UNANG KABANATA
PANIMULA
1) Pinanggalingan ng Pag-aaral
Ang buhay ng tao ay kaakibat ng mga pangyayari at
karanasang nagbibigay-kulay at kabuluhan sa kanya. Ang mga karanasang ito,
mabuti man o masama ay maaring nagpatibay o nagpahina sa kanya. Ayon sa ibang
pagkakuro ang mga ito ay pagsubok lamang. Ang bawat pagsubok na ito ay hamon sa
ating katatagan. Ang mga Pilipino ay may lahing matatag at magiting. Sa simula
pa lamang, ito na ang pagtingin ni Dr. Jose Rizal sa kanyang sariling
pinanggalingan kaya nga naihambing niya ang pagiging matatag ng Pilipino sa tulay
ng barkas, sa Binundok (N.M.T., Kabanata 8) na sa kabila ng maraming bagyo at
unos ay nakatayo at nagagamit pa rin, guyundin, sagana ang Pilipino sa
kasabihang “kung may hirap may ginhawa” at pag may tiyaga may nilaga” na naging
gabay niya sa kanyang pakikitalad sa mundo. Ang mga pagsubok na dumarating kung
minsan ay nagiging dahilan ng pagkahina ng loob ngunit ayon sa isang kasabihan
“hindi mahalaga kung ilang beses kang nadapa, ang mahalaga bumangon ka uli sa
iyong pagkadapa” (“it doesn’t matter how
many times you fall, what matter is that you rise again every time you fall”).
[1]Ang mga
Pilipino ay hindi nalalayo sa usaping ito dahil ang Pilipinas at ang mga
Pilipino ay patuloy na humaharap sa hindi mapagtagumpayang mga problema nito. “Ngunit
sa kabila ng lahat ang mga Pilipino ay itinuturing pa ring pinakamasayahing tao
sa buong mundo, mas pinipili ng Pilipino ang maging masayahin kahit nasa gitna
siya ng kahirapan”.[2]Kaya ng
Pilipino na panatilihin ang kanyang pagtitimpi at pagtititis sa kabila ng
kasawian at kaya pa rin niyang tumayo at humarap sa mga pagsubok. Ang Pilipino
madalas ay inihahalintulad o inihahambing sa puno ng kawayan sapagkat yumuyuko
at umaayon siya sa bugso ng hangin. Di sumasalungat kundi nagpupugay, upang di
mabakli ang sariling tangkay, ibig sabihin nito, ang tao ay kayang humarap sa
mga pagsubok na hindi nasasaktan, kayang bumangon na hindi lumalaban.
Ang isa pa sa mga
maipagmamalaking katangian ng Pilipino ay ang pagkakaroon niya ng
Katatagang-Loob. Sa pag-aaral ni Joseph Anthony Narciso Z. Tiangco sa kanyang
isinulat na “Understanding the Filipino
Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob and its phenomenological
consideration, mababatid dito na ang Pilipino, sa lahat ng mga pagsubok na
nararanasan niya ay kayang humarap sa mga hirap at sakit anupat siya’y
magbabangon at muling magsisimula. Makikita ito sa isang taong may gustong
abutin ang ninanais o pangarap, dahil sa pagnanais o pangarap ay nagkakaroon ng
pagtitiyaga sa nais abutin kahit ano pa man ang mangyari, kayang magsakripisyo,
kayang mag-alay ng sarili, at ialay ang lahat matupad lang ang ninanais dahil
hindi giginhawa ang isang tao kung hindi siya magtitiis at magsisikap.
Napapaloob dito ang katangian ng Pilipino ang Katatagang-loob at umaakto sa
Pilosopiya ng pagiging matatag at matibay. [3]Ang
pagiging matatag at matibay o Resilience ay
mula sa salitang Latin resilientia (from
the verb Resilire, to spring Back), ibig sabihin ang Pilipino sa bawat
pagsubok na kanyang nararanasan ay hindi tumitigil sa laban, madaling makaahon
sa mga pagsubok, ang magandang halimbawa dito ay ang mga Pilipinong OFW,
(Overseas Filipino worker) may iba man na nakakukuha ng mga magagandang
trabaho, mayroon ding mga Pilipino na nakakukuha nga ng trabaho ngunit mga
pagsubok muna ang pinagdaanan. Mahirap ang mamuhay sa ibang bansa at
makipagsapalaran ngunit kinakailangan magsakripisyo para sa pamilya. Kahit
anong hanapbuhay ay kanyang papasukin, kailangang lumaban sa lahat ng mga
pagsubok. Katulad ng mga Pilipinong atleta, mga pagsubok muna ang kanilang
pagdadaanan bago magtagumpay sa laban. Katangiang Pilipino na kailangan
panatilihin ang Katatagang-Loob. Walang dahilan para sumuko at hindi solusyon
ang pagpapakamatay. Kung ang tao ay kayang humarap sa lahat ng pagsubok
ibig-sabihin hindi ito nangangahulugang kasiyahan na niya ang problema, anupa’t
maraming kasabihan at paniniwala ang Pilipino katulad nang lahat ng suliranin
ay may katapat na kalutasan. “Ito ang
kahulugan ng buhay ng tao parang isang gulong, kung minsan ay nasa ilalim sa
susunod ay nasa ibabaw naman”.[4]
Ang pag-unawa sa konsepto
ng Katatagang-Loob ay isang suliranin sa pagpapakahulugan ng mga salita. Ang
salitang Katatagang-Loob ay binubuo ng dalawang salita-tatag at loob. Ang
dalawa ay magkaiba ng kahulugan ngunit masasagot sa semantikong pananaliksik. Ang
katatagang-Loob ay iba sa kahulugan ng Lakas ng Loob ngunit may mga iskolar na
nagsasabi na ang Katatagang-Loob at Lakas ng Loob ay magkatulad lamang ng
pagpapakahulugan. [5]Ngunit ang
Katatagang-Loob ay hindi gumagamit ng Lakas at kapangyarihan samakatwid ang
ibig sabihin ng Katatagang-Loob sa madaling salita ay pagkamatatag, matibay, sa
lahat ng pagsubok at kasawian na hindi ginagamitan ng lakas at kapangyarihan.
Pilosopiyang Pilipino ng kaelastikuhan, (Filipino
Philosophy of Resiliency) ang kabuuang kahulugan nito (Kaelastikuhan) ay ang pagbalik sa normal, ibig sabihin sa anumang
mga bagay, sa mga nararanasang mga pagsubok ay may kakayahan na ibalik ng isang
tao ang kanyang sarili sa kabila ng nangyari, halimbawa sa pagkakamali ng isang
tao, minsan ang tinitingnan lang ng tao ay ang kamalian na kanyang nagawa at
dahilan na ito ng pagsuko ngunit sa kaisipang ito ng kaelastikuhan walang
dahilan para sumuko, samakatwid, may kakayahan ang lahat na maging matatag at
ipagpatuloy ang buhay.
2) Dahilan ng Pag-aaral
Ang
dahilan ng pag-aaral na ito ay isang pagtatalakay at pag-unawa sa konsepto ni
Tiangco ng katatagang-loob na magpapaalala sa mga Pilipino na ang paksang ito
ay hindi lang basta paksa kundi ito ay isang pagdaliri patungkol rin sa
katangian ng mga Pilipino na sa bawat pagsubok na nararanasan niya ay kaya pa
rin niyang lumaban sa mga paghihirap sa buhay. Ang mahalagang kailangan lang
niya ay ang maging matatag at matibay sa lahat ng mga problemang mararanasan.
Ang
tagapananaliksik ay gustong palawakin ang pag-aaral na ito sa tatlong
kadahilanan:
1.
Naniniwala ang
tagapananaliksik na magiging makatotohanan ang pag-aaral na ito kung
kasabay
sa paggawa nito ay ang kanyang mga karanasan
sa buhay. Kaugnay dito ay ang kanyang pagkahubog sa buhay na kanyang at tinahak
kung paano rin siya humaharap sa mga pagsubok na dumarating sa kanyang buhay.
Sa pamamagitan ng karanasan ng tagapanaliksik ay makabubuo siya ng mga
kongkretong kaisipan hinggil sa panahon batay sa kanyang mga naging karanasan.
2.
Ang Pilipino ay may sariling
Pilosopiya, samakatwid naniniwala ang tagapanaliksik na ang bawat Pilipino ay
may sari-sariling Pilosopiya sa buhay. Ang mga naging karanasan niya ay
nakapagtuturo sa kanya at ang mga ito ay nagbibigay sa kanya ng karunungan at
kaliwanagan sa buhay na hindi natin alam ay ang ating karanasan.
3.
Minarapat at pinagsikapan
ng tagapanaliksik ang hamong sa pagsulat ng paksa tungkol sa mga Pilipino ay
nararapat lang na wikang Filipino ang gamitin. Bukod sa mayroon tayong katangi-tanging panuntunan sa buhay na sa
ibang lahi ay mas mabibigyang linaw kung sa sariling wika ito babasahin dahil
mas makabuluhan ang paglalagay sa konteksto ng pag-aaral na ito kung sariling
pilosopiya at sariling wika ang gagamitin dahil hindi lang sa pagiging matatag
at matibay ang matatalakay dito kundi kasami rin ang pagka-Pilipino, ito ay
tungkol sa mga Pilipino kaya’t makikita at mapapatunayan kung gaano talaga
katatag at katibay ang mga Pilipino sa iba’t-ibang aspeto o pagsubok sa buhay.
Minabuti ng tagapanaliksik
na pag-isipan sa makabagong paraan kung ano ang maari niyang maiambag sa mga
Pilipino ng kanyang karanasan, ang sariling Pilosopiya ng Pilipino at ang
paggamit ng sariling wika.
3) Kahalagahan ng Pag-aaral
Kung
minsan ang tao ay nabibigo sa kanyang pangarap, sa kanyang ninanais, at sa
kanyang gustong makamit. Sa pag-aaral na ito, hinihimuk ang lahat na maging
matatag sa bawat pagsubok na ating mararanasan upang mapagtagumpayanan ang
lahat ng paghihirap at makamit ang katiwasayan at ginhawa, ito ang bunga ng
ating pagpupunyagi sa buhay. Ang mga problema na hinaharap ngayon sa Pilipinas
at ng mga Pilipino ay pagsubok, mga suliranin na kaakibat ng ating paglangoy sa
dagat ng buhay. Ang mga pagsubok na ito ay nagpapalago at nagpapatibay sa tao.
B. Paglalahad ng Suliranin
1. Pangkalahatang Pahayag ng
Suliranin
Ang tesis na ito ay ang
pag-unawa sa pilosopiya ng Pilipino ng Pagiging matatag at matibay at
paglalahad ng isang katangian ng mga Pilipino, ang katatagang-loob upang
mabigyang linaw ang isinulat ni Joseph Anthony Narciso Z. Tiangco sa paksang
pinag-aaralan dito. Ang unang pangunahing suliranin sa pag-aaral na ito ay
unawain ang konsepto ng Katatagang-loob gayundin ang konsepto ng pilosopiyang
Pilipino ng Pagiging matatag at matibay. Susuriin ng tagapanaliksik ang
konsepto ng pinag-aaralan gamit ang iba’t ibang uri ng pag-aaral at pag-analisa
tulad ng panlipunan at kasaysayang pag-analisa.
Ang tagapanaliksik ay
magsusuri sa katangiang ito gamit ang pag-unawa at pagsaliksik sa katangian ng
mga Pilipino ang Katatagang-loob sa iba’t-ibang konteksto ng pagsusuri na
siyang magbibigay linaw sa pinag-aaralang paksa.
Magiging batayan ng
tagapanaliksik ang mga pangyayari sa buhay ng Pilipino upang maging makabuluhan
ang pag-aaral na ito at makaambag sa kaalaman ng bawat Pilipino.
2. Mga Tanging Tanong ng
Pag-aaral
Sa
pag-aaral na ito, ang tagapanaliksik ay nais ilahad ang mga sumusunod na mga
katanungan:
- Sino
si Joseph Anthony Narciso Z. Tiangco? Ano ang kanyang Konsepto ng
Katatagang-Loob sa Pilosopiyang Pilipino ng pagiging Matatag at Matibay o
Kaelastikuhan? Si
Joseph Anthony Narciso Z. Tiangco ay hindi kilala o tinatangkilik ng
marami bilang isang Pilosopo pero siya ay nananatiling buhay hanggang
ngayon kung kaya’t ang tagapananaliksik ay kikilalanin muna si J. A. N. Z.
Tiangco ang kanyang talambuhay at ang kanyang mga nasulat at nagawa at
kasama na ang kanyang paraan ng pamimilosopiya at ang kanyang pilosopiya.
Pag-aaralan ng tagapananaliksik ang kanyang konsepto ng Katatagang-Loob at
ang pagsusuri sa pamamagitan ng semantikong pananaliksik ng salita at kung
ano ang kaugnayan nito sa Pilosopiyang Pilipino ng kaelastikuhan at ang
katuturan ng kaelastikuhan.
- Ano
ang Pilosopiyang Pilipino ng Pagiging Matatag at Matibay (Resilience)? Bibigyang kahulugan ng tagapanaliksik ang
pilosopiyang ito sa pamamagitan ng pagunawa at pagintindi sa iba’t – ibang
paraan kung paano nabuo and konseptong ito at mabigyang ng pagpapaliwanag
ang tungkol sa pilosopiya ng Pilipino partikular sa Pilosopiya ng pagiging
matatag at matibay.
- Ano
ang Katatagang-loob sa mga Pilipino? Ang katatagang-loob ay isang katangian ng mga
Pilipino, ilalahad dito na ang mga Pilipino ay may katangiang ito at
magpapaalala rin sa mga Pilipino sa katangian ng katatagang-loob na dapat
maging matatag at matibay sa lahat ng mga pagsubok sa buhay.
d.
Anong
klaseng pag-aaral ang isinasagawa sa konsepto ng Katatagang-loob at
Pilosopiyang Pilipino ng Pagiging Matatag at Mattibay? Ang
tanong na ito ay ang siyang bahagi sa paglalahad ng naunawaan ng tagapanaliksik
sa pinag-aaralang paksa.
- Ano
ang naiambag at ano ang pwedeng maiambag sa Konsepto ng Katatagang-Loob sa
mga Pilipino? Bilang
pandag-dag sa kahalaagahan ng katangiang ito, ang tagapananaliksik ay
uungkatin ang mga pangyayarti noon na magbibigay halimbawa sa
katatagang-loob na meron ang mga Pilipino. Sa bahaging ito ang
tagapananaliksik ay mag kakaroon ng paglalagom na ang Konseptong ito na
ang Katatagang-Loob ay makaaambag sa mga Pilipino sa kanilang mga pagsubok
na nararanasan Katatagang – Loob and kailangan.
3. Lawak at Takda ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay
tungkol sa pagsusuri at paglalahad ng konsepto ni Joseph Anthony Narciso Z.
Tiangco na Katatagang-Loob sa pilosopiyang Pilipino ng pagiging matatag at
matibay. Susuriin at ilalahad dito ang kanyang konsepto sa ibat’-ibang pamamaraan.
Ang pag-aaral ding ito,
higit sa lahat ay ang pamimilosopiya sa konsepto ng Katatagang-Loob sa
Pilosopiyang Pilipino ng Kaelastikuhan, ang pagbibigay kahulugan nito (ang
Katatagang-Loob) sa semantikong pananaliksik upang lubos na maintindihan ang
paggamit ng salita at maipaliwanag sa pag-aaral ng iba’t ibang konteksto ng
Katatagang-Loob at ang Kaelastikuhan (Resiliency) pagiging matatag at matibay.
Malinaw sa isip ng
tagapanaliksik na ang pag-aaral na ito ay isang paglalahad sa konsepto ni
Tiangco at pagbibigay halaga sa katangian ng mga Pilipino ang Katatang-Loob sa
Pilosopiyang Pilipino ng kaelastikuhan at gayundin ang pagbibigay ng mga
layunin nito na makaaambag sa mga Pilipino. Ito ay tanging pag-ambag lang sa
naarok na ideya ng tagapanaliksik sa pamamagitan ng kanyang mga obserbasyon at
karanasan sa buhay.
Walang kinalaman dito ang
paglalahad ng iba pang uri ng Katatagang-Loob ngunit maaaring gamitin ito
bilang isang halimbawa sa pag-aaral na ito sapagkat malawak ang pag-aaral ng
katangian ng Katatagang-Loob, maraming uri ang kaugnay dito. Ang tanging
suliranin ay ang pagpapalawak sa konsepto ng Katatagang-loob bilang isang
Pilosopiya ng Pilipino ng pagiging matatag at matibay.
4. Layunin ng Pag-aaral
Sa pag-aaral na ito
naniniwala ang mananaliksik na makaaambag ito sa pamamagitan ng mga sumusunod
na layunin:
a) Makaaambag
ang pag-aaral na ito sa paghimok sa mga Pilipino na maging matatag sa lahat ng
mga pagsubok. Naniniwala ang tagapanaliksik na ang Pilipino ay may katangian ng
Katatagang-Loob, nais lang niyang panatilihin ang katangian ng Katatagang-Loob
sa pagkat ang Pilipino ay nahaharap sa mga pagsubok na minsan ay hindi
inaasahan.
b) Ang
makaambag sa pamamaraan ng pamimilosopiya ng mga Pilipino na ang Pilipino ang
may sariling pilisopiyang ginagamit.
