corazon B., “Making Filipino
Values work for you”, St. Paul Publication, 1986.
De Mesa, Jose M., In Solidarity with the Culture (Quezon City: Maryhill School
of Theology, 1987)
Gorospe, Vitaliano R., Jr. S.J., “Filipino Search for Meaning”, (Manila: Jesuit
Educational Association, 1974)
Mercado, Leonardo N., “Filipino Thought”, Logos Publication, 2000.
Mercado, Leonardo N., “Filipino Thought”, Philippine studies, 1972.
Mercado, Leonardo N., “Legal Philosophy: Western, Eastern, and Filipino”,
Divine Word University Publication, 1984.
Miranda, Dionisio M., “Loob the Filipino within”, Divine word Publicatios,
Manila, 1989.
Tiangco, J.A.N, “The way of Psychology: Nothingss and relatednessin the
intellectual history of psychology, Central books: Philippines, 2008.
Tiangco, J.A.N, “Sunyata, postmodern self, and the great satori. International
reading on thery, History and Philosophy of Culture, St. Petersberg, Russia, 2006.
Tiangco, J.A.N., “Intellectual schism in Philippines psychology are schisms of the
self: Meditations from an East – West comparative”, Asian Journal of Social Science, 33 (2), 295-318, 2005.
Tiangco, J.A.N., Using contemporary psychological perspective in re
understanding Taiwanese EFL development: Observations and implications fpr tertiary education”, Asian EFL Journal, 7 (1)-38, 2005.
Tiangco, J.A.N., and Ko, N.H., “Students’ phenomenological experiences of
triumph: Narrative of perseverance and its implications to project-based learning, Paper presented in the International Conference on Life Stories, Narrative and cultural diversity, May 22-23, in Kaohsiung, Taiwan: Shu-Te University, 2008.
Tiangco, J.A.N.,“Śūnyatā and Postmodern Ambiguity as Philosophies of
Spirituality: Implications to Education, Multi-Faith Dialogue, and Developing a Culture of Peace”, Paper presented in the Interfaith Dialogue Conference on April 8-9, 2006 inWinchester, UK: Winchester University, 2006.
Tiangco, J.A.N., “The postmodern condition and mental health: Issues and
challenges” Lecture sponsored by the Philippine National Philosophical Society (PNPRS), 2005.
Timbreza, Florentino T., “Pilosopiyang Pilipino”, Rex printing Company Manila
Phil., 1982.
­­­­­­­­­_____________________“Filipino Values Today”, Natioanl Books Store, 2003.
_____________________“Quest for Meaning: Philosophy made easy for
Filipinos”, New day Publishers, 2000.
Quito, Emerita S. at Abulad, Rumualdo E., “Ang Pilosopiya ng Tao”, Pheonix
Publishing, 1980.
Journal and Articles:
Anarson, Gardar, “The Concept of Resilience: A Functional Account”, Up Manila
Journal, 2009.
Carlos, Ramona, Enfield, Richard P., Youth Development focus “Resiliency and
Assets:Understanding the Ecology of Youth Development”, (a monograph of the 4-h center for youth development university of california, davis)
Dante Barcelona, Alvin S. de Guzman at Emiliano Q. Ibera mga mag-aaral ng
Inter-Congregational Theologicaal Center (ICTC), “Tiis, Tiyaga”, 2006.
Dy, Manuel B., “Paghahanap sa Weltanschaung ng Pilipino”, sa Ang
Pandaigdigang Pananaw ng mga Pilipino (Lungsod ng Quezon: Institute for Southeast Asian Studies, Singapore, 1978)
Magno, Carlo, Ed. Capeding, Leo J.,“Philippine Journal of Counseling
Psychology” (An annual Journal of the Philippine Association fo Councelor education, Research and Supervision (PACERS), 2008.
Quito, Emireta S., “The cases of Filipino Philosophy,” sa kanyang Lecture on
Comparative Philosophy, Occasional Paper No. 7 (Manila De La Salle University, 1979).
Scott, Elder Richard G., “Ang Nagpapabagong Kapangyarihan ng
Pananampalataya at Pagkatao”
Katatagan ng Kalooban ay isang proyekto sa edukasyon sa pagpapahalaga IV,
modyul blg. 12. Sa pamunuan ng Bureau of Secondary Education, department of education.
Internet Sources:
Katatagan ng Loob.,Internet (August 18, 2012)
http://bucaio.blogspot.com/2011/10/katatagan-ng-loob.html.