K. Pagsusuri sa mga Kaugnay na
Panitikan
a) Ang “A Concept of Resilience: A Functional
Account”na isinulat ni Gardar Anarson ay isang Diyornal ng paaralang
Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay tumatalakay sa konsepto ng Resilience o matatag at matibay
(Kaelastikuhan sa literal na pagsasalin sa Filipino). Tinalakay dito ang
maikling kasaysayan ng Resiliency na
makatutulong sa pagpapaliwanag sa pag-aaral na ito. Sinabi ni Gardar Anarson
dito na ang Resiliency ay isang
pag-aaral na kaugnay ang pag-aaral sa buhay ng tao (Psychologicaly and
socially), ekolohiya, sa komunidad at sa lipunan na ang normal na paggalaw ng
ating buhay sa oras ng mga kahirapan at pagsubok ay isang Resiliency. Ang akdang ito ay makatutulong sa pagbibigay-kahulugan
ng Resiliency o Matatag at Matibay (Kaelastikuhan).
b) Ang Katatagan ng Kalooban ay isang proyekto
sa edukasyon sa pagpapahalaga IV, modyul blg. 12. Sa pamunuan ng Bureau of
Secondary Education, Department of Education. Ito ay isang pagsusuri kaugnay sa
paglalahad ng mga iba’t ibang kwento at mga halimbawa ng Katatagang-Loob. Isang
pagtuklas upang sagutan ang mga inihandang mga tanong na ukol sa pag-aaral sa
Katatagang-Loob.
k. Ang Katatagang-loob ay isang artikulo na
nakuha sa Internet (http://bucaio.blogspot.com/2011/10/katatagan-ng-loob.html).
Batay o ayon sa nagsulat “This trait was
specifically attributed to Overseas Filipino Workers (OFW), who have to leave
their families and brave the unknown in foreign shores to heal, nurture, teach
and build for other people. But following this was the discussion that katatagan ng loob is something that
is learned by every Filipino growing up in the country, who cannot help but
become hardy as he faces one natural calamity after another”. Makatutulong
ito sa pagbibigay halimbawa sa pag-aaral na ito.
d. Ang “Katatagan ng Loob ng Magulang” na
isinulat ni Larry R. Lawrence. Ang artikulong ito ay naglalahad ng pagbibigay
alituntunin sa mga magulang sabi pa niya “Ang talagang kailangan ng daigdig ay
katatagan ng kalooban ng magulang mula sa mga ama at ina na hindi takot
magsalita at manindigan”.
D. Pamamaraan
Malinaw sa pag-aaral ng
tagapanliksik na ito ay limitado lamang sa pag-uunawa at pag-aaral ni Tiangco
sa Katatagang-Loob at kaugnay ang Pilosopiyang Plilipno ng Pagiging matatag at
matibay sa pagintindi nito.
Apat na pamamaraan ang
magiging kasangkapan ng pananaliksik sa pag-aaral na ito: 1.) Paglalahad; 2.)
Pagunawa at Pagsusuri; 3.) Pananaliksik.
Sa Paglalahad ay ilalahad ng tagapanaliksik ang lahat ng mga suliranin
ng pag-aaral na ito upang mabigyang linaw at maipaliwanag sa bawat paksa. Ang Pag-unawa at Pagsusuri ay malaking bahagi na gagawin ng tagapanaliksik
sapagkat kinakailangang unawain ang bawat paksa na pinag-aaralan dito. At ang
panghuli ay ang Pananaliksik, dito
ay magkakalap ang tagapanaliksik ng mga impormasyon tungkol sa pinag-aaral
upang makakuha ng mga iba pang impormasyon.
Ang tagapanaliksik ay
magsasagawa ng paglalahad sa pagpresenta ng buhay ni Tiangco bilang isang
Pilosopo sa pag-aaral na ito at bibigyang kahulugan ang konsepto ng Katatagang-loob
bilang isang panimulang suliranin sa pag-aaral na ito, para sa pagpapalawak ng
kahulugan ng Katatagang-Loob sa pamamagitan ng kanyang konsepto at ideya. Ang
tagapanaliksik ay gagamit ng mga aklat na matatagpuan sa OLAS Library.
Pagkukunan rin ng mga importanteng impormasyon sa pag-aaral na ito, ang mga
sumusunod mga artikulo, mga diyornal at mga dokumento. Ang internet ay malaki
rin ang maitutulong dahil pagkukunan ito ng mga paliwanag at mga ginagamit na
mga salita upang maipaliwanag at masagutan ang mga suliranin sa pag-aaral na
ito. Ang pakikipagpanayam at pakikipag-usap ay lubos na makakatulong sa
pag-aaral na ito. Dagdag dito ay gagamit din ng tagapanaliksik sa Pilosopiyang
pamamaraan o ibang pananaw ng ibang pilosopo, at sa Sikolohiyang pag-aaral
dahil kukuha ang tagapanaliksik ng mga pananaw na kaugnay sa pinag-aaralan
katulad ng semantikong pananaliksik, empirical study, at iba pa.
E. Banghay ng mga Kabanata
Ang tagapanaliksik ay
naglaan ng anim kabanata sa pag-aaral na ito. Ang unang kabanata ay
kapapalooban ang Panimula, Larangang Ginagalawan ng Pag-aaral,
Paglalahad ng Suliranin, Pagsusuri sa mga Kaugnay na Panitikan, Pamamaraan at
ang Banghay ng mga Kabanata.Sa
Larangang Ginagalawan ng Pag-aaral ay kasama dito ay ang Pinanggalingan ng Pag-aaral, Dahilan ng Pag-aaral at ang Kahalagahan ng Pag-aaral.Sa pag-aaral
ng Suliranin naman ay may apat (4) na ilalahad, ito ay ang mga sumusunod: Pangkalahatang Pahayag ng Suliranin, Mga
Tanging Tanong ng Pag-aaral, Lawak at Takda ng Pag-aaral at Layunin ng
Pag-aaral.
Sa Pangalawang Kabanata,
inilahad ng tagapanaliksik ang pangunahing pagsusuri sa pag-aaral na ito ang
paglalahad ng tagapananaliksik sa ginamit niyang pilosopo, ang talambuhay ni
Joseph Anthony Narciso Z. Tiangco bilang isang pilosopo na gagamitin ng
tagapananaliksik, at ang pamamaraan ng kanyang pamimilosopiya at ang paglalahad
ng kanyang konsepto ng Katatagang-Loob sa Pilosopiyang Pilipino ng
Kaelastikuhan na napili ng tagapanaliksik bilang isang suliranin sa pag-aaral
na ito.
Ang
Ikatlong kabanata hinggil sa pilosopiya ng Pilipino ng pagiging matatag at
matibay (resilient) sa paraan ng pag-intindi ng konsepto, ang paggamit ng
konsepto sa iba’t-ibang konteksto at ibang paglalahad tungkol sa pagiging
matatag at matibay.
Ang ika apat na kabanata ay
ang pagsang-ayon ng tagapananaliksik na ang katatagang-loob ay isang katangian
ng mga Pilipino bunga ng kanyang iba’t ibang karanasan.
Ang ika liamang kabanata ay
ang siyang kabuuan na pag-unawa ng tagapananaliksik sa konsepto ng pag-aaral
gamit ang pag-aanalisa bilang eksperyensiyal na pag-aaral o sa
Phenominolohiyang pag-aaral (experiential study).
Ang
ikaanim at panghuling kabanata ay ang karagdagang paglalahad na ang
katatagang-loob loob noon ay makikita sa mga santo, bayani at iba pa, (at
mabibigyang halaga rin ito at makaka-ambag sa mga pangyayari ngayon sa buhay ng
mga Pilipino). Kabilang din dito ang paglalagon at konklusyon ng
tagapananaliksik na ang konseptong ito ay makatutulong sa mga Pilipino sa
kanilang patuloy na paglangoy sa dagat ng buhay.
IKALAWANG KABANATA
ANG
KATATAGANG – LOOB SA KONSEPTO NI
JOSEPH
ANTHONY NARCISO Z. TIANGCO
A. Ang buhay ni Joseph Anthony
Narciso Z. Tiangco
Si Joseph Anthony Narciso Z. Tiangco ay taga
Kaohsiung, Taiwan. Ipinanganak siya noong ika labin dalawa (12) ng Nobyembre.
Nagtapos siya ng Bachelor of Arts in Psychology at Bachelor of Secondary
Education in Guidance and counselling, Master of Science in Guidance and
Counselling at nakapagtapos at nakamit ang pagkadoktorado sa Pilosopiya.
Nagturo siya ng mahigit labin limang taon sa iba’t ibang lebel mula
sa kindergarten hanggang sa postgraduate. Siya ay nagturo rin sa mga kursong
General Psychology, Counselling Techniques, Method of Research, Basic
Statistics, Advance Statistic, Linguistic, Bilingual Education, Language and
Culture, Philosophy of Religion, Philosophy, Theories of Personalities, Program
Planning Development and Evaluation, and Organizational Development.
Ang diciplina sa Pilosopiya at sikolohiya
partikular sa bahagi ng Language development, bilingualism, method research,
psychology and spirituality, postmodernism, counselling and psychotheraphy at
community psychology ay ng kanyang ginustong pinag-aaralan at itinuturo.
Siya ay mula sa Unibersidad ng De la Salle
kinikilala niya ang kanyang sarili bilang isang Lasallian at binibigyang diin
niya bilang isang guro ang Transformative learning ng mga mag-aaralsa kanyang
pagtuturo. Naniniwala siya na ang mag-aaral ay kailangang makaranas ng mga
pagsubok sa pag-aaral ng mga gawain na kasama ang iba’t-ibang emosyon dahil ang
mag-aaral ay may kakayahang sumuong sa mga pagsubok sa pamamagitan ng
“Experience transformation” na nagdadala sa mga mag-aaral sa mga pagsubok na
kanilang kahaharapin, positibo man o negatibo. Ang hamon o pagsubok na kanyang
binubuo sa kanyang mga kursong tinututro ay minsan isang Problem-based/Challenged-based project, dahil ayaw niyang makilala
at maging pamilyar lang ang mga studyante sa mga konsepto at ideya sa halip
gusto niyang matuto sila sa pamamagitan ng pagkilala sa kanilang mga talento at
kasanayan at sa gayon mapalago ang kanilang mga ugali at sariling pagtanaw sa
buhay at hanapbuhay ito ay isang hamon at inspirasyon na normal lang na
pangyayari na nagdadala ng impormasyon sa bawat isa.
Si Tiangco ay hindi pa kilala bilang isang Pilosopo
ng karamihan at siya ay bagong Pilosopo na itinuturing, kaya’t wala pang mga
sumusulat tungkol sa kanyang mga impormasyon at Pilosopiya sa buhay, kaunti pa
lang ang kanyang mga nasusulat at isa na rito ay ang pag-aaral niya sa
pag-unawa sa Pilosopiyang Pilipino ng pagiging matatag at matibay.[6]
B. Ang konsepto ng Katatagang
– Loob
Ang
konseptong ito ay unang napatunayan sa mga kwento at mga karanasan ng mga
Pilipino sa kanyang pakikipamuhay at pagharap sa mga hirap at pagsubok ng
buhay. Ang Pilipinas ay dumaan sa maraming panahon ng pakikibaka, mula noong
panahong bago dumating ang mga Kastila hanggang sa kasalukuyan. Sa bawat
kabiguan o kalungkutan na kanyang naranasan, sandali lang ang kanyang
pagdadalamhati, pagkatapos noon, magpapatuloy ang buhay. Kaya nga tinawag
siyang “the great survivor”. Ang
Katatagang–Loob ay isang katangian na taglay ng mga Pilipino na sapamamagitan ng
pagkaranas ng kahirapan at pagsubok sa buhay Katatagang – Loob ang kailangan at
higit pa na mauunawaan ang konseptong ito kung uunawain ang kahulugan ng salitang
Katatagang – Loob.
1) Ang Semantikong
Pananaliksik
Ang semantikong
pananaliksik ay isang paraan ng pag-unawa sa kahulugan ng salita ating
mababatid na ang salitang Katatagang – Loob ay nabubuo ng dalawang salitang
Katatagan at ang Loob. Upang lubos namaintindihan ang kabuuang kahulugan ng
salitang Katatagang – Loob ginamit ng tagapanaliksik itong paraan ng pag-unawa
na siyang ginamit rin ng may akda sa konseptong ito ng Katatagang – Loob upang
maunawaan ang bawat bahagi ng salita, ito ang pangunahing paraan upang
maintindihan ang suliranin sapag-aaral naito.
1.1.Ang Pag-unawa sa Salitang Katatagan
Ang
salitang Katatagan ay mula sa salitang-ugat na tatag isang pang-uri na ang ibig
sabihin ay matibay o nauukol sa isang bagay na kahit anong sunugin ay di
masisira o matitibag at kung mangyari mang masira o bumagsak, makababangon
muli. Ang salitang katatagan (resilience in English) ay isang pangalan. Ito ay
kakayahan na makabangon nang mabilis mula sa mga sakit, pagbabago o masamang
kapansanan. Sa pag-uri-ito ay nangangahulugan ng “pagiging matatag” (resilience
in English). Kung pandiwa naman ang gamit nito ang kahulugan ng magtayo, magbangon
ang itatag ay mangangahulugan na itatayo o muling itatag o muling ibangon,
samadaling salita ang itatag bilang isang pandiwa ay isang kilos upang itayo o
itatag muli ang nasira[7].
Ang bumubuo ngayon sa ating isipan kung ating paghahambingin ang pang-uri at
ang pandiwa ay isang malabo pang balangkas upang maintindihan ang salitang
Katatagan sapagkat isang magkaiba o magkasalungat nasalita kung ating
ikukumpara ang dalawa, ang salitang tatag at itatag kaya kung ating
ipagpapatuloy kung sa pang-uri naman ng Matatag o Katatagan nangangahulugan ito
bilang isang matibay o pagkamatibay (Durability or endurances). Ngunit kung ang
tibay naman ang ating pag-uusapan isang matuwid na bagay rin ito upang
maintindihan natin ng tama dahil sa kontexto ng Matatag at Katatagan ay hindi
ang ibig sabihin nito ay malakas na pwersa o kapangyarihan ngunit pagginamit
natin ang ang malakas sa ibang konteksto halimbawa sa isang tao na kayang
magbuhat ng dalawang sakong bigas maaaring magamit o gamitin ang salitang tibay
sa kontekstong ito bilang isang malakas na tao na nagbubuhat ng dalawang sakong
bigas subalit kung sa kontekstong Matatag at Katatagan ito ay tibay at
pagkatibay (endurance or durability) lang na iba sa kahulugan sa nabanggit na
halimbawa. Kung minsan marami ang nag-aakala na ang Katatagang – Loob at Lakas
ng Loob ay magkapareho ng kahulugan o pwedeng magkapalit ng paggamit nito
ngunit gustong liwanagin ni Tiangco na magkaiba ang kanilang kahulugan kahit na
ang salitang tibay at lakas ay may tiyak na pagkapareho, gusto niyang bigyang
diin na huwag gamitin ito sapangkalahatan bilang isang magkatulad ng kahulugan
(intirely identical in meaning) na katulad ng hinalimbawa sa taas sa kontextong
paggamit ng tibay na pweding gamitin sa iba’t-ibang kontexto, naka dependi ito sa
paggamit sa istruktura ng pangungusap.[8]
1.2.Ang Pag-unawa sa salitang
Loob
Ang
salitang Loob ay isang malawak na konsepto na maaaring tingnan sa magkaibang
pananaw. Ito ay dahil maraming pagpapakahulugan at ginagamit sa iba’t ibang
konteksto sa wikang Filipino. Sa Filipino, ang ang salitang Loob ay walang
tiyak at kongkretong kahulugan sapagkat ang original na salita ang Loob ay
isang pangngalan (noun) at mabibigyan lang ng kahulugan o ng ibang kahulugan
ang salitang Loob kung gagamitin ito sa mga tayutay (figure of speech) o
matalinghagang salita dahil ang salitang Loob kadalasan ay ginagamit sa iba’t
ibang pagpapakahulugan maaari rin itong gamitin bilang isang pang-abay. Ang
“Loob” ay maari ring gamitin ng pang-ukol-sa, kaya magiging “sa loob”-katumbas
sa Ingles ng “inside-na nangangahulugang bagay o sino man na nasa loob ng isang
lugar o lalagyan. Ang “sa loob” ay isa ring pang-abay kung tumutukoy sa isang
lugar na kulob. Ito rin ay isang pang-uri, kung ginagamit sa paglalarawan. Ang
salitang “tatag kapag itinambal sa “loob” ay nagging “katatagang-loob” na
nagpapakahulugan na ang “tatag” ay nanggagaling sa “loob” ng tao.
Ayon kay
De Mesa ang Loob ay Ubod ng pagkatao, kung saan naka-ugat ang tunay na halaga
ng isang tao. Ipinapakita ng bawat aspeto ng pagkatao ay nagmumula at dumadaloy
sa Loob. Ang Loob Ay siyang salalayan ng bawat damadamin, ideya at pagkilos
kung saan ang angking katangian at kakayahan bilang dimensiyon ng kanyang
pagkatao katulad ng damdamin, kaisipan, panininndigan, pagkatao at pakikipag-kapwa
ay nagtatagpo.[9]
A. Inner self
B. Core of one’s personhood
C. Where the true worth of a person lies.
D. Organizing center of humanity reality.
E. Substratum of ideas, feelings, and behaviors.[10]
At ang
konseptong ito ay bahagyang tinututulan ni tiangco sapagkat para sa kanya
naniniwala siya sa haka ni Ileto sa salitang Loob bilang kalooban ng sarili
(inner self) ngunit si Ileto ay iba ang kanyang sentro ng pinag aaralan na kung
saan pinag-aaralan niya ang buhay ng mga nasyonalista katulad ni Macario Sakay,
Andres Bonifacio at ibang katipuneros[11],
subalit walang pagkaka-iba kung parehong pinag-aaralan ang salitang Loob kahit
sa iba’t-ibang kontexto ito gagamitin ngunit kung ibang-uri naman mahirap
tukuyin ang kahulugan nito kung hindi maintindihan ang kasalungat ng salitang
Loob ang salitang labas ito ay ibang pamamaraan naman ng pag-aaral ng kontexto
ng salita ngunit ang dalawa ay may relasyon naman kung ating susuriin dahil
nakikita ang pagkatao sa isang tao kung ano ang kanyang ipinapakita niya sa
Labas niyang anyo (paglalarawan sa katawan) katulad nalang ng pinag-aaralan sa
suliraning ito ang katatagan, makikita lang natin ito sa panlabas na anyo ng
isang Pilipino at sa iba’t-ibang kontexto kaya nakakabuo ng konsepto, sa
madaling salita ang Loob at Labas ay nagbibigay ng magkaibang kahulugan ngunit
nasa pareho sila pwedeng gamitin upang mabigyang kahulugan ang salitang Loob.[12]
2) Ang Kahulugan ng
Katatagang–Loob
Kung ang
katatagan ay hindi nangangailangan ng lakas ayon sa kahulugan nito at depende
sa kontexto nito at ang Loob ay ang siyang nagbibigay ng ibang kahulugan nito,
ano ngayon ang kahulugan ng Katatagang-loog? Sa madaling salita ang
Katatagang-loob ay ang pagiging matatag at matibay[13]
sa oras ng mga problema at pagsubok sa buhay at sa pagbibigay halaga nito ito
ay ang katangian na hindi na ngangailangan nang pagsuko sa mga hamon sa buhay
sa magandang paraan, ang hindi paggamit ng lakas tulad ng nabanggit sa
kahulugan ng Katatagang-loob, ang paglaban na hindi nangangailangan ng lakas
tulad sa halimbawa ng kawayan na yumuyuko at umaayon lang sa bugso ng hangin
upang hindi mabakli ang tangkay. Samakatwid ang Katatagang-loob ay hindi lamang
nagbibigay kahulugan tungkol sa pagiging matatag at matibay sa oras ng
kahirapan ngunit ito ay nagpapalago ng pasensiya at kawalang karahasan.
IKATLONG
KABANATA
ANG PAGUNAWA SA
PILOSOPIYANG PILIPINO
NG PAGIGING MATATAG AT MATIBAY (RESILIENCY)
A.
Ang Konsepto ng Resilience o Pagiging Matatag at
Matibay
Ang Pilosopiya ng Pagiging
Matatag at Matibay ay isang Pilosopiya na naging isang buong konsepto dahil sa
karanasan ng tao ang pagiging masigasig ng bawat isa sa pagharap sa kahirapan
ng buhay na siyang bumubuo ng pagkatao natin, ang pagiging matatag at matibay.
Ang pagiging Matatag at Matibay ng bawat isa ay isang Katatagang-loob na
masasabi sapagkat taglay nito ay ang pagiging mapagpunyagi, matiyaga at
mapagsumikap. “Sa prinsipiyong ito ng pagsusumikap ng mga Pilipino ito ay upang
matalos ang tanging lihim ng kanyang katatagan sa paggawa”,[14]“ito
rin ang bahagyang sinasabi sa pilosopiya ng paggawa ng Pilipino na sa paggawa
ay kaugnay ang pagsusumikap at pagtitiyaga. Ang tiyaga at mapagsumikap ang
siyang makatatapos ng kanyang Gawain at magtatagumpay sa kanyang mithiin sa
buhay”[15].
Ang pagiging matatag at
matibay ay ang kakayahang palaguin, panatilihin o pagbabalik sa anumang
pagka-bigo sa buhay dahil kung minsan ang tao ay pag nabigo nagiging dahilan
ito ng pagkahina. Ang paggamit sa konsepto ng pagiging matatag at matibay ay
kadalasan ginagamit sa pagbalik normal nito sa dating anyo ibig-sabihin ang
sinasabi ni J.A.N. Tiangco ay sa panahon ng kahirapan tayo ay dapat maging
matatag at matibay.
“Ang salitang Resilience o
pagiging matatag at matibay ay galing sa salitang latin na resilientia (from
the verb Resilience to spring back.)”[16]Sa
pag-aaral ni Tiangco ginamit niya ito sa katumbas na salita ang Katatagang-loob
at ang ibig sabihin niya dito ng “Resilience ay pagiging matatag at maatibay
bilang katumbas salitang Katatagang-loob.”[17]
Ang pagiging matatag at matibay o Resilience ay hindi literal na pagkakahulugan
ni Tiangco na ayon sa pinanggalingan ng kahulugan sa makatwid ang ibig sabihin
niya dito ay ang “pagbalik normal mula sa pagkabigo, pagkadapa o ano pa man na
nagiging sanhi ng pagkatalo sa sarili na muling bumangon at nagsimulang muli”[18]
at ito ang pagiging matatag at matibay at ang ibig sabihin may Katatagang-loob
na angkin.
Ang pagiging matatag at
matibay ginamit na sa iba’t ibang konteksto ng pag-aaral at sa iba’t ibang
pananaw katulad ng sekolohiya, sa kalikasan, pagsubok, problema, sakuna at
iba’t ibang aspeto ng buhay na siyang bumubuo sa konsepto ng pagiging matatag
at matibay.
“Noong ika labin pitong
siglo ang resilience o pagiging matataag at matibay ay siya nang ginagamit sa
konteksto tungkol sa mga matitigas na bagay katulad ng metal at ibang mga bagay
ng pag-iyong galawin ay bumabalik ito sa natural at original na anyo o hugis.”[19]
(Early investigations of
severely disordered patients were focused primarily on understanding
maladaptive behavior, and the subset of patients who showed relatively adaptive
patterns were considered atypical and afforded little attention. By the 1970s,
researchers had discovered that schizophrenics with the least severe courses of
illness were characterized by a premorbid history of relative competence at
work, social relations, marriage, and capacity to fulfill responsibil. In
parallel fashion, studies of children of schizophrenic mothers played a crucial
role in the emergence of childhood resilience as a major theoretical and
empirical topic.)[20]
“Kung ang resilience o pagiging matatag at
matibay ay patungkol sa tinatawag na “functional systems” (no-technical sense”
ang salitang Resilience ay ginagamit bilang isang Metaphorical (a figure of
speech wherein one word is employed for another) o matalinghagang salita.”[21]Ang
pag-aaral sa konsepto ng pagiging matatag at matibay ay mayroong literal at
metaphorical na diwa o pagpapakahulugan at sa pag-aaral na ito bibigyang
pagpapakahulugan ang metaphorical na kung saan ang pagpapakahulugan niton g
pagiging matatag at matibay ay hindi sa literal na pagpapakahulugan ng konsepto
samakatwid ang ibig sabihin dito ng resilience ay ang katulad na nababanggit
ang pagiging matatag at matibay at hindi sa literal na kahulugan nito. Sa mga
karanasan ng tao nakikita ang mga ito at dito nga nagsimula ang konseptong ito
na siyang pagpapatunay na ang pagiging matatag at matibay ay ang katangian na
mayroon ang mga Pilipino ang Katatagang-loob sa katumbas na salita nito. Sa
pag-aaral ng konseptong ito ang Pilipino ay ang siyang paksang pinag-aaralan
dito na siyang gawing patunay na ito ay makakatulong sa mga Pilipino sa oras ng
mga pagsubok, problema at iba pang kalunos-lunos sa buhay ng isang tao. Sa
panahon ngayon lingid sa kaisipan ng tao na patuloy pa rin na nakakaranas ng
mga problema sa buhay, mga suliranin na dapat ayusin sapagkat kaakibat ito ng
pakikibaka sa araw-araw na pamumuhay. Sa konseptong ito dito maipapaliwanag
kung gaano katatag at katibay ang mga Pilipino.
“Ang resilience o pagiging
matatag at matibay ay ang kakayahang panatilihin o ibalik sa normal sa mga
pangyayari sa buhay katulad ng pagkabigo at ito ay ang tinatawag na “Normal
Functional”.[22]
B.
Paraan ng Pag-intindi sa Konsepto ng Pagiging Matatag
at Matibay
1)
Ang Kasaysayang Pag-susuri (Historical Analysis)
Sa nabangit na konsepto ng pagiging matatag at
matibay noong ika labing pitong siglo ang salitang Resilience o Paging Matatag at Matibay ay kanila ng ginagamit sa
kontexto ng mga bagay na kayang bumalik sa orihinal na anyo nito pagkatapos
balikuko-in katulad ng metal, mga bagay o material.
Ang kasaysayang pag-analisa ay ang paggamit sa
nakaraang pangyayari na siyang pinanggalingan sa kung ano ang pinag-aaralan.
Ang pag-intindi sa konsepto ng pagiging matatag at matibay ay matutukoy lamang
kung babanggitin ang kasaysayan nito o nakaraang pangyayari lalong lalo na sa
kasaysayan ng bansang Pilipinas. Ang Pilipino simula pa lamang mula sa
pagka-diskobre ng mga dayuhang kastila ay subok na sa mga suliranin sa buhay
sapagkat naniniwala sila na ito ay kaakibat ng buhay ng taao na siyang
nagpapatibay sa kalooban nito. Ang mga pagsubok ay ang siyang nagpapanatili sa
tao na lumaban o labanan ang mga ito subalit hindi maiiwasan na maaaring matalo
sa pinaglalabanan kaya’t kungang isang tao ay may katatagan at matibay na
kalooban anupa’t siya ay may kakayahang bumangon sa mga natalong laban sa
buhay.
Sa
panahon ng pananakop ng mga kastila ibang-iba ang kahalagahan ng konseptong ito
ng pagiging matatag at matibay sa konteksto ng labanan, dahil sa panahong ito
ay ang pakikipag digmaan ng mga Pilipino sa mga Kastila na siyang dulot ng mga
patayan ngunit ang konseptong ito ng pagiging matatag at matibay ay ang
katumabas ng lakas sa konteksto ng labanan, dahil kailangang maging malakas
upang lumaban sa mga mananakop na mga Kastila at ang pagiging matatag at
matibay ay nangangahulugan ng karahasan na kinakailangan lumaban sa digmaan,
ngunit ang kahalagahan na pweding idulot nito ay anh paglaban ng mga Pilipino sa
kanilang bayan na siyang bumuo ng pagiging matatag matibay at nabago ito sa
panahon na mismo nang sila ay nasakop at nagging alila at nagkaroon ng malaking
pagbabago ngunit ito ang siyang nagpatatag at nagpatibay ng kalooban ng mga
Pilipino.
Ang
pagiging matatag at matibay ng mga Pilipino noon ay dahilan kung bakit nakamit
ang kalayaan ng Pilipinas, sa kanilang pagtitimpi ay lumaban sila ng may
katatagan at tibay ng kalooban mula sa pagkaalila na hanggang sa makamit ang
kalayaan ng bansa. Ang pagiging matatag at matibay kung bakit nakamit ang
kalayaan ng mga Pilipino ay dahil hindi lamang sa isa kundi sa pagtutulungan ng
bawat isa, ang mga Pilipino ay likas sa mga kaugalian, negatibo man o positibo.
2)
Ang Panlipunang Pagsusuri (Social Analysis)
Mababatid
na ang Pilipinas at ang mga Pilipino ay patuloy pa rin sa kayang laban sa buhay
at patuloy na nakakaranas ng mga paghihirap, subalit nasusubukan ang katatagan
ng tao kung paano niya harapin ang mga ito sa kanyang buhay. Ang Pilipinas ay
mayaman sa mga kwentong nagpapaantig ng puso ng iba o nabibigay sigla sa iba at
ito ang mga kwento ng mga taong may matatag at matibay na kalooban o
katatagang-loob at isa na pweding bigyang diin dito bilang isang halimbawa ay
ang mga Overseas Filipino Worker (OFW).
(This trait was specifically attributed to Overseas Filipino
Workers (OFW’s), who has to leave their families and brave the unknown in
foreign shores to heal, nurture, teach and build for other people. But
following this was the discussion that katatagan ng loob is something
that is learned by every Filipino growing up in the country, who cannot help
but become hardy as he faces one natural calamity after another.)[23]
Mahalagang banggitin ang mga Pilipinong ito
sapagkat sila ang nagbibigay o dahilan ng patuloy na pagtaas ng dolyar sa bansa
na isang malaking ambag sa paglago ng ekonomiya, sila ang mga nagpupunyagi at
nagsususumikap na makipamuhay na malayo sa kanilang mga pamilya upang ma ibsan
man lang ang kahirapan kaahit papaano.
Sa una pa lamang makikita na ang pagiging matatag at matibay ng mga ito
sapagkat kinakailangan nilang gawin ito para sa pamilya at ito ang ating
makikita sa ating lipunan na siyang ilalahad sa kaugnayan ng kapwa o pilosopiya
ng Tayo
at pagiging matatag at matibay.
Isa na mapapansin sa ating lipunan ngayon ay ng
pagtaas ng mga walang tiyak na trabaho o walang tiyak na pinagkukunan ng
pangaraw-araw na gastusin. “Ang kwento ng isang Ina na may walong (8) anak na
nagtatarabaho sa paglalaba ng labing dalawang (12) oras sa isang araw para
lamang masigurong may makakain ang kanyang mga anak”. [24]Siya
ay nakapagtapos lamang ng elemetarya at ang kanyang asawa ay natatrabaho lamang
sa mga kalye nagbibinta ng isda (street vendor) at walang sariling bahay,
ngunit nagsisikap na magtrabaho para sa mga anak na masiguro lang na
makapagtapos ng kanilang pag-aaral.[25]
Sa kabila ng kanilang kalagayan, sa hirap ng buhay isang katatagang-loob ang
makikita sa pamilyang ito, nagtitiis sa hirap, sa init upang mapag-aral ang mga
anak at ito ang nagpapatunay na ang pagiging matatag at matibay ay isang
katangian ng mga Pilipino. Ang Panlipunang pag-analisa ay ang pagtanaw sa mga
makabuluhang pangyayari ngayon na natatamasa ng mga Pilipino upang mailarawan
na ang Pilipino na kahit anumang hirap ang danasin ay nananatiling may
katatagan at tibay ang loob dahil malakas ang paniniwala ng mga ito na may
pag-asang darating sa buhay basta’t maypananalig sa sarili na malalampasan ang
lahat ng hirap at sakit.
K. Ang Konsepto ng Pagiging Matatag at Matibay sa
iba’t ibang Kontexto
1)
Ang Pagiging Matatag at Matibay (Resilience) sa
Kalikasan
(Resilience in ecological systems is
not easily observed, and there seems at present to be no agreed relationship,
for example, between the diversity of ecosystems and their resilience (Pimm,
1984; Naemm et al., 1994; Tilman, 1997). Thus many tropical terrestrial
ecosystems have stable and diverse populations but are relatively low in
resilience, while similar ecosystems in temperate regions with apparently low
diversity can exhibit greater resilience.)[26]
Sa konteksto ng pag-aaral sa kalikasan (Ecology) ng
pagiging matatag at matibay ay ang itnatawag ni Holling na “ecosystem
resilience” na katumbas sa kanyang tinatawag ng “equilibrium resilience”. Ang
“equilibrium resilience” ay ang sukat sa lakas ng kalikasan sa agarang pagbalik
nito sa “equilibrium” kasunod ang tinatawag na perturbation.[27]
(Equilibrium is a
mechanical system is at equilibrium if the forces acting on it are in balance.
For example, when a body floats, the force of gravity is balanced by the
buoyant force due to displacement of the liquid. The "balance of nature''
(Pimm 1991) is an extension of this idea to the natural world. The concept
usually refers to steady flows of energy and materials, rather than to a system
whose components do not change.)[28]
Sa pagkakaintindi naman ni Schoons ay binibigyang
diin niya ang pagbabahagi sa “operational definition ng resilience na iba naman
sa kahulugan ni Holling ng “ecosystem resilience”, na ang resilience ang
kahulugan nito ay batay sa kung gaano ang sukat nito at ito ay iba sa kahulugan
ng konseptual (conceptual definition) na ang ibig niyang sabihin dito ay
“descriptive at possibly explicative”, ito ay ang dapat na makuha sa kahulugan
ng konsepto.