Lawrence, Larry R.,Internet (August 12,2012)“Katatagan ng Loob ng Magulang”
https://www.lds.org/conference/talk/display/0,5232,23-8-1305-30,00.html
http://www.pedrocalungsod.net/life-of-a-martyr.html (January 29, 2013)
http://www.experientialist-philosophy-lakoff-and-johnson-1992(January29, 2013)
http://phg.sagepub.com/content/24/3/347 (January 29, 2013)
http://www.ecologyandsociety.org/vol1/iss1/art7/ (January 29, 2013)
http://www. Ecological_resilience_20100108_234511 (January 30, 2013)
www.centerforpos.org (January 30, 2012)
www. ncbi.nlm. nih. gov/pmc/Limits/ (August 16, 2012)


[1] Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, isinalin ni Rolando M. Gripaldo, “Filipino Cultural Traits” Understanding the Filipino Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob and its Phenomenological Considerations, 2005, Chapter III.
[2] Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, isinalin ni Rolando M. Gripaldo, “Filipino Cultural Traits” Understanding the Filipino Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob and its Phenomenological Considerations, 2005, Chapter III
[3]Tingnan ang sulat ni Gardon Anarson, “The Concept of Resiliency: A Functional Account”, University of Philippines Manila, 2009, p. 112.
[4] Tingnan ang isinulat ni Florentino T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino, Rex Book Store, 1982, Pg. 17
[5] Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, isinalin ni Rolando M. Gripaldo, “Filipino Cultural Traits” Understanding the Filipino Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob and its Phenomenological Considerations, 2005, Chapter III

[6] Ang imormasyon tungkol sa kanyang buhay ay nakuha ng tagapananaliksik sa pagtatanong niya kay Joseph Anthony Narciso Z. Tiangco, ito ay mismong galing sa kanya.
[7] Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, isinalin ni Rolando M. Gripaldo, “Filipino Cultural Traits” Understanding the Filipino Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob and its Phenomenological Considerations, 2005, Chapter III.
[8] Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, isinalin ni Rolando M. Gripaldo, “Filipino Cultural Traits” Understanding the Filipino Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob and its Phenomenological Considerations, 2005, Chapter III.
[9] De mesa, Jose M., In Solidarity with the Culture (Quezon City: Maryhill School of Theology, 1987), pg. 57
[10] Jose M. De mesa, In Solidarity with the Culture (Quezon City: Maryhill School of Theology, 1987), pg. 57
[11] Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, isinalin ni Rolando M. Gripaldo, “Filipino Cultural Traits” Understanding the Filipino Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob and its Phenomenological Considerations, 2005, Chapter III.
[12] Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, isinalin ni Rolando M. Gripaldo, “Filipino Cultural Traits” Understanding the Filipino Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob and its Phenomenological Considerations, 2005, Chapter III.
[13] Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, “Convergence Between Filipino Philosophy and Taoism On the Value of Resilience: Katatagang-Loob ang the way of the Tao” pg 19.
[14] Tingnan ang isinulat ni Florentino T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino,  Rex Book Store, 1982, Pg. 45
[15] Tingnan ang isinulat ni Florentino T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino,  Rex Book Store, 1982, Pg. 42
[16] Tingnan ang sulat ni Gardon Anarson, “The Concept of Resiliency: A Functional Account”, University of Philippines Manila, 2009, p. 106.
[17] Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, “Convergence Between Filipino Philosophy and Taoism On the Value of Resilience: Katatagang-Loob ang the way of the Tao” pg 19.
[18] Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, “Convergence Between Filipino Philosophy and Taoism On the Value of Resilience: Katatagang-Loob ang the way of the Tao” pg 19.
[19] Tingnan ang sulat ni Gardon Anarson, “The Concept of Resiliency: A Functional Account”, University of Philippines Manila, 2009, p. 106.
[20] www. ncbi.nlm. nih. gov/pmc/Limits/ (August 16, 2012)
[21] Tingnan ang sulat ni Gardon Anarson, “The Concept of Resiliency: A Functional Account”, University of Philippines Manila, 2009, p. 106.

[22] Tingnan ang sulat ni Gardon Anarson, “The Concept of Resiliency: A Functional Account”, University of Philippines Manila, 2009, p. 112.
[23] (http://bucaio.blogspot.com/2011/10/katatagan-ng-loob.html. (August 18, 2012)
[24] Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, “Convergence Between Filipino Philosophy and Taoism On the Value of Resilience: Katatagang-Loob ang the way of the Tao” pg. 25
[25] Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, “Convergence Between Filipino Philosophy and Taoism On the Value of Resilience: Katatagang-Loob ang the way of the Tao” pg 25
[26] http://phg.sagepub.com/content/24/3/347 (January 29, 2013)
[27] Tingnan ang sulat ni Gardon Anarson, “The Concept of Resiliency: A Functional Account”, University of Philippines Manila, 2009, p. 106.
[28] http://www.ecologyandsociety.org/vol1/iss1/art7/  (January 29, 2013)
[29] http://www. Ecological_resilience_20100108_234511 (January 30, 2013)
[30] Tingnan ang sulat ni Gardon Anarson, “The Concept of Resiliency: A Functional Account”, University of Philippines Manila, 2009, p. 107.