(Resilience
is an emergent property of ecosystems and is related to self-organized behavior
of those ecosystems over time. In this sense, self-organization is the
interaction between structure and process that leads to system development,
regardless of initial conditions. Self-organization also implies that for
certain scale ranges, structure and process are not easily separable and interact
in an organic way to generate emergent patterns. The adaptive cycle or
four-phase model of Holling describes how patterns and processes change over
time in many ecosystems, especially those with disturbance regimes.)[29]
Dahil sa
pagbabago ng mundo at pagbabago ng klima at ng kalikasan o kapaligiran, sabi ni
Holling ang resilience ay may kinalaman sa pagpupumilit (persistence) sa
kaugnayan ng sitema (system) at ang sukatan ng kakayahan ng sistemang ito ay
ang i-absorb ang pagbabago ng klima sa bansa na pilit na nananatili.[30]
Ang paggamit ni Holling at Schoon sa konsepto ng resilience sa konteksto ng
Ekolohiya ay isang teknikong paglalarawan. At dagdag dito sa pag-aaral rin ni Lance H. Gunderson sabi niya:
(Ecological
resilience was defined as the amount of disturbance that an ecosystem could
withstand without changing self-organized processes and structures (defined as
alternative stable states). Other authors consider resilience as a return time
to a stable state following a perturbation. A new term, adaptive capacity, is
introduced to describe the processes that modify ecological resilience. Two
definitions recognize the presence of multiple stable states (or stability
domains), and hence resilience is the property that mediates transition among
these states. Transitions among stable states have been described for many
ecosystems, including semi-arid rangelands, lakes, coral reefs, and forests. In
these systems, ecological resilience is maintained by keystone structuring
processes across a number of scales, sources of renewal and reformation, and
functional biodiversity. In practice, maintaining a capacity for renewal in a
dynamic environment provides an ecological buffer that protects the system from
the failure of management actions that are taken based upon incomplete
understanding, and it allows managers to affordably learn and change.)[31]
Sa
paglalarawan ng isang pag-aaral ang kalikasan at ang lipunan ay may kaugnayan
na sinasabi ng isang pag-aaral
(The
concept of resilience is clearly related to other configurations of environment
society relationships such as vulnerability and criticality, some of which have
an explicit spatial dimension to these social processes. Analysis of
vulnerability as a social phenomenon also has a long tradition within cultural
geography and the critical questions of food security and famine. It is related
to the study of criticality (a concept applied spatially at different scales)
and to security.) [32]
2)
Ang Pagiging Matatag at Matibay sa mga Sakuna
Anumang pangyayaring lumikha ng kapahamakan;
kasawiang-palad na hindi inaasahang mangyayari ay ang tinatawag na sakuna. Ang
buhay ng tao limitado lamang dito sa mundo, sa pakikibaka niya araw-araw may
mga bagay na hindi namamalayan at hindi napapansin ng tao sapagkat hindi lahat
ng bagay ay hawak niya kaya’t pag may dumarating na sakuna ito ay bagay na
hindi nalalaman ng tao at higit sa lahat hindi napipigilan. Ang pagiging
matatag at matibay ay pinagmumulan ng mga paghihirap sa buhay kaya’t nabuo ang
konseptong ito.
Maraming pangyayari na ang naganap sa bansang
Pilipinas na hindi inaasahan ng lahat dahil walang nag-aakala niton a darating
maging sinong tao man sa mundo ay hindi alam ang kaisipan na mayroon ang mundo,
may mga haka-haka ngunit ito ay haka lamang hindi tiyak at hindi sigurado. Sa
mga bagay na ito walng kapangyarihan ang tao na bumuo ng higit sa lahat.
Kung minsan ay may bumubuo na kaisipan sa mga
Pilipino na kaya nagkakaroon ng sakuna ay dahil gumaganti na raw ang mundo sa
mga ginagawang hindi kanais-nais ng tao o hindi ayon sa mundo na nakakasira
dito at hindi nakakabuti sa lahat. Kung sa pag-iisip na ito ay sinasabi ng
kasabihan “huwag mong salungatin ang agos ng ilog upang hindi ka nito
gantihan”. Sa mga sakunang nararanasan ang kahaagahan ng pagiging matatag at
matibay ay hindi pagsuko ng sarili dahil may katatagang-loob at ang kabutihan
na nadudulot nito ay kapayapaan hindi lang sa kapwa kundi pati sa sarili.
Ang sakuna ay katumbas nito ay ang pagsubok, pag
may sakuna may pagsubok kaya’t nararapat na handa palagi ang sarili sa anumang
mangyari upang harapin na may tatag at tibay ang mga ito sapagkat sabi ni
Tianggco, metaphorically, ang hangin, ilog at bagyo na bilang halimbawang
metaphorical ay nangangahulugan ay ang pagsubok na kinahaharap ng mga Pilipino
ibig sabihin niya “itong pagsubok na ito ay galing sa natural na processo ng
kalikasan (nature), sa madaling salita, ang mga problema, kahirapan, pagtitiis
na nararanasan ay isang natural ding mukha (natural features) ng mundo at hindi
kailangan ikasama sa kasalungatan ng buhay”.[33]Ito
ba ay nangangahulugan na ang mga Pilipino ay isang “absurb man” na tinutukoy ni
ni Albert Camus? ang sagot ni Tiangco dito ay marahil oo sa kabilang punto at
hindi sa ibang kadahilanan. Kung oo, ayon naman kay Elwood, siya ay
makapagdesisyon na tanggapin na pasanin ang mundo sa pamamagitan ng kanyang
lakas na walang kasiyahan at sa puntong ito gusto niyang bigyang diin ang
aspeto sa paglalarawan ng lakas (strength) sa pamamagitan ng pagsasanay sa
pagtanggap at hindi pagtutol sa haka ng pangtanggi sa pag-asa at tanaw sa buhay
na walang kasiyahan.[34]
Ang sakuna ay malabong hindi mangyayari sa isang
bansa kaya’t hangga’t hindi pa ito dumarating ay dapat iniisip na ang maging
kahinatnan nito kung sakaling mangyari ang mga bagay na hindi kanais-nais. Ang
paghahanda sa sarili ay isang paraan upang mapagtagumapayan ang anumang
mangyari, mas mahalaga ang buhay kaysa sa ibang mga bagay at ang pagiging
matatag at matibay ay ang siyang paraan upang harapin ang mga ito.
Unexpected events show up
everywhere in our lives, in our corporate life and in our other lives as well.
The future will continue to involve the unexpected. Since unexpected events
will crop up in the context of what we expect, they will be easy to miss until
they have escalated into a more advanced stage. This means it makes sense to
develop capabilities to cope with surprises and bounce back from them.[35]
3)
Ang Pagiging Matatag at Matibay sa Sikolohiyang
Pananaw (Psychology)
(Emerging from the field
of developmental psychology, studies on resiliency attempted to explore why
some individuals from high-risk or adverse backgrounds seemed to thrive while
others failed. It is also characterized resiliency as the ability to bounce, rebound,
or recover. Resiliency is associated with a reduction of negative and
undesirable behavior and the exhibition of healthy or productive behavior, even
under difficult circumstances. There is actually no universal definition of
resiliency. However, there is an existing central notion that resiliency
concern successful coping with or overcoming risk and adversity or the developments
of competence in the face of sever stress and hardship.)[36]
Isa sa nagbigay ng malaking ambag sa pagbibigay
direksiyon ng Sikolohiyang Pilipino ay si Virgilio Enriquez, isang dating
propessor sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa mga naisulat niya mararamdaman ang
panawagan na na angkop na pamamaraan ng tagapanaliksik upang Makita ang diwa ng
mga Pilipino sa pag-aaral na ito.
Ang tao ang siyang puno at dulo ng lahat ng
taalakayan sa sikolohiya. Makatotohanan ang winika ni Sokrates (469-399 B.lk)
na ang pangunahing katunggkulang ng tao ay ang alamin ang kanyang sarili. Ang
sanhi ng maraming pagkakamali sa buhay, ayon sa kanya, ay ang kakulangan ng
ating pagkakilala sa tunay na kalagayan ng tao[37].
Inaasahan niya na maraming suliranin ang malulutas sa sandaling mabigyan natin
ng sapat na pansin ang bagay na ito, subali ito ay kanyang isang teorya lamang
ni Socrates hindi parin natin makakaligtaan na aang buhay ay kaakibat nito ay
ang mga suliranin sa buhay, mga pangyayari at karanasang nagbibigay kulay at
kabuluhan sa kany, kaya’t kung sa sekolohiyang pananaw, ang tao ay siyang
sentro ng pinag-aaralan.
Sa Sikolohiyang pananaw kung sa kaso ng ng
matinding pagkagulat (Shock), Truama, o Kahirapan (adversities) na siyang
sinasabi na mga mananaliksik tungkol dito ay:
Psychological research on
posttraumatic disorder has emphasized the deleterious effects of crisis on
individuals. Norris and colleagues, empirical review of 160 studies on disaster
determined the potential range and magnitude of a disaster’s effect on mental
health and the experiential, demographic, and psychosocial factors influencing
the most affected victims. Other scholars have examined death and dying,
terminal illness, trauma, or life-threatening events to uncover the positive
psychological effects and benefits of individual trauma and victimization.[38]
Ang pananaw ng mga Sikolohista dito
ay pagbabalik sa normal na galaw ng isang bata na nakaranas ng pagka-truama o
anu paman na nangangailangan ng pagalalay upang bumalik uli sa dati nitong
normal na galaw at pag-iisap at higit na makakatulong dito ay ang tinatawag
nilang organizational resilience na ang ibig sabihin ng mga sikolohista dito
ay,
Developing
the concept of organizational resilience manifest in systems that experience
set backs and where trauma touches individual organizational members, this
study contributes in an important way to understanding mechanisms organizations
and their members display and develop through a crisis event. This work
articulates the capacity of connections that enable individuals and
organizations to overcome, to pass through difficulty, and to adapt to untoward
events.[39]
ito ay pag-aaral na makaka-balik
lamang ang isang bata sa kanyang normal na pag-iisip kung mapapahalagahan ito
sa pakikihalo-bilo niya sa ibang tao.
Social
Competence includes any prosocial behavior,
including empathy and caring, a sense of humor, responsiveness, the ability to
communicate well with others, and other behaviors which allow the child to
develop positive relationships and friendships.[40]
Ang pananaw na ito ng mga Sikolohista ay
bahagyang makikita rin natin sa mga Pilipino na kahit anumang pinagdaanan nila
sa buhay ay madaling mapagtagumpayan ang mga ito at nagpapatunay na may
Katatagang-Loob ang mga ito.
An individual’s self-esteem is an important facet in time of
stress and adversity fir it acts a buffer for the negative or harmful effect
during stressful situations. It is something what an individual can rely as
cognitive resources that enable him to deal with unsatisfactory circumstances,
thus, this related to the concept of resiliency. Literature about the concept
of resiliency advocates that both the parents’ concerted efforts to get support
from their social network (relatives, friend, community, etc.) and at the same
time, developing their children’s self-esteem and self-confidence are
beneficial in promoting the child’s health and well-being and the whole society
as well. The individual’s self-esteem is crucial when he or she is faced with
adversity and will affect in a way his or her resilience, or the ability to
bounce back from adversity or crises.[41]
D.
Ang mga Kaugnay ng Pagiging Matatag at Matibay
1)
Pagiging Matatag at Matibay o Resilience ay
Katumbas sa salitang Katatagang-loob
Ang Pilosopiya ng mga Pilipino ay isang produkto ng
kultura at kasaysayan sapagkat ayon kay Gripaldo ang Pilosopiya ng mga Pilipino
sa kasaysayang pagiisip ay naka-ugat na sa kanilang mga karanasan lalong-lalo
na sa mga tao na nakaranas ng kolonyalismo at Neo-Kolonyalismo. Ang pagiging
matatag at matibay ay katumbas sa salitang Katatagang-Loob sapagkat kung ating
mababatid ito ay binibigyang kahulagan sa pagiging matatag at matibay na may
kaugnay sa kahulugan ng Katatagang-Loob ito ay ang pagiging matatag at matibay
o resilience ay ang kakayahang ibalik ang sarili mula sa mga pangyayaring hindi
kanais-nais na sinasabi rin ng Katatagang-Loob na sa oras ng mga kahirapan sa
buhay may kaugaliang pagiging matatag at matibay at ang kahalagahan na nagagawa
nito sa iba ay pagiging matatag at matibay na kalooban na walang karahasan.
2)
Tiyaga o Pagiging Matatag at Matibay
Ito ang kabuluhan ng buhay ng mga Pilipino na hindi
nauubusan ng tiyaga at katatagan sa kabila ng mga paghihirap o pagsubok at ito
ay dahil sa kanyang pagiging Matatag at Matibay. “Ang pigiging Matatag at Matibay,
gayun pa man ay may tinatawag na
Saturation Point”[42]
at kung ito ay maabot siya ay magsisimulang ng may kagitingan at katapangan sa
kanyang kalayaan at karapatan. At kung meroon mang tagumapay sa pangkabuhayan
(economis achievement) sa bansa, ito ay nararapat lang na ibigay natin ang
karangalan sa mga Pilipinong nagging Matatag at Matibay dahil sa kanyang
pagtitiyaga ang mga manggagawang Pilipino na siyang nagtitiyagang magtrabaho
para tayo umunlad sa ating pangkabuhayan. Ang pagiging Matatag at Matibay o
Tiyaga ay dahilan kung bakit ang Pilipino ay Malakas sa kahit na anumang
pagsubok ay nalalagpasan nito ang mga hirap, kayang lagpasan nito ang
katiwalian at hindi sapat at malinaw na mga kolonyalista sa bansa noong panahon
ng pananakop. Subalit wala silang magandang komunikasyon sa bawat isa,
samakatwid walang nagging tugmang layunin ang nabuo sa panahong ito sapagkat
dahil tinuruan nila ang mga Pilipino na kanilang layuni an gang Panginoon at
ang kapangyarihan ay nasa mga prayle lamang. “Ang mga Amerikano naman tinuro
nila kung paano kumanta ng “God bless America”. Ngunit ang tiyaga ng mga
Pilipino ay dahilan ng kanilang pagtayo sa sariling mga paa, ang mag-isip at
magsalita ng may kalayaan o malaya”. [43]Ang
totoong kayamanan ng mga Pilipino ay ang katangian ng bawat isa, talento,
karunungan, ugali, hilig at mga kahalagahan (values) na hindi nawala kailan
man. Nangangahulugan lang na ang mga Pilipino sa panahon ng pananakop ay
nakayanan nilang maging matatag at matibay dahil sa pagtatayiga sapagkat
mayroon silang natatagong kayamanan sa kanilang sarili.
Kaakibat ng tiyaga at pagsusumikap ang
Katatagang-loob sa paggawa. “Ang hindi makipagsapalaran”, sabi ng mga tagalong,
“ay hindi makatatawid sa karagatan”. Umano, hindi mayayari ang anumang gawa
kung hindi lalakipan ng lakas-loob. At wala naming mahirap na gawa kapag
gagaanin sa tiyaga. Tungkol dito, sabi ng mga Ilokano, “Awan ti rigat a di
malasat” (walang hirap na di malulusutan o mapagtatagumpayan). Angkop dito ang
palasak na kawikaang Tagalog, “Walang matimtimang Birhin sa matigsang
manalangin”. Kaya sabi rin ng mga Boholano, “Ang tawong taas ug paciencia, dili
malagmit ma disgracia” (ang taong matiyag ay hindi mahirap mabigo.) ibig
sabihin, kapag matiyaga ang tao’y may kaukulang gantimpalang kanyang mapapala.[44]
3)
Ang Pilosopiya ng “Tayo” sa
Pagiging Matatag at matibay
Ang Pilosopiya ng tayo ay nasa kaugalian ng mga Pilipino.
Kung ang mga taga kanluranin ay nauukol sa kanila ang sari-sariling mga
karapatan sa kanilang sariling habol sa kasiyahan ay nakabatay kung paano sila
mag-isip sa tun-tunin ng kanilang pag-iisip. Isa sa sentro ng problema ay
nakabatay kung paano gampanan o gawin ang pansariling karapatan sa kabutihan ng
lahat (common good) [45].
Kung ang mga kanluranin ay pukos sa pagpapahalaga sa sarili (individualism)
kumpara sa mga Pilipino ay may kahalagahan sila ng pakikipag-kapwa tao o
(communitarism) ang pagtutulungan ng bawat isa dahil ang kaligayahan para sa
kanila ay ang pagtulong o tulongan ang kapwa bilang isang kumunidad[46]. Ang
kapwa bilang pinagmulan ng pagiging matatag at matibay ay sa kanila nagmumula
ang lakas kung ang iba (others) may pagmamahal katulad ng mga magulang,
kamag-anak, kababayan at higit sa lahat ang relasyon ng ina at ang anak[47]. Dito
marahil kumukuha ng katatagang-loob ang sarili sa kapwa sapagkat nagbabahagi
ang kapwa sa iba at kahalagahan ng meron ang mga Pilipino ay hindi sila
sari-sarili (individualistic) may kaugalian sila ng pakikipag-kapwa na siyang
sinasabi rin ng pilosopiya ng tayo kumpara sa mga taga kanluranin
na siyang nagpapatatag at nagpapatibay sa kanila.
“Studies on family adversity, stress, and coping explians
that social support serves both as a protective factor or the role of
adjustment in facilitating the family’s ability to maintain its functioning in
the face of risk and adversities; and as a recovery factor which also serves as
adoptation, promoting the famil’s ability to bounce back and adpat to family
crisis.”[48]
Ang pagtutulungan sa oras ng mga pagsubok ay makikita ang
kaugaliang ito ng mga Pilipino sapagkat dito nagmumula ang pagpapahalaga ng tao
sa kapwa ang pagdamay sa oras ng kagipitan.
(Indeed, to his capacity to overcome himself and rise to his
finest hour in times of the greatest peril, showing courage beyond the call of
self-preservation, showing bayanihan beyond the call of self-sacrifice).[49]
IKA APAT
NA KABANATA
KATATAGANG-LOOB: ISANG KATANGIAN NG MGA PILIPINO
A.
Ang Pilipino sa Oras ng mga Unos
Ang isang katotohanan sa buhay ng tao na hindi matatakasan
ay makikita sa pagsapit ng mga kalamidad o unos. Ang mga kalamidad at unos na
ito ay mga pangyayari na minsan hindi inaasahan ngunit sa ganitong kalagayan
makikita ang nakakamanghang pagtutulungan sa mga Pilipino. Ilang mga pangyayari
na ang sumubok sa bansa subalit makikita pa rin natin na ang Pilipino ay
nakatayo pa rin at makikitang masisinag
ang katatagan nila dahil nagkakaisa sila sa panahon ng kahirapan. Ang
katatagang-loob na siyang katangian ng mga Pilipino ay makikita natin sa mga
panahong ito, ang Pilipino sa oras ng mga unos ay mas lalong nasusubukan sa
pagharap nito. Noong ika-26 ng Setyembre (26) taong 2009, ang Pilipinas ay
nakaranas ng isang kalonus-lunos na pangyayari, ang hagupit ng bagyong Ondoy na
siyang dahilan ng pagkawala ng maraming
buhay, marami sa mga Pilipino ang nagluksa, mapahirap man o mayaman, walang pinili
ang hagupit ng matiniding hangin at ulan ng bagyong Ondoy maraming nasirang mga
bahay at establisamyento. Umapaw ang mga dalupang tubig na dahilan ng
pagkalunod ng marami. Hindi natin matatakasan ito sapagkat tayo ay malapit sa
dagat-Pasipiko na kung saan nanggagaling ang mga bagyo. Bawat taon, mga 20
bagyo ang pumapasok sa bansa. Katulad rin sa pagdating ng bagyong si Pedring,
marami ang nasalanta. Malaking bahagi ng Maynila ay nilamon ng malalaking alon
na nanggaling sa dagat, marami ang muling nakaranas ng kamatayan sa pamilya,
pagkawala ng kabuhayan at pagkawasak ng mga tahanan at gusali ngunit ang
lungkot ay sandali lang. Buhay rin ang nasira dahil dito at mga puno na nilamon
rin dahil sa matinding hangin, kung kaya’t makakatulong nga sa mga Pilipino na
ang pagiging matatag at matibaay nito ay hindi ka talaga makararanas ng
matinding pagkalungkot sa pangyayari kung taglay niya ang katatagan ng loob.
“Ang lokasyon ng Pilipinas
ay nasa tinatawag na Ring of Fire”[50] na kung saan minsan nakararanas ang
bansa ng malalakas na paglindol na kahit gaanoman kalaki at katibay ng mga
istruktura ay naguguho rin. Maging ang mga moderno at sopistikadong makinarya
at kasangkapan para dito ay hidi kayang makaalam ng ganitong mga kaganapan”.
Ito ang mga pangyayari na nakapalibot sa atin, ngunit ano
nga ba ang magagawa ng mga Pilipino kundi harapin ang mga ito dahil ang mga
Pilipino sa kabila ng mga pagsubok may kakayahang lumaban sa mga pasakit ng
buhay. Ayon nga sa isang kasabihan “try
and try until you die”, subukang lumaban sa mga unos ng buhay, ito ay
kaakibat ngt ating paglalakbay tungo sa hinaharap, hanga’t kaya pa ay labanan
ito sapagkat angkin ng lahat ang katatagan at pagiging matibay.
B.
Ang Pilipino sa Pananalangin
Ang mga Pilipino ay may ugaling maka-Diyos, at madasalin
sila. Naniniwala sila “na ang pagdarasal, pagrorosaryo at pananampalataya sa
mga santo at santa ay kasama sa kanilang buhay bilang mga anak ng Diyos”. [51]Ang mga
ito ay sa kasaysayan ng bansa ay impluwensiya ng mga Espanyol na siyang nagdala
ng Katolisismo sa bansa. Sa ginawang pagsasaliksik nina Dante L. Barcelona,
Alvin S. de Guzman, Emiliano Q. Ibera III mga mag-aaral ng Inter-Congretional
Theological Center (ICTC) tungkol sa Tiis, Tiyaga, at awa ng Diyos na kung saan
sa pakikipagtalakayan o pakikipag-usap nila sa iilang dukhang Pilipino ay
ganito ang kanilang sinasabi:
-
Kung minsan ay binibigyan tayo ng karamdaman o pagkagutom,
ipinahihiwatig lang sa atin na lumapit tayo sa Kanya at huwag tayong makalimot
sa Kanya, lagi nating alalahanin na may Panginoon na kumikilos sa atin.”
-
“Magtiis lang tayo at ibibigay naman ng Panginoon ang ating
kahilingan.”
-
“OO, may kagipitan at kahirapan sa buhay pero Siya ang
gagawa ng kalutasan.”
-
“Umiiyak na lumapit ako sa kanya at ibinuhos ang aking
problema.”
-
“Pag may problema nanalangin sa Ama na nawa’y malutas ang
aking problema.[52]
Ang mga indibidwal na pahayag ito na sa kanilang
pakikipagusap ay magpapaliwanag kung gaano ang kanilang paniniwala na gumagalaw
ang Diyos kahit sa kanilang buhay at sa gitna ng kahirapan o paghihirap hindi
sila nawawalan ng pag-asa sapagkat naka angkla ang kanilang paniniwala na ang
Diyos ang tutulong sa kanila sa pamamagitan ng pagdarasal. Ang pinagkukunan
nila ng katatagang-loob ay ang pananalig sa Diyos kaya’t sabi ng mga
katagalogan “Mapait ang magtiis ngunit ang bunga’y Matamis”, ito ang bunga ng
kanilang mga pagdarasal kung minsan ay hindi natutupad ngunit naniniwala sila
na darating din ito sa kanila, sa pamamagitan ng pananampalataya ay nagkakaroon
ng katatagan ng loob kung kaya’t sila ay daop ang kamay sa pagdarasal sa
Panginoon na siyang nagbibigay ng biyaya sa araw-araw na pakikibaka natin.
Kung minsan may mga pangyayari sa buhay ng tao na nasa punto
na hindi rin alam ang gagawin at hindi na alam ang kapupuntahan ngunit sa loob
niya gusto niyang may madamayan, may mga ganito talaga sa buhay ng isang tao na
nangyayari at kadaalasan sa kwento ay ang pagbabalik-loob sa Diyos isang
malaking pagbabago sa buhay na minsan lang mangyari. Mula sa pagkabigo muling
nakabangon ang Pilipino dahil sa paniniwalang tutulungan siya ng Diyos, isang
katatagang-loob ang nabubuo sa kanyang sarili dahil sa kanyang paniniwala at
pananampalataya.
Ang pananampalataya at pagkatao ay may kaugnayan. Ang
pananampalataya sa kapangyarihan ng pagsunod sa mga utos ng Diyos ay
mapapatatag sa pagkatao sa oras ng agarang pangangailangan. Ang gayong uri ng
pagkatao ay hindi nahuhubog sa oras ng malaking hamon o tukso. Ang
pananamapalataya sa mga tunay na alituntunin ay nagpapatatag; ang matibay na
pagkatao ay pagpapalawak sa kakahayan at tiwala na harapin ang mga pagsubok sa
buhay. Sa pagtatag ng pagkatao lalong magagamit ang kapangyarihan ng
pananampalataya. Matutuklasan kung paano pinatatatag ng pananampalataya at
pagkatao ang isa’t isa. “Ang pagkatao ay matiyagang nabubuo sa pamumuhay ng
alituntunin, doktrina at pagsunod.” [53]
Sabi ni Pangulong Hugh B. Brown: “Sa buhay, ang mga dakila
at espirituwal na pagpapahalaga ay makakamtan lamang ng tao sa pamamagitan ng
pananampalataya.”[54] Hindi
mabubuhay ang tao kung walang pananampalataya dahil sa pakikipagsapalaran sa
buhay, ang mismong problema ay ang pagpapatatag sa pagkatao na hindi produkto
ng katwiran kundi pananamplataya sa mga huwaran at debosyon sa mga ito na niya
kaakibat na sakripisyo.
Malaki ang pananalig ng Pilipino sa Diyos. Ang pakiwari
niya’y hindi siya maliligaw ng landas kapag siya’y mananalig sa kanya.
Halimbawa’y sinasabi ng mga Tagalog, “Walang kay Bathala nanalig na
sumasapanganib”. Sinasang-ayunan ito ng mga Boholano, “Ang tawo nga dunay
devocion sa cadaut dili mo oyon. Macadaog sia guihapon cay dunay panabiang nga
Diossuon”. (Hindi magtatagumpay ang kasamaan sa isang taong taimtim ang
paananalangin niya sa Diyos.) Alalaong baga, naniniwala ang Pilipino na kapag
ang tao’y nananalig sa Bathala ay hindi siya pinabaabaayaan ng huli. Ganito ang
pangangatwiran ng mga Boholano, “Ang butang nga dili hikitan ug dili hidung-an
sa tawo, sa langit hikitan ug habaloan”. (Ang mga bagay na di-nakikita at di
naririnig ng tao’y nakikita’t naririnig ng langit.) Kaya “Ang tawo nga
makiangayon,” sabi nila, sa Diyos pag caloyan”. (Ang taong mabait ay
pagpapalain ng Diyos.) Subalit hindi lahat ay ipinauubaya ng Pilipino ang
kanyang pananagutan sa Diyo. Tahasang inaamin niya na ang paggawa ay ssiyang
puspusang pananagutan ng tao at hindi siya dapat umasa na lamang sa awa ng
Panginoon. Ang kanyang tiwala at pananalig sa Panginoon ang nagbibigay sa kanya
ng Lakas-loob na gumawa.[55]
Ang mga Pilipino ay
malapit ang loob sa Diyos sa pagkat naniniwal sila na sa pananalangin sa Diyos
ay nagbibigay sa kanila ng Katatagang-Loob kung kaya’t nananatili silang
matatag at matibay dahil sa kanilang paniniwala na tutulungan sila ng Diyos.
“Tiyaga, suwerte at awa ng Panginoon ay ang dahilan kung bakit ang mga Pilipino
ay patuloy na bumabango sa mga pagsubok dahil sila ay naniniwala na lahat ay
gawa ng Panginoon, kaya’t ang lahat na gawa Niya ay nararapat lang nababalik sa
kanya”. Ayon nga sa kasabihan ng mga Pilipino “nasa Diyos ang awa, nasa tao ang
gawa” at “ang maging malapit sa Diyos ay malapit sa biyaya.”[56]
K.
Ang Pilipino sa mga Pagsubok
Ang mga problema o mga kasawian, kung ituturing ng mga
Pilipino ay isang pagsubok lamang kaya’t patuloy ang laban ng kanilang buhay
anu man ang mangyari.
Sa gitna ng pagsubok may dalawang mahalagang bagay ang
nararapat na isaisip: una ang kalinawan ng kaisipan at ikalawa ay ang katatagan
ng kalooban. Ayon sa mga pag-aaral, iba’t iba ang pagharap ng tao sa pagsubok
at mga suliranin. Ito ay dahil sa iba’t iba ang pananaw at antas ng kamalayan
at lalim ng pagdama sa mga ito. May mga taong madaling sumuko sa kanilang buhay
samantalang mayroon namang marunong humarap sa buhay. Nasa pagtingin at
pagpasya kung paano malulutas at haharapin ang mga suliranin at pasubok. Maaaring
itulad sa pagsusuot ng sunglasses na may itim na lens. Kapag pinili ito tiyak
na ang lahat ay madilim at walang makikitang liwanag at pag-asa. Ngunit kung
susubukin magsuot ng isang maliwanag na salamin, tiyak makakakita ng liwanag.
Ganito rin ang pagsubok, makikita at matutuklasan pa ang kahalagahan ng buhay
sa gitna ng mga ito. Normal ang makaranas ng pagkatakot at pag-aalaala sa gitna
ng pagsubok. Ngunit mahalagang maging matatag at matibay ang kalooban sa
pagharap ng mga ito.
The Filipino is able to take in the slings and arrows of
outrageous fortune because that is his natural lot in life. He is poor, he is
abject, he has nothing. He has learned to fend off the slings and arrows of
outrageous fortune because those slings and arrows have been coming at him
every day of his life. Practice makes perfect, a lifetime of handling adversity
makes for skill and ability.[57]
IKA LIMANG KABANATA
ANG
PAG-AARAL SA PILOSOPIYANG PILIPINO NG PAGIGING MATATAG AT MATIBAY O
KATATAGANG-LOOB
A.
Penominolohiyang
Pag-aaral (Phenomenological Study)
“Dahil
walang umiiral na pagaaral sa tinawag ng Filipino Legal Philosophy at dahil ang
pinagtutuunan ng pansin ng lahat ay ang isip kanluranin, ito ay kinakailangan
na maipalaiwanag sa pamamagitan ng penomenolohikong
pagsusuri o pag-aaral”[58]sa
paksang ito upang mabigyang linaw ang pagaanalisang pamamaraan sa konsepto ng
Katatagang-Loob sa mga Pilipino at ang Pilosopiyang Pilipino ng Paagiging
matatag at matibay. Dahil sa maraming mga klase ng pagpapaliwanag sa “penomenolohiyang”[59]
pag-aaral at ginamit sa iba’t ibang pamamaraan nais ng tagapanaliksik na
gamitin ang pagpapaliwanag bilang isang “eksperiential”[60](Experiential)
o karanasan (Experience) na pagpapaliwanag sa pag-aaral ng karanasan ng mga
Pilipino sa bawat pagsubok ng kanilang nararanasan sa buhay basi sa mga
pangyayari noon at ang kasalukuyang na nangyayari ngayon sa Pilipinas sa
kanilang patuloy na pagpapahalaga sa katangian ng Katatagang-Loob. Kaugnay dito
upang maaruk ng bawat Pilipino ang kaaisipan na ang Pilipino ay may sariling Pilosopiya at
ito ay ang karanasan ng bawat isa na binibigyang halaga ni Timbreza na siyang
nagsasabi na ang Pilipino ay may pilosopiya.
Dahil lahat ng tao ay may
natatanging karanasan sa buhay at ang karansang ito ang siyang batayan ng
kanilang pandaig-digang pananaw. Ang kanilang pandaigdigang pananaw rin ang
siyang bumubuo sa kanilang pilosopiya. Kung ang pilosopiya ay nag-uumpisa at
nag-uugat sa karansan at nagtatapos din ito sa karanasan, at lagging hinahanap
ang tanging kabuluhan ng buhay sa lingid ng bawat karanasan, nangangahulugan na
mayroon din naming karanasang Pilipino. Hindi lamang ang mga dayuhan-ang mga
griyego, Amerikano, Intsik o Kastila ang may karanasan. Ang lahing kayumangi ay
may natatanging karanasan din na singyaman at singdakila ng karanasan ng ibang
mga lahi. Isang pa, kung ang pilosopiya ay nababatay sa mga pandaigdigang
pananaw na aangat sa tunay na karanasan sa buhay, pinatutunayan niton a
mayroong pilosopiyang Pilipino sapagkat mayroon din naming natatangi’t katutubong
pag-iisip at mga pandaigdigang pananaw ng mga Pilipino na batay sa likas nilang
karanasan sa buhay.[61]
Nakikita
ng tagapanaliksik na maaangat ang konsepto ng Katatagang-Loob sa pilosopiyang Pilipino ng pagiging matatag at matibay sa pamamaraan
ng pag-aaral na ito at dahil dito ang kaisipang Pilipino sa pag-aaral na ito ay
tunay na isang natatagi’t katutubong kaisipan upang magkaroon tayo ng sariling
pilosopiya batay sa mga karanasan. “Kung batay sa karanasan ang pilosopiya ng
isang tao o isang bansa tulad ng sinasabi ng mga penomenologo, at nandoon na
ang karanasang binubuhay ng tao, di ang pilosopiya ay walang iba kundi ang
eksplikasyon ng mga nakakubli sa karanasan. Ang pilosopiyang Pilipino ay walang
iba kundi ang pagbibigkas ng mga kahulugang na nakakubli sa ating karanasang
Pilipino.”[62]Ang
paghahanap ng Pilipino ng weltanschauung ay
isang karunungan na dapat muna niyang maransan upang maintindihan ang
kahalagahan ng buhay, ang karanasan ang siyang nagbibigay liwanag sa kaisipan.
“Ang
buhay ng tao ay puno ng karanasan” [63]at
sa mga karanasang ito ay marami ang pagsubok at paghihirap sa buhay na
sumusubok sa pagkatao at dito kinakailangang unawain ang kabuluhan o
kahalagahan ng paghihirap sa buhay.
(Understanding
suffering, both as a concept and lived human experience, has long been a
contentious issue and concern. It almost seems to go hand in hand that the frailty
of the human condition is to suffer. And for those who have grown weary of
existence as brought about by the experience of suffering, contemplation on
self-annihilation is a usual recourse. Others go beyond ideation succumbing to
suicide as a means of extinguishing the fiery burn that most who have had
suffered usually experience.)[64]
Ang
mga paghihirap na ito ay ang mga naranasan ng bawat tao at ito ang mga
karanasan din ng mga Pilipino noon man at ngayon na siyang tinawag na pagsubok
sa buhay at itinuturing na kaakibat sa buhay ng bawat Pilipino.