[31] http://www. Ecological_resilience_20100108_234511 (January 30, 2013)
[32] http://phg.sagepub.com/content/24/3/347 (January 29, 2013)
[33] Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, isinalin ni Rolando M. Gripaldo, “Filipino Cultural Traits” Understanding the Filipino Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob and its Phenomenological Considerations, 2005, Chapter III.
[34] Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, isinalin ni Rolando M. Gripaldo, “Filipino Cultural Traits” Understanding the Filipino Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob and its Phenomenological Considerations, 2005, Chapter III.
[35] www.centerforpos.org (January 30, 2012)
[36] Carlo Magno, Ed. Leo J.Capeding,“Philippine Journal of Counseling Psychology” (An annual Journal of the Philippine Association fo Councelor education, Research and Supervision (PACERS), 2008, pg. 2
[37] Tingnan ang sulat nina Emerita S. Quito, at Rumualdo E. Abulad, “Ang Pilosopiya ng Tao”, Pheonix Publishing, 1980, Pg. 1.
[38] http://hum.sagepub.com/content/62/9/1289 (January 29, 2013)
[39] http://hum.sagepub.com/content/62/9/1289 (January 29, 2013)
[40] Ramona Carlos, Richard P. Enfield, Youth Development focus “Resiliency and Assets:Understanding the Ecology of Youth Development”, (a monograph of the 4-h center for youth development university of california, davis)
[41] Carlo Magno, Ed. Leo J. Capeding,“Philippine Journal of Counseling Psychology” (An annual Journal of the Philippine Association fo Councelor education, Research and Supervision (PACERS), 2008, pg. 5-6
[42] Tingnan ang sulat nina Tomas Quintin D. Andres, at Pilar Corazon B. Ilad-Andres, “Making Filipino Values work for you”, St. Paul Publication, 1986, pg. 38-39
[43] Tingnan ang sulat nina Tomas Quintin D. Andres, at Pilar Corazon B. Ilad-Andres, “Making Filipino Values work for you”, St. Paul Publication, 1986, pg. 39
[44] Tingnan ang sulat nina Tomas Quintin D. Andres, at Pilar Corazon B. Ilad-Andres, , “Making Filipino Values work for you”, St. Paul Publication, 1986, pg. 38-39
[45] Tingnan ang sulat ni Leonardo N. Mercado, “Filipino Thought” , Philippine Studies, 1972, p.25
[46] Tingnan ang sulat ni Leonardo N. Mercado, “Filipino Thought” , Philippine Studies, 1972, p.257
[47] Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, “Convergence Between Filipino Philosophy and Taoism On the Value of Resilience: Katatagang-Loob ang the way of the Tao” pg. 25
[48] Carlo Magno, , Ed. Leo J. Capeding,“Philippine Journal of Counseling Psychology” (An annual Journal of the Philippine Association fo Councelor education, Research and Supervision (PACERS), 2008, pg. 9
[49] From the Philippine daily Inquirer, Copyright 2012
[50] (http://bucaio.blogspot.com/2011/10/katatagan-ng-loob.html). (August 18, 2012)
[51] (http://bucaio.blogspot.com/2011/10/katatagan-ng-loob.html) (August 18, 2013)
[52] Tingnan ang pananaliksik nina Dante Barcelona, Alvin S. de Guzman at Emiliano Q. Ibera mga mag-aaral ng Inter-Congregational Theologicaal Center (ICTC), “Tiis, Tiyaga”, 2006.
[53] Tingnan ang isinulat ni Elder Richard G. Scott, “Ang Nagpapabagong Kapangyarihan ng Pananampalataya at Pagkatao”
[54] Tingnan ang isinulat ni Elder Richard G. Scott, “Ang Nagpapabagong Kapangyarihan ng Pananampalataya at Pagkatao”
[55] Tingnan ang isinulat ni Florentino T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino,  Rex Book Store, 1982, Pg. 125-129
[56] Tingnan ang sulat nina Tomas Quintin D. Andres, at Pilar Corazon B. Ilad-Andres, , “Making Filipino Values work for you”, St. Paul Publication, 1986, pg. 29
[57] From the Philippine Daily Inquirer Copyright 2012
[58]Leonardo N. Mercado, , “Legal Philosophy: Western, Eastern, and Filipino”, Divine Word University Publication, 1984, Pg. 103
[59] Sa Penominolohiyang pag-aaral ay nagsisimula sa tinatawag na epoche o bracketing. Ibig sabihin nito ay ang paghuhubad ng mga dala-dalang presupposition ng isang nakikiramdam sa penomena. Ang paghuhubad ng mga dala-dalang presupposition ay hindi nangangahulugan na buong-buo at walang natitirang presupposition sa tumingin ng penomena. Nagtataglay ka pa rin ng tinatawag na basic presupposition.[59]
[60] Experiential, derived from, based on, or relating to experienced: Epirical.