Ano
ang Katatagang-Loob sa mga Pilipino? Masasabi bang may Katatagang-Loob ang mga
Pilipino? Ito ay marahil nakaugat o nananalaytay na sa kalooban ng mga Pilipino
sapagkat ito ay isang katutubong paguugali na masasabing namana ng mga Pilipino
sa mga sinaunang mga Pilipino, ngunit ano ang Katatagang-Loob ng mga Pilipino
ngayon? Ang pagharap sa mga pagsubok sa buhay ay nangangailangan ba ng
Katatagang-Loob? Kailangang isaisip muna natin na lahat ng mga Pilipino ay may
pagsubok na kinahaharap sa buhay at lahat ng mga Pilipino ay may karanasan.
Kung ating titingnan ang karanasan ay ang pagsubok ng mga Pilipino o paghihirap
sa ibang konteksto, ang karanasang ito ng mga Pilipino ay di iba sa kanila sapagkat
hanggang ngayon pati ang bansa ay humaharap sa mga pagsubok. Lahat ng mga
pagsubok ay may kaugnay sa sarili na siyang aayos at gagawa ng paraan sa
anumang pagsubok na ito, ang sarili ang siyang sulosyon upang maayos ito at ang
pagkaugnay sa sarili na gawan ng paraan ang pagsubok upang mapagtagumapayan ito
ay ang karanasan ng tao na siya ring dahilan ng pagkakaroon niya ng kaisipan
upang gawin ito, ibig sabihin nagagawa niya ito dahil alam niya kung paano at
dito ay natututo ang tao na harapin ang pagsubok.
Ang
pagsasabi ng kaya ko ito! ay ang
isang positibong katangian ng mga Pililipino na siyang humihimok sa kanyang
sarili na labanan ang pagsubok dahil kaya
ko ito at dito lumalabas ang katangian ng Pilipino na Bahala na[65]
na meron ding positibong patutunguhan, na ibig sabihin may tiwala ka sa
iyong sarili kaya Bahala na paniniwala
sa sarili na matatagumpayan ang ano mang laban sa buhay. Itong dalawang katangian ng Pilipino na may ambag sa pagiging
matatag at matibay ng mga Pilipino o Katatagang-Loob sapagkat ang pagsasabi ng Kaya ko ito ay may elemento na
nanggagaling sa kalooban ng tao, naniniwala siya sa kanyang sarili na kakayanin niya, halimbawa, ang mga
Pilipinong atleta, ang pagsali sa isang laro ay nangangailangan ng paniniwala
sa sarili sa pagsasabi ng kaya ko ito at
ito ang sinasabi nating positibong pagiisip at hindi sa pagbabasakaling manalo
at katulad din sa pagsinasabi ang Bahala
na na isang paniniwala sa sarili na mayroong pagasa na matatamo. Ang
kahalagahan ng pagsasabing kaya ko ito at
bahala na ay parehong elemento na
nanggagaling sa sarili ito ay sa pamamagitan ng karanasan kaya nasasabi ang mga
ito at may elementong nagtutuklak sa sarili upang sabihin ito. Ang pagpapatatag
ng sarili ay ang paghihimok sa sarili na may kakayahan ka, ang pagsasabi ng mga
positibong mga bagay ay nagpapaluwag sa sarili upang magawa ang bagay na gusto
mong makamit kaya’t sa pagharap ng mga problema o pagsubok ito ay makakayanang
harapin dahil sa paniniwala sa sairili na kaya
ko ito. Ang taong may kaloobang ganito ay may paniniwala sa kanyang sarili.
Ang
Katatagang-Loob ay mauunawaan sa konteksto ng paghihirap at pagsubok at dito
mababatay natin ang mga katangian ng mga Pilipino na sa panahon ng mga ganitong
karanasan ay makikita ang paniniwala ng mga Pilipino ay nagiging malakas. Ang
kanyang pagiging matatag at matibay ay paniniwala sa kanyang sarili na
nagpapatag at napapatibay gayundin sa kanyang pagsasabing kaya ko ito, salitang may laman na nagpapahiwatig sa kanyang
katatagan na nanggagaling sa loob.
IKA ANIM NA KABANATA
ANG MARKA NG KATATAGANG-LOOB SA IBA’T IBANG
KONTEKSTO
A.
Ang Katatagang-Loob Noon
1)
Sa mga Santo
Si San
Pedro Calungsod na kababago lang naging santo ng simbahan ay isang martir
sapagkat siya ay naging matatag at matibay sa kanyang pananampalataya, hanggang
kamatayan. Ang martir ay Santong may matatag at matibay na kalooban sa pagharap
sa mga pasakit na kanilang natatamo. Ang buhay ng isang misyonaryo, katulad ni
Pedro ay dapat laging handa ang sarili sa lahat ng mangyayari. “Si Pedro,
kasama si Padre Diego, ay sinugod at pinagsasaktan, malaki ang pagkakataon ni
Pedrong tumakas ngunit hindi niya pinabayaang mag-isa si Padre Diego na
kasalukuyang sinasaktan na rin ng mga sumugod, naging matatag si Pedro hanggang
sa huling hininga niya.”[66]
Gayundin
si Santa Clara sinundan niya ang yapak ni San Francisco de Asis sa kabila ng
hindi pagtutol ng kanyang mga magulang na pumasok siya sa pamumuhay relihiyoso,
siya ay tumakas at tuluyang pumasok siya sa pagkarelihiyoso. Dahil sa kanyang
paniniwala at pananampalataya naging matatag at matibay siya at sinunod ang
kalooban para sa kanyang ninanais sa buhay. Ang mithiing maaging relihiyoso ay nagtulak
sa kanya upang magpatuloy at pangatawaan anumang hirap ang kanyang kaharapin.
Ang mga
Santo ng simbahan ay itinuturing na mga idolo sa pagiging malapit sa Diyos.
Sila ay ideniklara ng Santo Papa na maging ganap na Santo ng simbahan ang
pagpili sa kanila ay batay sa kanilang karakter upang maging huwaran rin sa ibang
mananampalataya at kaugnay dito ay ang kanilang Pananampalataya (Faith) Pag-asa
(Hope) at Pagmamahal (Love) at dahil dito makikita sa bawat santo ang
Katatagang-Loob.
2)
Sa mga Bayani
Ang mga
bayaning[67]
Pilipino na kilalang mga dakila sa bansa sa iba’t ibang larangan ng kanilang
kahusayan sa pakikibaka para sa bansa ay isang Katatagang-Loob. Ang isa sa mga
bayaning nagtataglay ng walang kapara na Katatagang-Loobay si Dr. Jose P. Rizal.
Pinatunayan ni Dr. Jose Rizal na sa kabila ng kanyang paghihirap mula sa mga
Espanyol patuloy pa rin siyang nanindigan sa kanyang pinaglalaban hanggang sa mahatulan
siya ng kamatayan. Hindi man siya namatay na kagaya ng iba iba na lumaban sa
pamamagitan ng armas o pag-aalsa lumaban naman siya sa pamamagitan ng panitik. Walang takot na inilantad niya
ang mga katiwalian sa panmahalaan, ang mga isyung panlipunan, pang-edukasyon at
panrelihiyon na naging sanhi ng matagal na pagkaalipin n gating bayan. Ang
katapangan at katatagan na ipinakitang ito ni Dr. Jose Rizal ay nag-udyok sa
ibang mga Pilipino na maging matatag at matibay rin na harapin ang mga
pang-aapi ng mga Esdpanyol hanggang sa makamit ang kalayaan ng bansa.
Nakilala rin
ang kagitingan ni Lapu-Lapu upang pigilan ang pangkat ni Magellan na masakop
ang Mindanao at ang mga naninirahan noon Pilipinas. Ito ang unang karanasan na
bumungad sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang karanasang ito ay nagbunga ng digmaan
sa panig ng pangkat ni Magellan at ni Lapu-lapu. Dahil dito nabuhay ang pananindigan at katatagan ng mga Pilipino sa
pagharap sa mga pangyayaring nagdudulot ng kalungkutan, kapamahakan at
kasawian. Ang Katatagang-Loob ayon, kay
Tiangco ay tumutukoy rin o kaugnay sa kawalang-karahasan, kahinahunan, kakalmahan,
determinasyon, bahala na, pagsusumikap na may parehong negatibo at positibo ang
taglay na kahalagahang pag-uugali ng mga Pilipino na nalinag sa mga ito.
Anumang hirap ang kanilang naranasan noon ay bunga ng kanilang pagiging matatag
at matibay kung bakit sa haba ng panahon ng pananakop ay hindi huminto o
tumigil ang mga Pilipino na lumaban sa kanilang karapatan na pinaglalaban sa
buhay. Isa lang naman ang kanilang ipinaglaban noon ang makamit ang kanilang
kalayaan, ang pagiging malaya sa sariling bansa kaya’t ang mga naging matatag
at matibay dahil sa kanilang determinasyong ipaglaban ito ay nagbunga ng
tagumpay.
Marami sa
mga bayaning Pilipino na nakalibing ngayon sa libingan ng mga bayani ay nagpapahiwatig
lang na ang Pilipino ay may matatag at
matibay na kalooban sapagkat dahil sa dami nila na naging bayani sa bansa
nangangahulugan rin lang na ang bansang Pilipinas ay likas na may
Katatagang-Loob. Ito ay kailangan ngayon sa buhay ng tao katulad ng mga bayani
na naging matatag at matibay sa laban ng kanilang buhay. Ang Katatagang-Loob ng
mga bayani ay pang-kabutihan o ang pag-aalay ng sarili para sa kapakanan ng
ibang tao dahil mahalaga rin sa mga Pilipino ang pakikipagtulungan sa kapwa na
may kagandahang-loob. Ito ay tunay na matatawag rin na kabayanihan dahil sa
pagiging mabuti at mapaglingkod niya sa iba.
Ang
Katatagang-Loob ng mga bayaning Pilipino ay isang kadakilaan sapagkat ilan
lamang sa mundong ito ang may ganitong kalooban. Tunay na sila ay mga huwaran ng bansa na
nararapat sundan ang mga yapak. Ang Katatagang-Loob na taglay nila ay may
angking kahalagahan at dapat panatilihin ng mga Pilipino sa kanilang sarili
bilang isang katangiang katutubo sa atin.
3)
Sa Panahon ng Digmaan at Pananakop
Ang
pandaigdigang digmaan ay isa sa pinakamadugong karanasan ng mga Pilipino na
kasulat na sa kasaysayan ng bansang Pilipinas at sa kaisipan ng mga Pilipino na
siyang nagpapaalala sa pagharap ng bansa sa paghihirap at pagdurusa noon at
hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang suluk ng mundo. Masalimuot na
karanasan ang dinanas ng mga Pilipino noon at sa halip na mamuhay na ng mapayapa
ay hindi nakamit ng mga Pilipino ito sapagkat mahina pa ang bansang Pilipinas sanhi
ng sa pakikipagdigmaan ibig. Walang panlaban ang bansang Pilipinas sa mga malalaking
bansang may mga armas. Ano ba ang laban ng mga itak at bolo ng mga Pilipino sa
mga aramas na pandigma ng mga kalaban? Hindi pantay o patas ang labanan noon
subalit ang mga Pilipino ay lumaban pa rin, kahit na sa kakulangan ng kanilang
mga gamit pandigmaan o armas, ninais pa rin nila na lumaban at mapagtagumpayan
ito. Ibang laban ang humamon ng kanilang kalooban noon at dito mauunawaan kung
bakit ang Pilosopong si Karl Marx ay nagnais na magkaroon ng rebolusyon at
magkaroon ng isang kumunistang pamahalaan sapagkat sa ganitong pamamaraan lang
maaaring magkaroon ng pagkapantay-pantay sa lipunan, walang mababa o mahirap at
walang mataas o mayaman. Sa hindi pagkapantay-pantay ng tao noong panahon ng
digmaan at pananakop sa Pilipinas hindi rin pantay-pantay ang pagkakaroon ng
karapatan sapagkat mas lamang pa rin ang may hawak sa kapangyarihan subalit
hindi man nagkaroon ng pagkapantay-pantay dito makikita ang matiyagang pagsusumikap
upang maging maligaya sa buhay sa kabila ng hindi pagkapantay-pantay sa
lipunan. Ang hindi pagkakaunawaan ay siyang sanhi ng digmaan ay siya ring
sumubok sa katatagan ng mga Pilipino. Ito ay bahagi lang ng pagsubok sa buhay
ng isang tao at sa mga Pilipino noon, ang digmaan at pananakop na siyang
nagkulong at nagpababa ng dignidad ng mga Pilipino ay siya ring dahilan ng pagiging
matatag at matibay nila. Ang pagiging matatag at matibay ng tao ay nasusubukan
sa ganitong pangyayari sa buhay dahil nais ng tao na may matatag na kalooban upang
malabanan niya na ang mga pagsubok sa buhay. Nais din ng tao na mabuhay at
mamatay nang mapayapa kaya’t sa panahon ng digmaan isa lang ang pinaglalaban ng
mga Pilipino ang makamit ang kalayaan at mamuhay sa kapayapaan. Ang pag-uunawaan,
pagkakaisa at katatagan ng mga Pilipino ay bumuo ng pwersang lumaban sa mga mananakop.
Sa
digmaan ay walang hindi nasasawing buhay, sa bawat putok, buhay ang nagiging
kapalit ngunit ang mga Pilipino ay naniniwala sa, “ang kamatayan ay siyang
tunay na sukatan ng pagkapantay-pantay, walang mataas o mababa, mayaman o
mahirap kapag kamatayan ang pinag-uusapan, sino’t ano ka man sa kabaong ka
lamang”.[68]
B.
Ang Katatagang-Loob Ngayon
1)
Sa Paghihirap o Kahirapan
Sa
panahon ngayon mas lalong dumarami ang mga pamilyang mahihirap at ito ang suliranin
ng bansa na dapat pagtuunan ng pansin ng mga lider ng bansa. Ang suliraning ito
ay kagyat na nangangahulugan ng solusyon
upang maiahon ang mga mahihirap na pamilya sa bansa. Maraming bagay ang pwedeng
pagtuunan ng pansin dito hinggil sa pagiging matatag at matibay ng mga
Pilipino. Ang kahirapan ng mga Pilipino ay nagtutulak sa kanila na magsumikap
at maging matatag sa buhay sapagkat kung hindi sila magsusumikap mananatili silang
mahirap ngunit kung siya ay may kasipagan at may katatagan sa pagharap sa mga
hirap ng buhay, ang kahirapan ay hindi malabong mapagtagumpayanan niya. Ito ang
dahilan na siyang napapatatag at nagpapatibay sa kalooban ng mga Pilipino na
kahit “anung hirap ng buhay ay naniniwala pa rin siyang may pag-asang darating
sa kanya”[69]iba
ang Pilosopiya ng buhay ng mga Pilipino sapagkat ito ang kanilang kinagisnan. Noon
pa man mahirap na ang bansa at ngayon patuloy at pilit pa rin siyang lumalaban
upang malagpasan kahirapan. Ayon kay Timbreza:
Isa sa mga kawiling-wiling
katangian ng Pilipino ay ang pagkamatiisin. Siya’y matiisin kahit na sa mga
kamay ng mga mang-aapi at manlulupig. Kaya niyang pasanin ang anumang hirap at
pasakit na idinudulot ng tadhana. Dala ito ng kanyang pagkamahinahon,
pagsusumikap at pagtitiyagang nakatuon sa kanyang layunin sa buhay.[70]
“Ang
konseptong pangkahirapan para sa mga Pilipino ay kaakibat ng kaginhawaan,”[71]
ngunit papaano nila ito nagagawa. Hindi nakapagtataka na ang mga Pilipino ay
matiyagang nagsusumikap sapagkat ang bawat pagsubok sa buhay ay tiyaga lang ang
kailangan dahil “hindi maaaring pawang sarap at tuwa, tagumpay at ligaya ang
laging tinatamasa ng tao,”[72]ang
tao ay dapat dumaan rin sa anumang hirap ng buhay bago niya makamit at
mapagtagumpayan ang mga layunin niya sa buhay. Ang paghihirap o kahirapan
ngayon ay nangangailangan ng matatag at matibay na kalooban upang patuloy na
lumaban sa hamon ng buhay na siyang sinasabi ng mga Ilokano “Awan ti rigat a di
malasa’t” (walang hirap na di maliligtasan)”[73]
Hindi giginhawa ang tao
kung hindi siya maghihirap. Ang buhay ng tao ay palaging hinuhubog ng mga
magkakatambal na sangkap ng kalikasaan, gaya ng saklap at sarap, pait at tamis,
init at lamig, lungkot at galak, atb. Dahil dito, kinakailangan ang maghirap
upang mapagtanto ang tanging sarap at ginhawa ng karanasang-tao. Kailangan
tikman ang pait upang malaman ang kahalagahan ng tamis. Kailangang maranasan
din ang hapdi ng lungkot upang lalong matalos ang kasiyahang dulot ng ligaya’t
galak. Angkop din dito ang kasabihang Tagalog, “ang taong nasanay uminom ng
luha, sa sangmundong dusa’y hindi luluha”. Ibig sabihin, kung naging bahagi na
ng iyong karanasan ang paghihirap, hindi ka na maninibago kung makararanas ka
pa ng paghihirap sa hinaharap”.[74]
Ang kahirapan ay ang bunga
o kagagawan ng mga taong gahaman sa kapangyarihan at kayamanan at ito ang sanhi
ng kanilang pagmamalabis sa paggawa ng kasamaan sa kapwa at ito ang mga punlang
kanilang itinanim na lumaki, ayon nga sa kasabihan “kung ano ang itinanim ay
siya ring aanihin”.
Ayon sa kanta ni Leo Valdez: “Sa buhay ay may
kalungkutan. At mayroon namang kaligayahan. Paglipas ng dilim sisikat ang araw,
upang magsimula ang bagong buhay.” Sa pagkat “Sa daigdig ang buhay ay ganyan.
Mayroong ligaya at lumbay. May ngayon at may nakaraan. May nakaraan at may
kinabukasan”.[75]Ang
paghihirap ay kapalit ng kaligayahan kaya’t ang taong may matatag at matibay na
kalooban na harapin ang mga kahirapan sa buhay ay makakakamit ng kaligayahang
naghihintay.
2)
Sa Pag-aaral
Isa sa
binibigyang halaga ngayon sa buhay ng mga Pilipino ay ang makapag-aral upang
masolusyonan “ang kahirapan” na siyang sinasabi ni Sec. Jesli Lapus, “Edukasyon
ang Solusyon” sapagkat sa panahon ngayon, kinakailangan na makapag-aral upang
makakuha ng trabahong makaaanggat sa buhay ng mga Pilipino. Maraming paaralan n
ang Pilipinas ngunit mas marami pa rin ang hindi nakapag-aaral. Ang DEMAND ng mga Paaralan ngayon sa Pilipinas
ay napakataas na pilit na ipinasusunod sa mga estudyante dahil may pamantayan
itong gustong pantayan kaya’t ang mga estudyanting hindi kaya ang mga DEMAND nila ay todo kayod at doble ang
trabahong ginagawa upang makapag-aral. Ito ang hamon sa mga mag-aaral sa
Pilipinas ngayon ngunit higit naman na lumalaban ang mga ito kahit pa sa dami
ng mga kakailanganin sa pag-aaral, kailangan nila ng malakas na kalooban
lalong-lalo na sa pag-aaral sapagkat ito ang tagumpay na hindi makukuha ng iba
sa kanya ang makapagtapos sa pag-aaral.
Ang
karanasan ng mga Pilipino sa pag-aaral ay nagbibigay sa kanila ng kaalaman at
siyang nagbibigay kaliwanagan sa mga nangyayari sa kanilang buhay sa pagkat ang
tao ay mahuhubaran lang ng kanyang pagkawalang-malay sa mga pangyayari kung
maaabot niya ang kaliwanagan sa pag-aaral kaya’t kinakailangan din ng tao ang
mag-aaral dahil hindi lahat ng bagaay ay kanyang nalalaman, kailangan niyang
makapag-aral upang malaman ang kanyang kahusayan at sa kadahilanang ito kaya’t
ang mga Pilipino ay nagsusumikap ng mag-aral upang maarok ang sulosyon ng
kanyang buhay, ang pagnanais na maabot ang pangarap at sa pagnanais na ito dito
nagiging matatag at matibay ang mga Pilipino upang maabot niya ang kanyang
gusto.
Ang mga
pagsubok ng mga mag-aaral ay ang nagpapalago ng kanilang kaalaman at
pagpapahalaga sa pag-aaral dito makikita na ang taong may pagmamahal sa kanyang
ginagawa, kung ito ay nagsisikap upang makamit ang ninanais at dahil din dito
makikita ang taong may pagpapahalaga sa pag-aaral kung ito ay may matatag at
matibay na kalooban sapagkat pinapahalagahan nito ang kanyang gingawa kung
nananatili siyang matatag at matibay sa kabila ng maraaming DEMAND sa pagaaral
dahil ito ay ang daan tungo sa tagumpay sa buhay kinakailangang maghirap upang
matikman ang ginhawa.
3)
Sa Trabaho o Pamumuhay
Sa
araw-araw na pakikibaka ng mga Pilipino sa buong araw nito ay ginugugugol niya
sa kaniyang trabaho o pamumuhay kinakailangang magtrabaho araw-araw upang
kumita. Ang pamumuhay o trabaho ng mga Pilipino ay parang “PALITAW” lumobog at
lumilitaw, ibig sabihin walang permaninting trabaho o pamumuhay ang mga ito,
kung minsan ay wala at minsan meron at isa sa halimbawa dito ay ang mga nasa
tinatawag na “Contractualization” na mga trabahador, ito ay ang mga trabahador
na hindi permanite ang trabaho, hindi regular ang trabaho, kumikita lang ng
sapat at walang sapat na benepisyong nakukuha. At ang iba sa mga Pilipino ay
ganitong uri ng pamumuhay o trabaho ang kinukuha sapagkat kinakailangan
maghanap-buhay upang umunlad sa buhay at dito makikita na ang Pilipino ay may
pagpapahalaga sa paggawa, “pinapahalagahn ng Pilipino ang paggawa”.[76]
Siya’y naniniwala na dito
naakasalalay ang kanyang kaunlaran at kaligayahan. Halimbawa, sinasabi ng mga
Ilokano, “Ti tao a di mabain a mangged, biagna ti nakired”. (Ang taong di
nahihiyang maghanapbuhay ay gagaling ang buhay.) Na siyang sinasang-ayunan din
ng mga Ilonggo, “Ang tao nga nagapangabudlay, maka-agum gid sang kalipay”. (Ang
taong naghahanapuhay ay siyang makakaatamo ng ligaya.) Gayundin sa mga
Boholano, “ang mag cogue, maca aqui”.
(Ang magtrabaho ay siyang makatatamo ng ligya.) Maliwanag na ang paggawa paras
a Pilipino ay siyang paraan upang makamit ng tao ang kanyang mithiin sa buhay.
Tulad nga ng kasabihang Tagalog, “Ang ligaya’y bulaklak ng pagtitiis.[77]
Kaya’t kahit anumang uri ng
trabaho, ang mga Pilipino ay matiyagang kumakayod araw-araw upang kumita, dahil
“naniniwal ang Pilipino na sa pamamagitan ng paggawa lamang maisasakatuparan
ang layunin sa buhay.”[78]
Para sa mga Pilipino ang
paggawa ay may malaking kinalaman sa ikabubuti ng tao. Iniuugnay niya ito sa
sariling kaunlaran, kahusayan ng buhay, kaligayan at tagumpay. Nakakalamang ang
taong masipag at marunong gumawa. Pinahahalagahan niya ang kaagapan, tiyaga,
kasiapagan, at katatagang-loob. Binibigyang-diin niya ang gawa.[79]
Ang pagunlad sa buhay ay dahil sa pagsusumikap ng
tao sa kanyang sarili at ito ay ang katangian ng Katatagang-Loob sa kanya na
taglay niya upang umunlad sapagkat ito’y nangangahulugan na kahit saang lugar
ka mapunta ay kayang harapin ang mga pagsubok na nakapalibot sa kanya. Ito ang
kailangan ng tao ngayon ang maging matatag at matibay sa lahat ng oras upang
handang harapin ang lahat ng pasanin sa buhay. Ang trabaho o pamumuhay kaakibat
lamang sa buhay sapagkat kung hindi ka mamumuhay ay hindi ka mabubuhay,
nagsisimula ang lahat sa maliit habang pinatatatag ito pinatitibay upang lumaki,
katulad ng puno habang lumalaki ay lumalago ito.
K. Paglalagom
Ang pag-aaral ng Katatagang-Loob sa pilosopiyang Pilipino
ng pagiging matatag at matibay ng tagapananaliksik ay isang paglalahad
pagunawa pagsusuri panaliksik ang kabuuang pagkakaroon ng pamamaraan ng
pag-aaral sa unang kabanata and tagapanaliksik ay naglahad ng mga suliranin sa
pag-aaral na ito ang pagbuo ng buong daloy ng pag-aaral na ito.
Sa
pangalawang kabanata naman ay inilahad ng tagapanaliksik ang kanyang ginamit na
Pilosopo sa pag-aaral na ito at pati na rin ang kanyang konsepto na pinaliwanag
ng tagapanaliksik ang Katatagang-Loob gamit ang semantikong pananaliksik nang
maintindihan ang kabuoang kahulugan nito at sa pamamagitan nito ay makakabuo ng
kahulugan ng Katatagang-Loob.
Ang
ikatlong kanabanata naman ay ang pag-aanalisa ng tagapanaliksik sa paksang
ginamit at paglalahad ng mga suliranin upang mabigyang diin kung ano ang
pinag-aaralan sa paksang ito na siyang pag-unawa sa Pilosopiyang Pilipino ng
pagiging matatag at matibay ito ay ang pag-unawa sa iba’t ibang kontexto ng
pag-aaral.
Ang ika
apat na kabanata ay isang dag-dag na pag-aanalisa na sinang-ayunan ng
tagapanaliksik sa Katatagang-Loob bilang isang katangian ng mga Pilipino, aang
nilalaman nito ay ang mismong karanasan na nangyayari sa Pilipinas na siyang
masasabi na ang katangiang Katatagang-Loob ay angkin ng mga Pilipino sa oras ng
unos, sa pananalangin at pagsubok.
Sa ika
limang kabanata na siyang pag-aaral ayon sa pagbubuklod ng konsepto ng kanyang
Pilosopo at ang kanyang na unawaan sa paksang ito. Ito ay ang pag-aaral ng
tagapanaliksik sa kanyang pagkaintindi ukol sa pinag-aaralang paksa.
Isinasaad
ng konsepto ng Katatagang-Loob na sa lahat na nangyayaring paghihirap, pagsubok
na nararanasan ng mga Pilipino ay pagiging matatag at matibay ang kailangan.
Umano ang mga pagsubok, paghihirap at iba pa ay kaakibat ng buhay ng tao kaya’t
hindi maiiwasan ang mga ito sapagkat ito ang nakapalibot sa buhay ng tao sa
kanyang mundong ginagalawan. Sinasabi ni Tiangco anumang pangyayari sa buhay ay
may kakayahan ang lahat na bumangon uli at magsimula ng panibago at ito ang
Pilosopiya ng pagiging matatag at matibay ang kakayahang makabalik sa normal.
Ang pagiging matatag at matibay ay kaugnay ng tiyaga sapagkat dito nakikita ang
pagiging matatag at matibay ng mga Pilipino sa pagsusumikap niya sa araw-araw
na pakikibaka sa pagharap ng mga pagsubok sa buhay at ito ang katangian nila na
dapat panatilihin sa panahon ngayon.
D. Konklusyon
“Kapag ang isang tao ay nag kamit ng katatagang loob at
katapangan, mundo man ay kaya niyang harapin at hawakan”
-Joselito Espino
Ang Katatagan ng kalooban
ay ang kailangan ng mga Pilipino ngayon, na makakatulong sa kanila. Ang mga
Pilipino ay may katangian ng pagiging matatag at matibay at ito ay nananalaytay
sa kanila. “Ang pinakamasakit na karanasan ng tao ngayon ay ang pagkabigo” [80]ngunit ito
ang nagpapalago ng pagkatao at dito nakikita ang pagiging matatag at matibay
nito sa pagharap ng mga pagsubok at pagkabigo niya. Ang katangian ng Pilipino
ang katatagang-Loob ay makakaambag sa bawat Pilipino kung ito ay kanilang
papalaguin sa pagharap sa mga hamon sa buhay. Nakita ng tagapanaliksik sa
kanyang pagsusuri at pagunawa sa mga karanasan ng mga Pilipino na ganito talaga
ang buhay laging merong kasalungkat na matatawag dahil kung may hirap may
sarap, pag may lungkot may ligaya at iba pa, laging may kaakibat ito na
kailangan harapin kung ang ligaya ay may kadahilanan at pinanggalingan ganun
din ang kalungkutan na nararanasan na ssiyang
Sa pamamaraan ng semantikong
pag-analisa sa salitang Katatagang-Loob ay nakita natin ang kahulugan nito, ang
mga terminong ginamit sa pagunawa ng salitang katatagang-Loob sa pamamagitan ng
pagunawa sa salitang Katatagan at Loob at dito nabigyang linaw ang kahulugan ng
Katatagang-Loob at Lakas ng Loob na sinasabi ni Tiangco na dapat hindi natin
tingnan ito bilang katumbas na kahulugan at ito ay nangangahulugan sa iba’t
ibang paggamit ng salita. Ang Katatagan na siyang katangian ng isang Pilipino
isang katutubong kultura na namana ng isang Pilipino kaya’t nananalaytay ito sa
bawat isa bilang isang Pilipino na may Katatagan. Ang Loob na siyang
Pinag-aaralan sa iba’t ibang kontexto ay may iba’t ibang kahulugan sa pagkat
hindi ito mabibigyang kahulugan kung hindi ito gagamitin
sa mga tayutay (Figure of Speech). Sa makatwid sa paggamit natin ng Semantikong
pananaliksik ay nabigyang kahulugan ang katatagang-loob sa tiyak at kontexto ng
pinag-aaralan sa paksang ito.
Ang Resilience[81]
na siyang nilapat sa wikang talagalog na Pagiging Matatag at Matibay na ginamit
sa iba’t ibang kontexto sa pagaaral na ito sapagkat ito ay nangangahulugan ng
kakayahang pagbangon sa anumang mga hirap at pagsubok at ito ay nangangahulugan
ng pagiging matatag at matibay at ito ay nakita natin ang iba’t ibang gamit ng
Pilosopiyang ito sa mga karanasan ng mga Pilipino, samakatwid, ang Pilosopiya
ng Pilipino ay ang mga karanasan ng bawat isa na siyang nagbibigay sa kanila ng
iba’t ibang pananaw sa mga nangyayari sa daigdig dahil ang Pilosopiya ay
nagsisimula sa karanasan na humuhugis sa kanilang kaisipan.
“Sa modernong panahon
hindi na natin kailangan ng karahasan”[82] upang
labanan ang kahirapan at paghihirap sa halip ay katatagan ang ating kailangan,
tayo ay sumusunod na sa pagbabago ng mundo at sa pagbabagong ito mas lalong umaangat
ang kaisipan ng bawat tao dahilan rin ng pangaagat ng iba’t ibang mga pagbabago
na ating nakikita sa ating paligid ngayon. Lahat ng ito ay gawa ng tao, lahat
ng mga pangyayari sa mundo ay may kinalaman ang tao ngunit hindi lahat ng mga
ito ay kayang sulosyonan ng tao may mga bagay na hindi hawak at kayang
kontrolin nito kaya’t sa pag-aaral na ito hinihimok ang lahat na sa bawat
pagbabago sa mundo ang sarili ay dapat na baguhin rin na makakatulong sa iba sa
maayos na paraan. Ang Pilipino ay patuloy sa papupunyagi na umasinso ngunit ang
mga pagsubok ay hindi nawawala sa pangarap na pangaangat nito kaakibat palagi
ang hirap sa sarap subalit kung lahat ay magsisikap walang imposible dito. Ang
mga Pilipino sa mga panahon na humaharap sa mga pagsubok katatagang-loob ang
kailangan, samakatwid ito ang kailangan ng lahat upang mapagtagumayan ang mga
pagsubok na nakapalibot sa ating buhay.
BIBLIOGRAPHY
Primary Sources:
Tiangco, Joseph Anthony Narciso Z., “Convergence Bteween Filipino Philosophy
and Taoism on the Value of Reselience:
Katatagang-Loob ang the way of the Tao”
Tiangco, Joseph Anthony Narciso Z.,
edited, by Gripaldo, Rolando M., “Pilipino
Cultural Traits” Understanding the
Filipino Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob and its Phenomenological
Considerations, 2005.
Secondary Sources:
Andres, Tomas
D., “Understanding Values”, New day
Publisher, 1980
Andres, Tomas Quintin D. at
Ilad-Andres, Pilar Corazon B., “Making
Filipino
Values work for you”, St. Paul Publication, 1986.
De Mesa, Jose M., In Solidarity with
the Culture (Quezon City: Maryhill School
of Theology, 1987)
Gorospe,
Vitaliano R., Jr. S.J., “Filipino Search
for Meaning”, (Manila: Jesuit
Educational
Association, 1974)
Mercado, Leonardo N., “Filipino Thought”, Logos Publication,
2000.
Mercado, Leonardo N., “Filipino Thought”, Philippine studies,
1972.
Mercado,
Leonardo N., “Legal Philosophy: Western,
Eastern, and Filipino”,
Divine
Word University Publication, 1984.
Miranda,
Dionisio M., “Loob the Filipino within”, Divine
word Publicatios,
Manila,
1989.
Tiangco, J.A.N, “The way of Psychology: Nothingss and relatednessin the
intellectual history of psychology, Central books:
Philippines, 2008.
Tiangco, J.A.N, “Sunyata, postmodern self, and the great satori. International
reading on thery, History and
Philosophy of Culture, St. Petersberg, Russia, 2006.
Tiangco, J.A.N., “Intellectual schism in Philippines psychology are schisms of the
self: Meditations from an East – West
comparative”, Asian Journal of Social Science, 33
(2), 295-318, 2005.