[61] Tingnan ang isinulat ni Florentino T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino,  Rex Book Store, 1982, Pg. 2
60a “Philosophy is critical reflection on human life and experience to discover its total human meaning and possibilities and thus be in the service of total human growth,” “…the starting point of philosophical refelction is always experience and consequently its method must necessarily be experiential.” Tunghayan si Fr. Vitaliano R. Gorospe, Jr., S.J., “Filipino Search for Meaning”, (Manila: Jesuit Educational Association, 1974), pp. 22-23
[62] Cf. Dr. Manuel B. Dy, , “Paghahanap sa Weltanschaung ng Pilipino”, sa Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pilipino (Lungsod ng Quezon: Institute for Southeast Asian Studies, Singapore, 1978), pp. 11-12
61a There is no Filipino philosophy in nationalistic sense, for philosophy’s content must be universal; it must transcend mere ethnic or geographical boundaries.” Cf. Emireta S. Quito, “The cases of Filipino Philosophy,” sa kanyang Lecture on Comparative Philosophy, Occasional Paper No. 7 (Manila De La Salle University, 1979), p. 23
[63] http://www.experientialist-philosophy-lakoff-and-johnson-1992 (January 29, 2013)
[64]Joseph Anthony Narciso Z. Tiangco, , “Sunyat, Postmodern Self and the Great Satori” International Readings on Theory, History and Philosophy of Culture. St. Petersberg, Russia. (2006)
[65] The concept of Bahala na is not pure fatalism because the expression connotes various things. For example, ‘ikaw na ang bahala niya’ (Take responsibility for that thing), ‘bahala na na kami’ (we shall take care of ourselves). Or when a filipino is cought in a tight situation, he courageously fight back saying, ‘bahala na!’ Hence one meaning of ‘Bahala na’ is courage, the daring spirit to take risk, or hope. Tingnan ang sulat ni Leonardo N. Mercado, “Filipino Thought”, Philippine studies, 1972, p. 267 related to this “Bahala na positively can mean encouragement, confidence
in oneself, co-responsibility, creativity, when it harnesses the reservoir of psychic energy, when it is optimistic.” Leonardo N. Mercado, “Filipino Thought”, Logos Publication, 200, p. 96
[66] http://www.pedrocalungsod.net/life-of-a-martyr.html (January 29, 2013)
[67] Bayani, the English word comes from the Greek Hereos which probably means to protect (sevare in Latin). The Hero is a person who is often a warrior endowed with great strength. A hero is also a person who is admired for his achievement and noble qualities. A heroic person is one who does a deed beyond the call of the ordinary. So one also speaks of heroic sanctity, heroic bravery. Tingnan ang sulat nito ni Leonardo N. Mercado, “Filipino Thought”, Logos Publication, 2000, p. 83
[68] Tingnan ang isinulat ni Florentino T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino,  Rex Book Store, 1982,
Pg. 11
[69]Tingnan ang isinulat ni Florentino T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino,  Rex Book Store, 1982,
Pg. 49
[70] Tingnan ang isinulat ni Florentino T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino,  Rex Book Store, 1982, Pg. 49
[71] Tingnan ang isinulat ni Florentino T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino,  Rex Book Store, 1982, Pg. 49
[72] Tingnan ang isinulat ni Florentino T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino,  Rex Book Store, 1982, Pg. 50
[73] Tingnan ang isinulat ni Florentino T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino,  Rex Book Store, 1982,
Pg. 50
[74]Tingnan ang isinulat ni Florentino T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino,  Rex Book Store, 1982,  Pg. 51
[75] Tingnan ang isinulat ni Florentino T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino,  Rex Book Store, 1982, Pg. 17
[76]Tingnan ang isinulat ni Florentino T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino,  Rex Book Store, 1982,
Pg. 39
[77]Tingnan ang isinulat ni Florentino T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino,  Rex Book Store, 1982,
Pg. 39
[78]Tingnan ang isinulat ni Florentino T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino,  Rex Book Store, 1982,
Pg. 40
[79]Tingnan ang isinulat ni Florentino T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino,  Rex Book Store, 1982,
Pg. 42
[80] Tomas D. Andres, “Understanding Values”, New day Publisher, 1980, Pg. 17
[81]The Filipino philosophy of resiliency – katatagang-loob – is excercised as an act of harmonizing with an invariable nature.” Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, isinalin ni Rolando M. Gripaldo, “Pilipino Cultural Traits” Understanding the Filipino Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob and its Phenomenological Considerations, 2005, Chapter III.
[82] Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, “Convergence Between Filipino Philosophy and Taoism On the Value of Resilience: Katatagang-Loob ang the way of the Tao” pg. 33