Tiangco, J.A.N., Using contemporary psychological perspective in re
understanding Taiwanese EFL
development: Observations and implications fpr tertiary education”, Asian EFL Journal, 7 (1)-38, 2005.
Tiangco, J.A.N., and Ko, N.H., “Students’ phenomenological experiences of
triumph: Narrative of perseverance and
its implications to project-based learning, Paper presented in the
International Conference on Life Stories, Narrative and cultural diversity, May
22-23, in Kaohsiung, Taiwan: Shu-Te University, 2008.
Tiangco, J.A.N.,“Śūnyatā and Postmodern Ambiguity as
Philosophies of
Spirituality:
Implications to Education, Multi-Faith Dialogue, and Developing a Culture of
Peace”, Paper presented in the Interfaith
Dialogue Conference on April 8-9, 2006 inWinchester, UK: Winchester University,
2006.
Tiangco, J.A.N., “The postmodern condition and mental health:
Issues and
challenges” Lecture sponsored by the Philippine National Philosophical
Society (PNPRS), 2005.
Timbreza, Florentino T., “Pilosopiyang Pilipino”, Rex printing
Company Manila
Phil., 1982.
_____________________“Filipino Values Today”, Natioanl Books
Store, 2003.
_____________________“Quest for Meaning: Philosophy made easy for
Filipinos”, New day Publishers, 2000.
Quito, Emerita S. at Abulad, Rumualdo
E., “Ang Pilosopiya ng Tao”, Pheonix
Publishing, 1980.
Journal and Articles:
Anarson, Gardar, “The
Concept of Resilience: A Functional Account”, Up Manila
Journal, 2009.
Carlos, Ramona, Enfield, Richard P., Youth
Development focus “Resiliency and
Assets:Understanding the Ecology of
Youth Development”, (a monograph of the 4-h center for youth development university of california, davis)
Dante Barcelona, Alvin S. de Guzman at Emiliano Q. Ibera mga mag-aaral ng
Inter-Congregational Theologicaal Center (ICTC), “Tiis, Tiyaga”, 2006.
Dy, Manuel B., “Paghahanap sa Weltanschaung ng Pilipino”, sa Ang
Pandaigdigang Pananaw ng mga Pilipino (Lungsod ng Quezon: Institute for
Southeast Asian Studies, Singapore, 1978)
Magno, Carlo, Ed. Capeding, Leo J.,“Philippine Journal of Counseling
Psychology” (An annual Journal of the Philippine
Association fo Councelor education, Research and Supervision (PACERS), 2008.
Quito, Emireta S., “The cases of Filipino Philosophy,” sa
kanyang Lecture on
Comparative
Philosophy, Occasional Paper No. 7
(Manila De La Salle University, 1979).
Scott, Elder Richard G., “Ang Nagpapabagong Kapangyarihan ng
Pananampalataya at Pagkatao”
Katatagan ng Kalooban ay isang proyekto sa edukasyon sa
pagpapahalaga IV,
modyul blg. 12. Sa pamunuan ng Bureau of Secondary Education, department
of education.
Internet Sources:
Katatagan ng Loob.,Internet (August 18,
2012)
http://bucaio.blogspot.com/2011/10/katatagan-ng-loob.html.
Lawrence, Larry R.,Internet (August 12,2012)“Katatagan ng Loob ng Magulang”
https://www.lds.org/conference/talk/display/0,5232,23-8-1305-30,00.html
http://www.pedrocalungsod.net/life-of-a-martyr.html
(January
29, 2013)
http://www.experientialist-philosophy-lakoff-and-johnson-1992(January29,
2013)
http://phg.sagepub.com/content/24/3/347 (January 29, 2013)
http://www.ecologyandsociety.org/vol1/iss1/art7/ (January 29,
2013)
http://www.
Ecological_resilience_20100108_234511 (January 30, 2013)
www.centerforpos.org (January 30, 2012)
www. ncbi.nlm. nih.
gov/pmc/Limits/ (August 16, 2012)
[1]
Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, isinalin ni Rolando M. Gripaldo,
“Filipino Cultural Traits” Understanding
the Filipino Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob and its Phenomenological
Considerations, 2005, Chapter
III.
[2]
Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, isinalin ni Rolando M. Gripaldo,
“Filipino Cultural Traits” Understanding
the Filipino Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob and its Phenomenological
Considerations, 2005, Chapter III
[3]Tingnan ang
sulat ni Gardon Anarson, “The Concept of Resiliency: A Functional Account”, University of
Philippines Manila, 2009, p. 112.
[4]
Tingnan ang isinulat ni Florentino
T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino,
Rex Book Store, 1982, Pg. 17
[5]
Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, isinalin ni Rolando M. Gripaldo,
“Filipino Cultural Traits” Understanding
the Filipino Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob and its Phenomenological
Considerations, 2005, Chapter III
[6]
Ang imormasyon tungkol sa kanyang buhay ay nakuha ng tagapananaliksik sa
pagtatanong niya kay Joseph Anthony Narciso Z. Tiangco, ito ay mismong galing
sa kanya.
[7]
Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, isinalin ni Rolando M. Gripaldo,
“Filipino Cultural Traits” Understanding
the Filipino Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob and its Phenomenological
Considerations, 2005, Chapter
III.
[8]
Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, isinalin ni Rolando M. Gripaldo,
“Filipino Cultural Traits” Understanding
the Filipino Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob and its Phenomenological
Considerations, 2005, Chapter
III.
[9]
De mesa, Jose M., In Solidarity with the Culture (Quezon City: Maryhill School
of Theology, 1987), pg. 57
[10]
Jose M. De mesa, In Solidarity with the Culture (Quezon City: Maryhill School
of Theology, 1987), pg. 57
[11]
Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, isinalin ni Rolando M. Gripaldo,
“Filipino Cultural Traits” Understanding
the Filipino Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob and its Phenomenological
Considerations, 2005, Chapter
III.
[12]
Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, isinalin ni Rolando M. Gripaldo,
“Filipino Cultural Traits” Understanding
the Filipino Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob and its Phenomenological
Considerations, 2005, Chapter
III.
[13]
Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, “Convergence Between Filipino
Philosophy and Taoism On the Value of Resilience: Katatagang-Loob ang the way
of the Tao” pg 19.
[14]
Tingnan ang isinulat ni Florentino
T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino, Rex Book Store, 1982, Pg. 45
[15]
Tingnan ang isinulat ni Florentino
T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino, Rex Book Store, 1982, Pg. 42
[16]
Tingnan
ang sulat ni Gardon Anarson, “The Concept of Resiliency: A Functional Account”, University of
Philippines Manila, 2009, p. 106.
[17]
Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, “Convergence Between Filipino
Philosophy and Taoism On the Value of Resilience: Katatagang-Loob ang the way
of the Tao” pg 19.
[18]
Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, “Convergence Between Filipino
Philosophy and Taoism On the Value of Resilience: Katatagang-Loob ang the way
of the Tao” pg 19.
[19]
Tingnan
ang sulat ni Gardon Anarson, “The Concept of Resiliency: A Functional Account”, University of
Philippines Manila, 2009, p. 106.
[20]
www. ncbi.nlm. nih. gov/pmc/Limits/ (August 16, 2012)
[21]
Tingnan
ang sulat ni Gardon Anarson, “The Concept of Resiliency: A Functional Account”, University of
Philippines Manila, 2009, p. 106.
[22]
Tingnan
ang sulat ni Gardon Anarson, “The Concept of Resiliency: A Functional Account”, University of
Philippines Manila, 2009, p. 112.
[24]
Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, “Convergence Between Filipino
Philosophy and Taoism On the Value of Resilience: Katatagang-Loob ang the way
of the Tao” pg. 25
[25]
Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, “Convergence Between Filipino
Philosophy and Taoism On the Value of Resilience: Katatagang-Loob ang the way
of the Tao” pg 25
[27]
Tingnan
ang sulat ni Gardon Anarson, “The Concept of Resiliency: A Functional Account”, University of
Philippines Manila, 2009, p. 106.
[29]
http://www. Ecological_resilience_20100108_234511 (January 30, 2013)
[30]
Tingnan
ang sulat ni Gardon Anarson, “The Concept of Resiliency: A Functional Account”, University of
Philippines Manila, 2009, p. 107.
[31]
http://www. Ecological_resilience_20100108_234511 (January 30, 2013)
[33]
Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, isinalin ni Rolando M. Gripaldo,
“Filipino Cultural Traits” Understanding
the Filipino Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob and its Phenomenological
Considerations, 2005, Chapter
III.
[34]
Tingnan ang sulat ni
J.A.N. Z. Tiangco, isinalin ni Rolando M. Gripaldo, “Filipino Cultural Traits” Understanding the Filipino Philosophy of
Resiliency: Katatagang-Loob and its Phenomenological Considerations, 2005, Chapter III.
[35] www.centerforpos.org (January 30, 2012)
[36]
Carlo Magno, Ed. Leo J.Capeding,“Philippine Journal of Counseling
Psychology” (An
annual Journal of the Philippine Association fo Councelor education, Research
and Supervision (PACERS), 2008, pg. 2
[37]
Tingnan ang sulat nina Emerita S. Quito, at Rumualdo E. Abulad, “Ang Pilosopiya
ng Tao”, Pheonix Publishing, 1980, Pg. 1.
[40] Ramona Carlos, Richard P.
Enfield, Youth
Development focus “Resiliency and Assets:Understanding the Ecology of Youth Development”,
(a monograph of the 4-h center for youth development university of california, davis)
[41]
Carlo Magno, Ed. Leo J. Capeding,“Philippine Journal of Counseling
Psychology” (An
annual Journal of the Philippine Association fo Councelor education, Research
and Supervision (PACERS), 2008, pg. 5-6
[42]
Tingnan ang sulat nina Tomas Quintin D. Andres, at Pilar Corazon B.
Ilad-Andres, “Making Filipino Values work
for you”, St. Paul Publication, 1986, pg. 38-39
[43]
Tingnan ang sulat nina Tomas Quintin D. Andres, at Pilar Corazon B.
Ilad-Andres, “Making Filipino Values work
for you”, St. Paul Publication, 1986, pg. 39
[44]
Tingnan ang sulat nina Tomas Quintin D. Andres, at Pilar Corazon B.
Ilad-Andres, , “Making Filipino Values
work for you”, St. Paul Publication, 1986, pg. 38-39
[45]
Tingnan ang sulat ni Leonardo
N. Mercado, “Filipino Thought” ,
Philippine Studies, 1972, p.25
[46]
Tingnan ang sulat ni Leonardo
N. Mercado, “Filipino Thought” ,
Philippine Studies, 1972, p.257
[47]
Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, “Convergence Between Filipino
Philosophy and Taoism On the Value of Resilience: Katatagang-Loob ang the way
of the Tao” pg. 25
[48]
Carlo Magno, , Ed. Leo J. Capeding,“Philippine Journal of Counseling
Psychology” (An
annual Journal of the Philippine Association fo Councelor education, Research
and Supervision (PACERS), 2008, pg. 9
[49]
From the Philippine daily
Inquirer, Copyright 2012
[52]
Tingnan ang pananaliksik nina Dante Barcelona, Alvin S. de Guzman at Emiliano
Q. Ibera mga mag-aaral ng Inter-Congregational Theologicaal Center (ICTC), “Tiis, Tiyaga”, 2006.
[53]
Tingnan ang isinulat ni Elder Richard G. Scott, “Ang Nagpapabagong Kapangyarihan ng Pananampalataya at Pagkatao”
[54]
Tingnan ang isinulat ni Elder Richard G. Scott, “Ang Nagpapabagong Kapangyarihan ng Pananampalataya at Pagkatao”
[55]
Tingnan ang isinulat ni Florentino
T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino, Rex Book Store, 1982, Pg. 125-129
[56]
Tingnan ang sulat nina Tomas Quintin D. Andres, at Pilar Corazon B.
Ilad-Andres, , “Making Filipino Values
work for you”, St. Paul Publication, 1986, pg. 29
[57]
From the Philippine Daily Inquirer Copyright 2012
[58]Leonardo N. Mercado, , “Legal Philosophy: Western, Eastern, and Filipino”, Divine Word
University Publication, 1984, Pg. 103
[59]
Sa Penominolohiyang pag-aaral ay nagsisimula
sa tinatawag na epoche o bracketing. Ibig sabihin nito ay ang paghuhubad ng mga
dala-dalang presupposition ng isang nakikiramdam sa penomena. Ang paghuhubad ng
mga dala-dalang presupposition ay hindi nangangahulugan na buong-buo at walang
natitirang presupposition sa tumingin ng penomena. Nagtataglay ka pa rin ng
tinatawag na basic presupposition.[59]
[60]
Experiential, derived from,
based on, or relating to experienced: Epirical.
[61]
Tingnan ang isinulat ni Florentino
T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino, Rex Book Store, 1982, Pg. 2
60a “Philosophy is critical reflection on human life and experience to
discover its total human meaning and possibilities and thus be in the service
of total human growth,” “…the starting point of philosophical refelction is
always experience and consequently its method must necessarily be
experiential.” Tunghayan si Fr. Vitaliano R. Gorospe, Jr., S.J., “Filipino Search for Meaning”, (Manila:
Jesuit Educational Association, 1974), pp. 22-23
[62]
Cf. Dr. Manuel B. Dy, , “Paghahanap sa
Weltanschaung ng Pilipino”, sa Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pilipino
(Lungsod ng Quezon: Institute for Southeast Asian Studies, Singapore, 1978),
pp. 11-12
61a “There is no Filipino philosophy in nationalistic
sense, for philosophy’s content must be universal; it must transcend mere
ethnic or geographical boundaries.” Cf. Emireta S. Quito, “The cases of Filipino Philosophy,” sa kanyang Lecture on Comparative Philosophy, Occasional Paper No. 7 (Manila
De La Salle University, 1979), p. 23
[63]
http://www.experientialist-philosophy-lakoff-and-johnson-1992
(January 29, 2013)
[64]Joseph
Anthony Narciso Z. Tiangco, , “Sunyat, Postmodern Self and the Great Satori”
International
Readings on Theory, History and Philosophy of Culture. St. Petersberg, Russia.
(2006)
[65]
The concept of Bahala na is not pure
fatalism because the expression connotes various things. For example, ‘ikaw na
ang bahala niya’ (Take responsibility for that thing), ‘bahala na na kami’ (we
shall take care of ourselves). Or when a filipino is cought in a tight
situation, he courageously fight back saying, ‘bahala na!’ Hence one meaning of
‘Bahala na’ is courage, the daring spirit to take risk, or hope. Tingnan ang sulat ni Leonardo N.
Mercado, “Filipino Thought”, Philippine
studies, 1972, p. 267 related to this “Bahala
na positively can mean encouragement, confidence
in oneself,
co-responsibility, creativity, when it harnesses the reservoir of psychic
energy, when it is optimistic.” Leonardo N. Mercado, “Filipino
Thought”, Logos Publication, 200, p. 96
[67]
Bayani, the English word comes
from the Greek Hereos which probably
means to protect (sevare in Latin). The Hero is a person who is often a warrior
endowed with great strength. A hero is also a person who is admired for his
achievement and noble qualities. A heroic person is one who does a deed beyond
the call of the ordinary. So one also speaks of heroic sanctity, heroic
bravery. Tingnan ang sulat nito ni Leonardo N. Mercado, “Filipino Thought”, Logos Publication, 2000, p. 83
[68]
Tingnan ang isinulat ni Florentino
T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino, Rex Book Store, 1982,
Pg. 11
[69]Tingnan
ang isinulat ni Florentino T.
Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino, Rex Book Store, 1982,
Pg. 49
[70]
Tingnan ang isinulat ni Florentino
T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino, Rex Book Store, 1982, Pg. 49
[71]
Tingnan ang isinulat ni Florentino
T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino, Rex Book Store, 1982, Pg. 49
[72]
Tingnan ang isinulat ni Florentino
T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino, Rex Book Store, 1982, Pg. 50
[73]
Tingnan ang isinulat ni Florentino
T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino, Rex Book Store, 1982,
Pg. 50
[74]Tingnan
ang isinulat ni Florentino T.
Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino, Rex Book Store, 1982, Pg. 51
[75]
Tingnan ang isinulat ni Florentino
T. Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino, Rex Book Store, 1982, Pg. 17
[76]Tingnan
ang isinulat ni Florentino T.
Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino, Rex Book Store, 1982,
Pg. 39
[77]Tingnan
ang isinulat ni Florentino T.
Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino, Rex Book Store, 1982,
Pg. 39
[78]Tingnan
ang isinulat ni Florentino T.
Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino, Rex Book Store, 1982,
Pg. 40
[79]Tingnan
ang isinulat ni Florentino T.
Timbreza, “Pilosopiyang Pilipino, Rex Book Store, 1982,
Pg. 42
[80]
Tomas D. Andres,
“Understanding Values”, New day Publisher, 1980, Pg. 17
[81]
“The Filipino philosophy of
resiliency – katatagang-loob – is excercised as an act of harmonizing with an
invariable nature.” Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, isinalin ni
Rolando M. Gripaldo, “Pilipino Cultural Traits” Understanding the Filipino Philosophy of Resiliency: Katatagang-Loob
and its Phenomenological Considerations, 2005, Chapter III.
[82]
Tingnan ang sulat ni J.A.N. Z. Tiangco, “Convergence Between Filipino
Philosophy and Taoism On the Value of Resilience: Katatagang-Loob ang the way
of the Tao” pg. 33